B'sHeart#26 [UNEDITED]

7.2K 202 1
                                    

Nakatitig lang si Yexel sa patuloy na pagbaba ng kita ng Muller's Hospitals. Mula sa rank one ng pinakamalaking hospital sa Yuropa ay bumaba ito sa rank 6, limang taon lang ang kinailangan nya para magawa yun. On the other hand, Schmidt Care Hospital is on top. Nakaahon ito mula sa pagkakalubog at nagawa nitong pababain ang negosyo ng ama nya.

  "I told you, we can do it" tumaas ang tingin nya kay Kaiser na kakapasok lang sa opisina nya. Kahit na ito ang nagpapatakbo ng negosyo ng ama nito ay hindi pa rin ito humihinto sa panggagamot.

  Bumuntong hininga sya't isinara ang laptop. " Why am I like this?" bigla nalang nyang naitanong.

   "What do you mean?" Inikot nya paharap sa malaking glass window ang swivel chair nya bago ito sagutin.

  "Nagawa kong gumanti, nagawa kong mapalawak ang negosyo ko sa Europe and my father also noticed me but..." huminto sya't mahinang natawa sa sarili. "Why I can't feel happy? Why I'm still not satisfied?" Tanong nya rito bago ito muling harapin..

  May nakita syang parehong emosyon ng nararamdaman nya sa mga mata nito na mabilis ring nawala. Namulsa ito at inilibot ang tingin.

  "I don't know. That's the same question I can't answer to myself, Muller. Why?" Tama sya, pareho sila ng pinagdadaanan pero gaya nya ay pareho silang walang sagot.

  "My Dad, emailed me for the 80th times. What I will going to do?" Tanong nya ritong sinagot nito ng pagkibit balikit.

  "Donno, or you should meet him?" Patanong na sagot nitong pinag-isipan nya. Tamang panahon na ba? Pero kung hindi, kailan ang tamang panahon?.
.
.
.
  "Welcome Young Master " bati sa kanya ng mga tauhan sa mansion ng pamilya Muller.

  Hindi nya binabati pabalik ang mga taong bumabati sa kanya, pakiramdam nya nakakulong ulit sya. Ang mga naramdaman nya noon nung itinatago sya ng ama nya ay muling nagbalik sa kanya lahat-lahat. Napahawak sya sa dibdib at natigil sa paglakad.

  "Arew" kung hindi pa dumating ang sino mang tumawag sa kanya ay hindi aayos ang paghinga nya. Nakangiting lumapit sa kanya ang kuya Remus nya.

  "Finally you came" nakangiting sinabi nito. Hindi ito ang inaasahan nya, ang alam nya ay magagalit ito at susumbatan sya pero walang nangyaring ganun kahit ni isa.

   "Andrew!" Tawag sa kanya ng nag-iisang babaeng tumatawag sa second name nya. Ang asawa ng ama nya, lumuluha itong lumapit at yumakap sa kanya. "I thought you won't come back again, I'm sorry son. I'm sorry for everything. Nagkulang ako sa pagiging isang ina, I'm sorry Andrew" napaatras sya sa mga kabaliktaran ng inasal ng mga ito sa mga inaasahan nya. Bakit sila ganito?

  Hindi makapaniwalang natawa sya habang tinitignan ang mga nangungulilang ekspresyon ng mga ito, hindi, dapat galit ang mga ito sa kanya. Hindi rin nya makumbinsi ang sariling nagpapanggap lang ang mga ito dahil walang pagbibiro at totoo ang mga ipinapakita ng mga ito. Ang mga mata ng kuya nyang may lungkot at sayang makikita, ang lumuluhang tumayong ina nya.

  "Don't do this, will you?. Please hate me, push me away!. Because of me your business is failing then why are you acting like this!?" Hindi na nya napigiling maiyak, gulong - gulo na sya, nagagalit sya sa hindi nya malaman kung saan at kanino.

   "Putangina, wag nyong gawin sakin to!" Sigaw nya sa sobrang inis.

   "Arew" ang nanghihinang boses ng lalaking naka-wheelchair ang pinanggalingan ng boses. Ilang taon lang syang nawala pero sobra ang itinanda ng ama nya. Ang ama nyang pinagmulan ng lahat.

  "Don't tell me, you longed for me too?. What are you going to say huh?" Inunahan na nya ito sa mga sasabihin nito dahil ayaw nyang marinig rito ang mga salitang yun. Ayaw na nyang maguilty sa mga ginawa nya, ayaw nyang sisihin ang sarili nya. Gusto lang naman nyang mapansin sya ng mga ito, gusto nyang pagsisihan ng ama nya ang ginawa nito sa kanya kaya paanong nagiging ganito kasakit ang lahat?.

  "I'm sorry son, please forgive me. Sorry for hidding you, I'm so sorry for making you feel not belong to us, and forgive me for setting you aside. Arew, Dad is feeling sorry to you, even if you can't forgive me, please give me a second chance to be your father even its too late. I'm really sorry" umiiyak sa paghingi nito ng tawad. Nahihirapan na itong magsalita ng sobra dahil sa katandaan nito.

  "Are you saying that what I did was wrong? Sinasabi nyo ba na imbis na gumanti ako sa inyo ay dapat na kinausap ko nalang kayo? Ganun ba? Ganun ba?" Umiiyak na sabi nya. Pakiramdam nya nababaliw na sya, kasalanan nya ba? Dapat ba syang sisihin?.

  "No son, It was me. It was my fault, Arew. You're not because it's me!. I am the reason of everything, Arew. Wag mong sisihin ang sarili mo" tuluyan syang bumigay sa sinabi nito. Ang tumayong ina nya ay muling yumakap sa kanya.

  He waited for this to happen for 11 years. Akala nya ay sa panaginip lang nya ito mangyayari. Tuluyan syang bumibigay at gumanti ng yakap sa babaeng itinuturing nyang ina. "Mom... " umiiyak na tawag nya sa ina. Sa loob ng 11 years na umalis sya sa mansiong ito ay ngayon lang muli nya ito natawag ng ganuon.

  "I miss you, Andrew. And forgive me, I love you son" isinubsob nya ang mukha sa leeg ng ina na parang isang batang matagal na nahiwalay sa kanyang ina.

  "Come back to us, Arew" bumitaw sya sa pagkakayakap sa ina nang tapikin sya sa balikat ng kuya Remus nya. Ngumiti ito sa kanya pagkatapos ay ito ang yumakap sa kanya.

   "I will find you a new heart brother" bulong nito sa kanya na sinadyang hindi iparinig sa mga magulang nila.

 

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon