B'sHeart#18 [UNEDITED]

6.8K 200 4
                                    

Bumalik sa normal ang lahat nang makaalis ang ate Amy nya't asawa nito. Napanguso sya nang makita ang message ni Ashana na kailangan sya sa ospital.

   "Amn, Ma, kailangan na rin akong bumalik sa Manila. Marami kasing pasyente dahil malapit na ang December" paliwanag nyang mabuti naman at tinanguan nito.

Kinabukasan ay maaga syang bumyahe pabalik sa Manila at kahit wala pang tulog ay dumiretso na sya sa Ospital. Bumungad sa kanya si Ashana na maraming dala. Pasigaw pa itong nagsabi na kailangan nitong pumunta sa ER kaya saka na sya nito iwe-welcome.

  Nang makapagbihis ng uniform ay dumiretso sya sa counter. Binati nya ang mga nakakasalubong nya't ginawa ang dapat nyang gawin, napakarami ngang pasyente at napaka abala ng lahat.

Hindi na alam ni Aenah kung ilang oras syang nagpalakad-lakad para sundin ang utos ng mga doctor sa kanya. Marami ring pasyente ang inasikaso nya kaya pabagsak syang napaupo sa sofa sa staff room.

   "Ano kapagod?" Tanong ni Ashana na pagod nyang tinanguan. Tumawa ito at naupo sa harap nya.

   "Inom ka munang kape" alok nitong hindi nya tinaggihan.

   "Marami pa tayong pasyente, mga 15 minutes pahinga ka muna tapos check mo na yung pasyente sa room 5" sabi nitong tinanguan nya. 1 hour nalang matatapos na ang trabaho nya, konting tiis nalang.

  "Aenah, asikasuhin mo na yung pasyente sa room 5" ayaw man ay wala syang nagawa kundi ang sumunod.

  Mabibigat ang hakbang na ginawa nyang nakatingin sa baba. Wala syang pakialam kung may mabunggo man sya basta pati ang pag-angat ng tingin ay kinapapaguran nya. Bumuga muna sya ng hangin at pagpasok nya sa pinto ay hindi nya inaasahan ang madadatnan nya.

Ang kaninang pagod na nararamdaman ay napalitan ng sakit, humigpit ang hawak nya sa tray na may lamang gamot at notepad. Pinilit nyang wag maiyak pero hindi nya nagawa habang nakatingin kay Yexel na may kahalikang iba.

  Gusto nyang tumakbo palayo pagkatapos ay magwala pero hindi nya iyun maaaring gawin. Tinuyo nya ang luhang kumawala sa mga mata nya't pinilit ayusin ang sarili. Tumikhim sya para agawin ang atensyon ng dalawa na nagtagumpay naman. Nang magtama ang mga mata nila ni Yexel ay agad syang nag-iwas, ayaw nyang makita nitong nasasaktan sya. Pilit syang ngumiti bago nagsalita.

   "I'm sorry po sa estorbo pero kailangan na pong uminom ng pasyente ng gamot" muli syang lumunok nang muntikan syang mautal. Ngumiti sa kanya ang magandang babae na kung hindi sya nagkakamali ay may lahing Russian.

  "Oh, thank you miss" malambing ang tono nito na peke syang ngumiti. Wala itong ginawang masama sa kanya kaya bakit parang galit sya rito.

  "Baby, you have to take your medicine" malambing ang tonong sabi nito kay Yexel dahilan para muling kumirot ang puso nya. Nanunubig nanaman ang mga mata nya kaya itinuon nya ang pansin sa volume ng dextrose na nakalagay rito.

  "Kapag naubos na ito pwede na ho kayong makalabas ng ospital" aniyang pilit pinapakalma ang parang napupunit nyang puso. Napakasakit at habang nakikita nya ang dalawa na napakalapit sa isa't - isa ay lalo syang nasasaktan.

  "Thanks, Baby" sagot ni Yexel rito na hindi na nya kinaya. Mabilis syang nagligpit ng mga dapat ayusin.

   "Aalis na ho ako, pasensya na ulit" hindi na nya hinintay pang makasagot ang dalawa, agad nyang tinahak ang daan palabas at patakbong lumayo sa silid na iyun.

Hindi na nya pinansin ang mga taong makakakita sa kanya, napaupo sya't sapo - sapo ang bibig na ibinuhos lahat ng sakit. Pigil nya ang mapahagulgol ng iyak habang panay ang pag-agos ng luha nya. Napakasakit sa dibdib, pakiramdam nya nauubos ang lakas nya habang umiiyak.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now