B'sHeart#24 [UNEDITED]

7.5K 196 4
                                    

"I love you, my Pill"

Pagmulat ni Aenah ng kanyang mga mata ay agad nyang hinanap si Yexel nang marinig ang mga salitang iyun na boses ni Yexel pero hindi nya ito nakita. Binalikan nya sa isip ang mga nangyari kaya nagtataka syang hinawakan ang damit na suot - suot. Hindi ito ang damit nya nung gabi pero maayos ang pagkakasuot sa kanya. Nag-aalangan na syang paniwalaan ang mga nangyari sa isip nya at kung hindi pa manakit ang pagkababae nya ay isiipin nya talagang panaginip lang yun lahat.

  Napangiwi sya nang subukang tumayo, parang binibiyak sya sa gitna ng katawan nya sa bawat hakbang nya. Naluluha sya sa sakit pero kailangan nyang magtiis.

Tinignan nya ang sarili sa salamin at dumiretso sa banyo na malapit lang sa kwarto nya. Pagkatapos maligo ay bumalik sya sa kwarto para magsuklay at mag-ayos ng sarili. Masakit pa rin ang gitna nya kahit na medyo nabawasan iyun nang magbabad sya sa tubig.

  Siguro ay binihisan sya ni Yexel nang umalis ito sa kwarto nya.  Umiling sya't bumuga ng hangin bago pinilit ayusin ang paglalakad, kahit masakit ay kailangan nyang kumilos ng normal.

   "Oh, Aenah. Bakit ka umiiyak?" Nanlaki ang mga mata nya sa tanong ng ate Amy nyang kumakain katabi ang asawa nitong si Weyn.

   "H-huh?" Utal na tanong nya at nang hawakan ang baba ng mata ay may luha nga.

  "Ah hindi ate, nalagyan lang ng sabon yung mata ko kaya ako naluluha." Pagdadahilan nyang tinanguan nito.

  Pagkaupo nya sa hapag ay agad nyang hinanap ng tingin si Yexel pero wala ito sa mesa. Napanguso sya sa isiping gaya ng inaasahan nya ay lalayo nanaman ito sa kanya. Humahapdi nanaman ang mata nya kaya sinikap nyang wag maiyak.

  "Sinong hinahanap mo?" Nabaling ang tingin nya kay Thaddeus na kunot ang noong kumakain. Dito na siguro ito pinatulog ng mga magulang nya.

   "Ah, sila mama. Wala ba sila?" Pagsisinungaling nya ulit.

   "Kumain na sila kanina pa at nandun sila kila lola, dun daw muna sila kase masikip na raw dito" tumango-tango nalang sya dahil hindi naman sya dun interesado.

   "Arew, dito ka na sa tabi ko!" Nakangiting aya ni Thaddeus sa lalaking lumabas galing kusina.

Dumaan muna sa kanya ang tingin nito bago bumaling kay Thaddeus at naupo sa tabi nito. Katabi nya si Thaddeus at sa kabilang side ni Thaddeus ito naupo. Nakagat nya ang ibabang labi at tumayo para abutin ang kanin na ikinangiwi nya sa sakit na naramdaman nya sa pagkababae nya.

  "Aenah, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ng ate Amy nya.

   "Bakit, anong nangyari kay Aenah?" Bigla nalang lumabas mula sa kung saan ang ate Aerha nya. Halos kumawala ang puso nya sa kaba, mapapansin kaya ng mga ito? Sana hindi.

   "Ah wala" peke syang tumawa na bahagya nyang ikinangiwi, grabe ang sakit talaga. "N-na untog lang ako sa mesa" pagsisinungaling ulit nya. Sorry God pero kailangan ko talagang magsinungaling. Sabi nya sa isip, hindi naman sya nagsisinungaling eh, ngayon lang.

   "Sigurado ka?" Paniniguro pa ni Ate Aerha nya na tinanguan nya. "Umayos ka bunso ah, ayusin mo sarili mo" paalala pa nitong tinanguan nya.

   "Amy, total nasa Manila ka lang naman, bantayan mo yang si bunso" baling naman nito sa isa nya pang ate na tinanguan nito. Nang matanggap ang sagot ng ate Amy nya ay umalis na rin ito, nakila lola nya siguro ito tumutuloy.

   "Here" inabot sa kanya ni Kuya Weyn ang kanin na kinukuha nya. Ngumiti sya rito na tinugon nito ng ngiti. Napalunok sya nang mapanuri syang tignan ng ate Amy nya pagkatapos ay tumingin sa dalawang lalaki na kumakain, una kay Thaddeus na ngumiti pa sa ate nya at sunod kay Yexel na umiinom ng tubig.
 
    "Hoy Aenah, maglagay ka na sa plato mo kung kakain ka" madiin ang pagkakasabi ng ate Amy nya kaya natataranta syang naupo at nagsalin ng kanin. Natatakot na syang tumayo dahil baka sumakit nanaman ang gitna nya mabuti nalang at ang nakangiting asawa ni Ate Amy nya ang kumuha mula sa kanya ng kanin at ito ang nagbalik sa lagayan.

Billionaire Series#02: Billionaire's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon