B'sHeart#14 [UNEDITED]

6.8K 195 9
                                    

"What?" Malakas na natawa si Yexel nang marinig ang tinuran ng kapatid.

"You want me to be your machines supplier?" Tanong ulit nya. Makapal ang mukhang tumango ang kuya nya kaya lalo syang nakaramdam ng galit rito. Pagkatapos sya nitong ituring na dumi ng pamilya nila ay gusto pa sya nitong pakinabangan?.

Gusto nitong gamitin ang pangalan ng kumpanya nya para mas makakuha sila ng mas maraming investor, sa kanya kukuha ng mga machines na gagamitin nito sa negosyo nito dahil kilala ang kumpanya nya bilang producer ng may pinaka matitibay at high quality na prudukto. Gusto nyang mapasok ang Europe pero hindi bilang tauhan ng kuya at ama nya kundi bilang mas nakaaangat sa mga ito. How dare them to use him for their own fuckin benefits!?

"No! Now leave!" Sigaw nya rito at itinuro ang pinto pero matigas ito. Inilapag nito sa mesa nya ang proposal na nais nitong sabihin sa kanya na lalo nyang ikinainis. Nagpipintig sa sakit ang ulo nya sa sobrang galit. Hindi lang sya ng mga ito ginagamit kundi iniinsulto rin.

"Sinabi kong hindi ako papayag!" Sigaw nya kasabay ng paninikip ng dibdib nya.

"Sir!" Nang akmang lalapit si Hailey ay pinigilan nya ito.

Napahawak sya sa dibdib ng mas sumakit iyun. Habol nya ang hiningang binalingan ng tingin ang kapatid nyang walang masabing nakatayo lang.

"Hindi ako..." napangiwi sya sa sakit. " Hindi ako pumapayag" sagot nya't napadaing sa sakit. Nahihilo na rin sya at para masuportahan ang pagtayo nya ay napakapit sya sa mesa.

"Sir.." nag-aalalang tawag sa kanya ni Hailey. Gusto nya itong pakalmahin pero napasigaw sya sa sakit. Ramdam nya ang sobra-sobrang pagbilis ng tibok ng puso nyang lalong nadadagdagan kapag naaalala nya ang kuya nya.

"Sir, ang puso mo po ba?" Kabadong tanong ni Hailey.

"Sir, Relax lang" pagpapakalma sa kanya ni Hailey na hindi makatulong dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya.

"Arew, what's happening?" Rinig nyang sabi ni Remus, nawala ang lahat ng iniisip nya nang makita ang babaeng iniiwasan nyang makakita sa ganitong sitwasyon nya. Gusto nya itong paalisin pero masyado na syang nanghihina.

"Aenah..." pinilit nyang magsalita pero pangalan lang nito ang nabigkas nya pagkatapos ay mas lalong humihirap ang paghinga nya.

"Sshhh, wag ka na munang magsalita okay" gusto nyang ipakitang hindi sya nasasaktan lalo pa't nagsimula na itong umiyak pero hindi nya magawa dahil sa putanginang pusong meron sya.

"Huminga ka ng malalim, kalma ka lang. Nandito na ako okay? Ako nang bahala sa l-lahat" hindi nakawala sa pandinig nya ang pagpiyok nito na alam nyang dahil sa kanya. Gusto nya itong yakapin, gusto nya itong patahanin habang nasa dibdib nya ang kamay nito pero hindi nya hawak ang sitwasyon. Ayaw nya pang mamatay, ayaw na nyang mawala ng maaga, ayaw nyang nakikita itong nasasaktan, if only he can, he will fix his heart as soon as possible.

He heard her shout but he can't understand. Wala na syang maintindihan basta ang alam nya nalang ay nanghihina na ang buong katawan nya't halos hindi na sya makahinga, nanlalabo na rin ang mga mata nya. Pinilit nyang abutin ang pisngi nito para pigilin ang pag-iyak nito at ngumiti na nauwi sa pagngiwi dahil sa sobrang sakit na tuluyang umuubos ng lakas nya.

Sinubukan nyang magsalita pero walang lumalabas sa bibig nya. Mas lalong umiyak ang dalaga na lalong ikinasasakit ng puso nya, ayaw nya itong nakikitang umiiyak pero heto sya't sya pa ang dahilan ng pag-iyak nito ng sobra-sobra. Gusto nya pang kumapit rito ng mas mahigpit pa, gusto nya itong yakapin, halikan at makasama pero unti-unti nang nawawala ang lakas nya hanggang sa tuluyang magadilim ang paningin nya.

I LOVE YOU, he wanted to say those words for the first and last time but he can't manage to say those because darknes swallowed all of his senses.

Sa gitna ng kadiliman ay pinilit nyang makaaninag ng liwanag, pinilit nyang igalaw ang katawang wala na ang kontrol sa isip nya. Pilit nya iyung ginagalaw hanggang sa magawa nya, unang galaw pagkatapos ay muli nyang sinubukan hanggang sa muli nyang magawa. Unti-unti nyang nararamdaman ang pagkabuhay ng mga senses nya't pilit iminulat ang mga mata. When he finally open his eyes, the beautiful blurry face of his Pill welcomed him.

"Yexel, mabuti naman..." nahinto ito sa pagsasalita. "Mabuti nagising ka na" muling pumatak ang luha nito dahilan para makaramdam sya ng sakit, ayaw nyang nakikita itong umiiyak dahil sa kanya. Bakas rin ang pagod sa mugto nitong mga mata, gaano kaya sya katagal nakatulog at gaano ito katagal umiyak?.

Buo na ang desisyon nya na dapat nyang gawin at ang makita itong bumungad sa ay ang nagparamdam sa kanya ng magkakaibang emosyon ng sabay-sabay. Sakit para sa pagluha nito, saya dahil nanatili ito sa tabi nya at lungkot sa bagay na kailangan nyang gawin.

"You're here" tanging nasabi nya. Mukhang mahihirapan sya pero para sa kanilang dalawa, para sa ikabubuti nila, kailangan nyang gawin yun. Talaga yatang wala na syang pagkakataon sabihin ang salitang Mahal kita rito.

Mapait syang ngumiti at ginantihan ito ng yakap nang yakapin sya ito. Susulitin na nya para sa mga nalalabi nya pang pagkakataon.

I'm sorry and I love you, sabi nya sa isip habang yakap ito

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartWhere stories live. Discover now