B'sHeart#31 [UNEDITED]

7.7K 218 13
                                    

" I'll give him an Anesthesia" anunsyo ng Anesthesiologist na tinanguan ni Aenah. Nakahanda na ang lahat sa OR at hawak nya ang kamay ni Yexel na nakamulat pa rin ang mga mata.

"Promise me, Aenah. You will be happy even I don't make it" huling sabi nito bago ito tuluyang makatulog.

Kasabay ng pagpatak ng luha nito ay ang luha rin nyang hindi nya napigilang kumawala. Napakasakit kahit na isipin nya palang na may posibilidad na mawala ito sa kanya. Hindi nya kakayanin. Yexel, why are you doing this? Why are you always hurting me? Gusto nyang itanong iyun sa binata pero hindi na nito iyun masasagot.

"I'll begin" anunsyo ni Kaiser na sinagot nilang lahat.

"Scalpel" nang nasa kamay na nito ang scalpel at handa nang simulang buksan si Yexel ay bumaling ito sa kanya.

"You okay? You need to focus Doctor Rivera" payo nito sa kanya. Pumikit sya ng mariin at inikot ang ulo bago muling tumingin sa pasyente.

"I'm fine Doc, don't mind me" sabi nyang sapat para rito at sinimulan na nito ang operation.

"Sanction" sabi ni Kaiser.

"Sanction " ulit nya't tinuyo ang dugong humaharang para makita nito ang hinahanap.

"Guise " sabi nito.

"Guise" ulit nya't ginawa ang dapat nyang gawin.

Napalunok sya nang tuluyang makita ang pusong dahilan ng paghihirap ni Yexel. Kailangan lang nila iyung tanggalin at palitan. Pagkatapos ng operation ay dudurugin nya talaga iyun na gamit ang sariling kamay.

"Clip" ani Kaiser.

"Clip" ulit nya. Sanay na inipit nito ang malaking ugat na konektado sa puso ng pasyente na mabilis lang ay natapos agad.

"I'll remove the heart" anunsyo nito.

"Pump on" sabi ni Kaiser.

"Pump on" ulit ng mga ibang doctor na naruon na syang nagbukas ng pump na magiging kapalit ng puso sa pag pump ng dugo.

Habang tumatagal ay unti-unti nanamang bumabalik ang kaba sa dibdib nya. Paano kong may biglang mangyari at hindi kayanin ni Yexel?. Pumikit syang muli para ibalik ang focus. Kailangan nyang umayos kundi mas mapapahamak si Yexel.

"Container" naimulat nya ang mga mata nang marinig iyun. Sinundan nya ng tingin ang pusong natanggal na sa katawan ni Yexel. Kailangan na nilang ikabit ang bagong puso. Nanginginig ang kamay nyang nakatingin sa pusong ilalagay kay Yexel.

"Doctor Rivera!" Nakabalik sya sa tamang pag-iisip nang sigawan sya ni Kaiser.

"D-doc" utal na tawag nya rito. Matalim ang tingin na ibinigay nito sakanya.

"Come back to your senses, Rivera. You're a doctor and not a paranoid patient's realative!" Pangaral nito sa kanya. Lumunok sya't pilit inayos ang sarili.

"Ikakabit ko na ang bagong puso" anunsyo nito. Pilit nya pa ring inaayos ang sarili nang maipwesto ni Doc Kaiser ang pusong ikakabit kay Yexel.

"Tie" anito

"Tie" ulit nya't mabilis ang kamay ni Doc Kaiser na tinahi ang mga ugat na kailangang ipagdugtong.

"Cut" sabi nito.

"C-Cut" utal na aniyang paniguradong ikanatataka ng mga kasama nila dahil ito ang unang pagkakataon na kinabahan sya sa OR.

"Rivera!" Paninigaw sa kanya ni Doc Kaiser.

"S-sorry doc" nanunubig na ang mga mata nya pero FUCK!, hindi sya pwedeng umiyak.

"Mag focus ka lang, he's a patient, Aenah. A patient " sabi pa nitong tinanguan nya. Tama, pasyente dapat ang isipin nya kay Yexel.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now