CHAPTER 10

21.5K 795 189
                                    

Nagising ako sa pakiramdam na may mabigat na nakadagan sa 'king tiyan. Marahan kong inimulat ang mga mata ko at natagpuan ang sarili ko na yakap ni Jairon.

Magkahalong gulat at pagkamangha ang naramdaman ko sapagkat ito ang unang pagkakataon na may yumakap sa akin na lalaki bukod sa mga kapatid ko.

Tinitigan ko ang kanyang mukha. Unang beses palang na nasilayan ko ang itsura niya ay talaga namang nakuha niya ang atensyon ko. Ang makapal niyang kilay, perpektong panga, matangos na ilong at hindi kalakihang labi.

Natigilan ako nang umungot siya at lalo akong kinabig palapit sa kanyang katawan. Ibinaon niya ang kanyang ulo sa aking leeg at bigla nalang 'tong sinisipsip.

"Jai..." Pikit-matang daing ko habang mariin na nakahawak sa kanyang braso.

"Goodmorning," he greeted with his bedroom voice.

Napalunok ako at pilit ikinalma ang aking sarili. "Morning," bati ko pabalik.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya at inilayo ng bahagya ang kanyang mukha sa 'kin para tingnan ako.

Tumikhim ako bilang pagtatago sa umuusbong na kabang kumakain sa sistema ko 'tsaka nag-iwas ng tingin.

Bakit ang gwapo n'ya kahit bagong gising?

"Okay naman, medyo kumikirot lang minsan ang paa ko," tugon ko habang nakatingin sa kisame.

I felt him sigh and tightened his hug around my waist. My heart skipped a beat by his move. I hate to admit, it but my body starting to love his warmth.

"What do you want for breakfast?"

Ikaw.

Kinagat ko ang aking dila sa loob ng bibig ko para hindi madulas sa pagsasabi n'yon.

Mahirap na. Game na game pa naman lagi ang isang 'to.

"Kahit ano," tipid kong tugon.

"Can you give me a kiss before I get up?" he asked suddenly.

My mouth parted as I glanced at him. Ilang beses pa akong napakurap habang nakatingin sa seryoso n'yang mukha bagamat may sinusupil na ngiti ang labi n'ya.

Tinanggal ko lahat ng emosyon ko at malamig na tinitigan s'ya. "Mukhang nakakalimutan mo, Dela Merced. May babae kang balak ligawan," I mocked sarcastically.

Nag-isang linya ang labi n'ya. "Are you jealous?" he asked.

I scoffed and laughed because of that. Inilapit ko ng todo ang aking mukha sa kanya at marahang hinaplos ng daliri ko ang kanyang umiigting na panga.

"Jealous? You wouldn't want me to feel that. I do hilarious things when I get jealous, bae," saad ko at hinayaan ang aking mata na tumitig sa kanya.

We kept staring at each other for a second. Nahigit ko ang aking hininga kasabay nang panlalaki ng mata ko nang bigla niya nalang akong hapitin at siilin ng halik.

It was slow and passionate which caused me to close my eyes and let myself responded to his kisses.

Makatapos ang ilang minuto ay mabagal s'yang humiwalay sa 'kin. Marahan kong binuksan ang mga mata ko at namumungay na tumingin sa kanya.

"A kiss in the morning so you won't do hysterical moves," he stated.

I smirked and fight his gaze. "Are you saying that I am jealous?"

Dinilaan n'ya ang ibabang labi at nakakalokong ngumisi. "I am not, because in the first place I know you just want me to be yours, no attached feelings."

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon