CHAPTER 31

18.5K 649 35
                                    

Ngayon ko lubos na naiintindihan ang padalos-dalos na kilos ni Sophia noon. Sino'ng hindi agad susugod kung mahal mo sa buhay ang nakataya?

Pilit kong ikinalma ang sarili ko habang inihahanda ang mga kagamitan ko. Natawagan ko na rin ang mga kasamahan ko para maging maayos ang pagbuo namin ng plano.

Traydor ang kalaban ko, magdala man ako o hindi ng kasama ay alam kong pahihirapan pa rin nila ako. Kinakain man ng kaba at takot ang sistema ko ay pilit kong iwinaksi 'yon. Alam kong hindi agad nila gagalawin si Jairon dahil s'ya ang gagamitin nilang pain sa 'kin. Gano'n sila maghiganti, gano'n sila kumilos, ipinapadama ang kabrutalan nila.

Naagaw nang pagtunog ng door bell ang atensyon ko. Sinuri ko muna ang aking tablet na nagkokonekta sa camera para masigurado na mga kasama ko 'yon at hindi kalaban. Agad naman akong lumabas nang nakita ang mga imahe nila sa screen.

Seryosong paninitig ang sinalubong namin sa isa't isa sandaling pumasok sila sa bahay ko. Hindi na ako nagtataka na kasama ni Sophia ang kanyang kabiyak. Umupo sila sa couch at hinintay ang anumang sasabihin ko.

"Like what I've said, I need your help."

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Aycxe saka tumingin kay Noella. "Paano nakalusot ito? Pang-ilang beses na tayong nalulusutan, Noella," malamig na sambit niya.

Napayuko naman si Noella at saka nanghihingi ng dispensang tumingin sa amin. "Sorry. Masyado akong natutok sa pamilya ninyo at hindi napagtuunan ang iba pang malalapit sa inyo," pabulong na saad niya.

Aycxe sighed then looked at me. "Ano'ng gusto nila?"

"They want me to go alone," I answered.

Ang seryoso nilang itsura ay lalo pang sumeryoso. Maski ang kanilang mga mata ay tumalim sa mga oras na ito.

"You're not going alone." Naroon ang pagbabanta sa boses ni Aycxe habang nakatitig sa 'kin.

"To hell with that," Sophia murmured.

I breathe soundly. "Hindi ako pupunta sa kuta nila nang mag-isa. Pero kailangan kong mauna kaysa sa inyo para hindi nila galawin si Jairon," pagdedetalye ko.

Hindi naman sila umimik. Alam ko na naiintindihan nila ang ipinupunto ko. Maaaring kumilos ang kalaban sakaling matunugan nila ang mga kasamahan ko, magkakagulo at maaaring ikapahamak ng lalaking mahal ko.

"Time is running. Let's settle the plan." Tumayo si Aycxe at naglatag ng isang blue print sa lamesa.

Gusto kong humanga sapagkat sa mabilis na panahon ay nakuha na niya ang ito. Gumawa kami ng plano, hindi lang isa kun'di tatlo sakaling ma-aprunanada ang mga naunang mga plano. Inihanda na rin Matthew ang kanyang mafia bilang back-up sa mga underlings namin.

"In ten minutes we'll enter the place. Be sure that you are already with Jairon at that moment," ani Aycxe habang nililikom ang mga kagamitan.

Tanging tango lang ang isinagot ko at pinagmasdan sila isa-isa. "Salamat at naging parte kayo ng buhay ko," tipid ngiting usal ko.

"Stop talking like that. Daig mo pa ang namamaalam," Shiela stated.

Natawa nalang ako at napailing saka sila seryosong tiningnan. "If something happened to me... please make sure that he and my family are safe."

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now