B'sHeart#15 [UNEDITED]

7.3K 194 17
                                    

One more week had pass, at araw na para sa paglabas ni Yexel sa ospital. Ang malapad na ngiti ni Aenah ang bumungad sa kanya nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalaga. Masaya itong lumapit sa kanya at niyakap sya, masaya sya pero kapag ganito ito kalambing sa kanya ay nasasaktan sya.

"Aenah" tawag nya rito habang yakap-yakap sya nito.

"Mmn?" Tanong nitong hindi sya binabalingan ng tingin.

"Pwede bang lumabas tayo mamaya? Susunduin nalang kita" sabi nyang tinanguan nito. Ngumiti ito at tumingkayad para bigyan sya ng halik sa labi.

"Pwedeng - pwede" nakangiting sabi nito saka sya hinila sa kamay palabas ng silid. Pinagtitinginan sila ng maga tao ruon pero wala silang pakialam.

"Pwede ring ngayon na tayo lumabas" suhestyon nitong nginitian nya. Mas mabuti iyun para kahit papaano ay mas matagal nya itong makakasama.

Dapat ay sa condo nya ito dadalhin kaya lang nang maalalang naruon ang sakit sa ulo nyang kaibigan na si Revance ay ipinasyal nya nalang ito. Sa mall, nanood sila ng sine, namasyal sa park at naglaro sa may water fountain. Gusto nyang sulitin ang araw na iyun kaya hindi nya namalayan ang oras.

Nakaupo sila sa mga damo habang nakatingala sa kalangitan at nagbibilang ng bituwin. Muli nyang naramdaman ang pagkirot ng puso nya habang nakatitig sa babaeng naging dahilan kung bakit gusto na nyang mabuhay ng mas matagal pa. Nakangiti ito habang nakatingin sa kalangitan, hindi nya inalis ang tingin rito at kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha nito. Gusto nyang sa huling hininga nya ang mukha nito ang huling maaalala nya.

"Bakit?" Tanong nito sa kanya nang tumingin ito sa kanya. Pilit syang ngumiti at tinuyo ang luhang nagsisimula nang kumawala sa mga mata nya.

"Aenah, I have to say goodbye " sinisimulan na nyang magpaalam, alam nyang masakit pero kailangan nyang kayanin. Hindi ito nakapagsalita at nanatili lang nakatingin sa kanya.

"Kapag kasama kita mas nagiging magulo ang pagtibok ng puso ko, hindi ko na mabasa kung kailan ko kailangang iayos ang sarili ko. Dati kabisado ko ang sarili ko, dati alam ko ang limitasyon ko pero nung nakasama na kita, wala na lahat. Masyado nang nagiging kumplikado at kapag kasama kita mas sumasakit ang nararamdaman ko" paliwanag nyang gusto nyang bawiin nang magsimulang maglandas ang luha sa magandang pisngi ni Aenah.

Gusto nya itong yakapin pero kailangan nyang pigilin ang sarili, ayaw na nya itong masaktan pa ng dahil sa kanya. Ayaw nya itong madamay sa sakit na dinaramdam nya, paano kung dumating ang araw na bigla nalang syang mawala? Paano na ito? Kung nung unang beses palang sya nitong nakita sa ganuong kalagayan ay sobra-sobra na ang hirap napinagdaanan nito ay pano pa kaya kung higit pa?.

Ayaw nya itong maiwan ng nasasaktan, mas gusto nyang sya nalang, sya nalang mag-isa ang maghirap basta wag lang ito. Sapat na ang maikling panahon na naging masaya sya kasama ito, sapat na yun para sa kanya. Huminga sya ng malalim para pigilin ang mautal, kailangan nya itong gawin.

"Kailangan ko nang lumayo sayo, please lumayo ka na rin sakin. Wag mo na akong hahanapin, wag mo na akong iisipin. Itigil na natin ang lahat hangga't maaga pa, Aenah. " huling sinabi nya tumayo para tuluyan itong iwan.

Naikuyom nya ang kamao nang mas lumakas ang pag-iyak nito. Masyado iyung masakit, gustong-gusto nya itong yakapin, gusto nyang bawiin ang lahat ng sinabi nya pero hindi maaari.

"Yexel..." umiiyak na tawag nito sa kanya na hindi nya pinakinggan. Nagpatuloy sya sa paghakbang palayo.

"Yexel, mahal kita" napahinto sya sa paghakbang. Totoo bang mahal rin sya nito?. Pumikit sya nang mariin para pigilin ang sariling harapin ito na ang huli ay nabigo sya. Nagkusa ang katawan nyang pumihit paharap sa dalaga.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now