B'sHeart#19 [UNEDITED]

6.8K 191 5
                                    

"Arew, the doctor said you can't go out!" Saway sa kanya ng makulit na babaeng pinadala ng sekretarya nya. Hindi nya alam kung bakit ba ito ang nagbabantay sa kanya eh mukhang ito pa nga dapat ang binabantayan dahil sa hindi ito marunong managalog at lagi itong naliligaw.

"Baby, I told you. Boredom is killing me. I can't stay doing nothing!" Protesta nya pero makulit itong umiling.

"No, sissy Cuzzy, Hailey told me to take care of you so, sorry Mr. but I won't let you leave" giit nitong hindi nya pinansin at nagpatuloy sa paglabas ng silid na agad rin syang nahinto nang makita ang dalagang ni minsan ay hindi nawala sa isip nya. Ang sabi ni Hailey ay nasa probinsya ito pero anong ginagawa nito rito?.

"Oh, is she the girl?" Biglang tanong ng pinsan ni Hailey na nagngangalang Baby.

"She can't see me here" natatarantang aniya na ikinataas ng kilay nito.

"Ey, are you crazy, Baby?" Tanong nitong ikinakunot ng noo nya. Talaga bang lahat ng lalaki ay tinatawag nitong baby?.

" She's here for you, she will give you a medicine, you think you can hide from her?" Baby asked him in as a matter of fact tone.

"So, What am I going to do?" Natataranta nyang tanong at muling pumasok sa loob ng silid habang si Aenah ay mabagal na naglalakad patungo sa silid nya.

"Amn, I have an idea. Can you let me do it?" Tanong nitong nag-aalangan man ay tinanguan na nya nang makita si Aenah na nasa tapad na ng pinto.

Hindi nya alam kung paanong nasa mga labi na nya ang mga labi ni Baby. Hindi ito gumagalaw at nakalapat lang ang labi sa mga labi nya, ang nanlalaki nyang mga mata ay ipinikit nya nang makitang nakapasok sa si Aenah. Bahala na pero mas mabuti na rin ito kesa naman mag-alala nanaman ito sa kalagayan nya. Mas gusto nyang magalit ito sa kanya kaysa sa matakot ito sa kung anong lagay ng kalusugan nya.

Agad ring lumayo sa kanya si Baby nang makarinig sila ng pagtikhim. Hinuli nya ang mga mata ni Aenah pero ni hindi tumagal ng ilang segunto ang pagtatama ng kanilang mga mata. Kung hindi kay Baby ay sa kung saan ito tumitingin.

"I'm sorry po sa estorbo pero kailangan na pong uminom ng pasyente ng gamot" Sabi nitong kay Baby lang nakatingin.

"Oh, thank you miss" rinig nyang sabi ni Baby na hindi nya binalingan ng tingin. Abala sya sa pagtitig kay Aenah. Miss na miss na nya ito at habang tumatagal na nakikita nya ito ay mas lalo syang nahihirapang pigilin ang sariling yakapin at halikan ito.

"Baby, you have to take your medicine" ayaw pa sana nyang alisin ang tingin sa dalaga nang lumapit sa kanya si Baby at kalabitin sya nito. Pinanlakihan sya nito nang mata at sinenyasan syang uminom ng gamot. Hindi nya kinuha ang gamot na inaabot nito at sinundan nya ng tingin si Aenah na abala sa pagsusulat sa dala nitong papel.

"I thought your building a gap between the two of you? Why now? Can't take it?" Bulong ni Baby sa kanya dahilan para makapalik sya sa reyalidad. Muntik na nyang makalimutan na kailangan nya palang lumayo rito, pero bakit ang hirap makitang iniiwasan sya nito?. Bakit ang sakit na hindi ito malapit sa kanya?.

"Kapag naubos na ito, pwede na ho kayong makalabas ng ospital" rinig nyang sabi ni Aenah at para maiwasang muling tumingin rito ay tinanggap nya ang gamot na inaabot sa kanya ni Baby.

"Thanks, Baby" pasalamat nya rito matapos uminom ng tubig na iniabot rin nito. Ngumiti lang ito sa kanya at nang balingan si Aenah ay paalis na ito.

"Aalis na ho ako, pasensya na ulit" hindi manlang sya nagkaroon ng pagkakataong titigan ito ng mas matagal pa habang paalis dahil halos patakbo itong lumabas. Talaga ngang sinunod nito ang sinabi nya dahil iniiwasan na sya nito.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now