CHAPTER 24

19.4K 683 26
                                    

"Thank you," Jairon spoke as he sat on my side.

Nandito kami ngayon sa garden ng bahay nila. Nakaupo habang tinatanaw ang mga bituin at nagliliwanag na buwan.

"Para sa'n?" Tiningnan ko s'ya habang nakaangat ang isang kilay ko.

He didn't look at me, instead he just stared at the night sky as his lips formed a little smile. "Kung hindi dahil sa ginawa mo ay baka hindi ko na kasama ang kapatid ko ngayon," aniya.

Napahinga ako nang malalim at tumingin din sa kalangitan. "Kahit sino gagawain ang ginawa ko sakaling sila ang naroon sa aking posisyon," mahinang wika ko.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. Ang mga huni ng kuliglig ay malinaw kong naririnig sa paligid.

"Doon ko lang lubos na naintindihan ang nararamdaman mo..." Muling pag-imik niya.

Mabagal ko s'yang nilingon. He forced a smile then glanced at me.

"Your pain, your hatred, your regrets."

Saglit akong natigilan at umiwas ng tingin. Hindi ako nakaimik sapagkat hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong sabihin sa oras na 'to.

"I really understand now... the fear of losing anyone."

Mapait akong ngumiti at tumitig sa buwan. "Masakit mawalan ng mahal sa buhay..." Pabulong na wika ko. "Ngunit mas masakit 'yong nawala sila na wala kang nagawa para sa kanila."

I moved my hand upward and acted like I was touching the sky.

Mabagal na tinunton ng aking hintuturo ang bilog na buwan. "Hindi ako malakas na tao, maaaring may alam ako sa pakikipaglaban ngunit hindi pa rin 'yon sapat para maprotektahan ko ang lahat ng nakapaligid sa 'kin," ani ko at lumingon sa kanya.

He looked at me softly as if he really understand my point. "Pananatilihin kong ligtas ang sarili ko sa abot ng aking makakaya." Pagpapalubag-loob n'ya sa 'kin.

Tipid akong ngumiti at marahan na sumandal sa kanya. I watched the stars shining in the middle of the dark.

"I am scared..." Pag-amin ko sa totoo kong nararamdaman. "I am scared of losing you," paos na patuloy ko.

He slowly snaked his arms around my waist then kissed the top of my head. "You will never lose me, bae," he whispered.

Hilaw akong ngumiti at dinama ang mainit niyang yakap sa gitna ng malamig na gabi. "Promise me, you will never die, Jairon," anas ko pagkalipas ng ilang sandali.

He broke his hug then looked at me. Malamlam niya akong tiningnan habang hinahaplos ang mukha ko. "I promise," he said before crashing his lips into mine.

I automatically encircled my arms around his neck and responded to his kisses. Natigil lamang kami nang nagsimulang umingay ang telepono ko.

I took it off from my pocket and saw Dad's name on the screen. Tumingin muna ako kay Jairon bago sinagot ang tawag.

"Yes, dad?"

"Come to the office tomorrow, we need to talk," seryosong sabi niya.

Napabuntonghininga ako nang napagtantong alam na n'ya ang pakikipagpalit ko kay Gerald.

"Okay."

"I am disappointed, Quennie." Then the line ended.

Natigilan ako at marahan na ibinaba ang telepono.

"Is everything alright?" nag-aalalang tanong ni Jairon sa tabi ko.

I just forced a smile and leaned myself back to
him. "I wonder... was Dad also disappointed at me when I lost my sister?"



ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now