B'sHeart#03 [UNEDITED]

9.4K 246 6
                                    

" Aenha, san ka pupunta? Di ba manunood tayong sine?" Nakasimangot na tanong sa kanya ni Ashana. Umiling sya't tinignan ang oras sa wristwatch nya, malapit nang  mag-alas 3 ng hapon baka wala syang abutan.

" Bukas nalang tayo manood may kailangan akong puntahan" hindi na nya ito hinintay na makasagot at iniwan na itong hindi maipinta ang mukha.

Napanguso si Aenha nang dalhin sya ng taxi sa napakataas na gusali. Sa taas ng gusali ay mababasa ang XelTech Corporation. Napakalaki pala ng kumpanyang pag-aari ng lalaking yun, bakit kaya ayaw na nitong mabuhay kung ganito kalaki ang maiiwan nito?. Napailing nalang sya't dumiretso na sa paglalakad.

" Sorry miss, pero kailangan nyo pong mag register rito" sabi sa kanya ng isang guard na humarang sa kanya. Kumunot ang noo nya sa uri ng security na meron sa bungad ng entrans.

" Pangalan nyo ho ma'am?" Tanong pa ng isa kaya napabuntong hininga sya.

" Kailangan pa ba talaga yan?" Naiiritang tanong nya dahil baka hindi sya papasukin sa loob.

" Mga employee lang po kasi allowed sa loob, at wala kang employee ID kaya mahihirapan ka. Dipende nalang kung kakilala ka ni Sir Muller at ini-expect nya ang pagdating nyo" duon nya nakagat ang ibabang labi, hindi alam ni Yexel na papunta sya dahil kung alam nito tyak na malayo pa sya sa entrans ay pinakaladkad na sya palayo ng lalaking yun.

" Sige, I'm nures Aenha Rivera" pagpapakilala nya. Tumaas ang kilay nya nang magkatinginan ang tatlong guard.

" Nurse ho kamo?" Ulit ng isang guard na tinanguan nya. Muling nagtinginan ang tatlo at laking gulat nya nang bigyan sya ng mga ito ng daan para makapasok.

" Tuloy na ho kayo ma'am " pagpapatuloy sa kanya ng guard na dahilan para makahinga sya ng maluwag.

Wala na sana syang problema nang matagpuan ang sariling naliligaw at hindi malaman kung saan pupunta. Napakalawak pala ng loob ng gusali at nalulula na sya, hindi rin nya alam kung saan yung opisina nung lalaking hinahanap nya. Pinagsisisihan na nyang pumunta sya sa lugar na ito ng walang dalang mapa.

" Dalhin mo yan kay Sir Yexel, bilisan mo!" Parang isang kampanang pinukpok ang tenga nyang narinig ang sinabi ng babaeng empleyado. Papunta ito sa opisina ng lalaking hinahanap nya kaya makakarating sya sa opisina nito.

Mabilis syang nagtago sa poste nang may babaeng sumalubong sa empleyadong sinusundan nya. Kung hindi sya nagkakamali ay ito ang babaeng ginagamot at kasama nung lalaking hinahanap nya. Ano ba ito nung lalaki?. Magaling na ang mga sugat nito kahit magdadalawang lingo pa lang ang nakararaan simula nung maaksidente ito at isinugod sa ospital.

" Ihatid mo nalang kay sir sa loob, may pinagagawa pa sa akin si Sir eh" sabi ng babae sa empleyadong sinusundan nya. Sir? Ibig sabihin ay tauhan ito ni Yexel, mabuti naman.

Nang makaalis ang babae ay sinundan nya ng tingin ang sinusundang empleyado at nang makitang lumabas na ito ng opisinang pinasok nito ay napangiti sya't walang pagdadalawang isip na pumasok sa loob ng opisina.

Napanganga pa sya nang bumungad sa kanya ang malaking office, black and white ang kulay, malinis at organize ang mga gamit pang mayaman talaga ang dating. Napaka manly rin tignan. Hindi nya nabilang kung ilang ulit syang napaikot habang nakanganga bago marinig ang boses ng lalaking matagal din nyang hindi narinig.

" Why did you came back? Did you forget something?" Parang bumagal ang pag-ikot ng mundo ni Aenha habang nakatingin sa gwapong lalaking nakasalamin at abala sa pagbabasa ng tambak na file sa mesa nito.

Inayos nito ang suot na salamin bago nag-angat ng tingin sa kanya. " Why aren't you— You!?" Gulat na naputol ang sasabihin nito nang makilala sya.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now