B'sHeart#05 [UNEDITED]

8.6K 241 6
                                    

"Doc. Surgeon ka di ba? Heart Surgeon?" Kumunot ang noo ng lalaking doktor sa tanong nya.

Hindi ito makapaniwalang pumihit paharap sa kanya. Ngayon lang nya napansin na gwapo pala ito, ay hindi pala, ngayon lang nya napansin na may gwapo palang doctor sa ospital nila.

" Are you talking to me, Aenha?" Tanong nito sa kanyang sya naman ang napakunot ang noo. Halata ba? Ito lang naman ang doctor sa counter eh. " Is this real? Am I dreaming right now?" Tanong pa nitong binalingan ng tingin ang dalawang nurse sa counter. Bakit parang hindi naman ito makapaniwala.

" Okay ka lang Doc? Need mo another doctor, yung psychiatrist?" Nakataas ang kilay na tanong nyang tinawanan nito pati nung dalawang nurse na nakarinig.

" I mean, this is new. Sa 5 months na pagtatrabaho mo rito ngayon mo lang ako kinausap. Ngayon ka lang may kinausap na doctor na hindi mo nagiging teacher or senior" paliwanag nitong ikinatikom ng bibig nya. Ganun ba? Parang tama ito sa sinasabi nito dahil iilang doktor lang ang kilala nya.

" Anong gusto mong malaman at nagbago ang ihip ng hangin at ang esnaberang Nurse Aenha Rivera ay bigla akong kinausap?"

Bigla tuloy syang nahiya dahil sa mga sinabi nito. Hindi naman sya esnabera eh, konti lang.

" Ah, wala naman" naiilang na sagot nya na mahinang tinawanan ng gwapong doktor. " Magkano mag-aral ng CS?" Mabilis na sagot nyang ikinatigil ng gwaping doctor. " Sabi ko nga joke lang"

Napapailing na napahawak sa bulsa ang gwapong doctor. Isinandal nito ang likod sa counter at seryoso syang tinignan.

" Bakit, gusto mo mag aral ulit?" Tanong nito na ikinakagat ng labi nya. "Hindi ko masasagot ang magkano na tanong mo, hindi naman ako mathematician para ma compute yun lahat pero kakayanin mo naman siguro yun lalo't nakapag-aral ka na ng medical nursing" paliwanag nitong tinango-tanguan nya.

" Ganun ba? Kaso kung mag-aaral ako, mga ilang taon aabutin para maging surgeon ako?" Tanong nyang puno ng pag-aalangan. Mahinang natawa ang gwapong doctor bago sumagot.

" 8 to 10 years" nasamid sya sa sariling laway nang marinig ang sinabi nito. Bakit naman ang tagal?.

" Mag-aaral ka ng 4 years tapos may internship ka pang isang taon, pagkatapos tatapusin mo yung residency mo, pwede ka nang makapasok sa operating room as a surgeon kung resident ka na but assist lang kayo but most of the times manood lang naman kayo sa operation. Pero kung magaling ka pwede ka nang maging first assistant surgeon, dipende sa skills mo. At pwede ka lang maging lead surgeon kung tapos na ang residency mo." mahabang paliwanag nitong halos malula sya. Parang ang hirap naman, kakayanin nya ba yun? Atsaka, ang tagal naman. Anhaba pa ng panahong gugugulin nya.

Bumalik sya sa kasalukuyan nang marinig ang mahinang tawa ng gwapong doctor. Matalino siguro ito kaya ito naging surgeon, masyado rin itong mukhang bata para maging isang professor at lead surgeon ng isang napakagaling na team.

" Ilang taon ka na Doc?" Bigla nalang tanong nya. Tumigil ito sa pagtawa at napapantastikuhang taimtim syang tinitigan. " Gusto ko lang malaman, mukha ka kasing bata" maagap na aniyang tinanguan nito.

" I'm already 28" sagot nito. Bata pa nga, masyado pa itong bata para sa 10 years na estimate nito sa pag-aaral.

" Ilan ba IQ mo?" Hindi na nya alam kung saan nya kinukuha ang mga tanong nya pero curious talaga sya.

Natatawa itong umiling at humigop ng kape sa hawak nitong kape na malamig na siguro dahil ang tagal na nitong hindi humihigop kaka sagot sa mga tanong nya.

" 137" literal na nanlaki ang mga mata. Matalino nga, genius nga ito. " I finished my studies when I was 20, and yeah, I became a first assistant on my first year of residency" nag letter O ang bibig nya sa pagkamangha.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now