CHAPTER 29

17.8K 650 55
                                    

(WARNING: THIS MAY TRIGGER YOUR ANXIETY/DEPRESSION)

Nagising ako sa isang puting silid. Ilang sandali ko munang prinoseso ang lahat at marahang inilibot ang paningin ko sa k'warto. I saw my friends standing on the corner, tanging si Sophia lamang ang nakaupo sa isang bakanteng upuan. Siguro ay kararating niya lang ngayong umaga rito sapagkat wala s'ya kagabi. Bagay na naiintindihan ko dahil sa sitwasyon niya. Pare-pareho silang nakatungo na tila may mga malalalim na iniisip.

Hindi rin nakaligtas sa 'kin ang nanay ko na naka-ub-ob sa gilid ng higaan ko. Nanghihina kong ipinatong ang aking kamay sa tiyan ko at mariing napapikit.

Are you still there?

"Anak," bulong na tawag ng aking ina. Marahil ay nagising siya sa ginawa kong pagkilos.

Mabagal kong ibinaling ang atensyon sa kanya, sa kanila. Lahat sila ay nakamasid sa 'kin habang bakas ang kalungkutan sa kanilang mga mata.

"L-Ligtas s'ya hindi ba?" garalgal kong usisa.

Walang sumagot sa 'king tanong, awtomatiko akong napapikit at tahimik na napaluha.

"Isa na namang nilalang ang hindi ko nagawang protektahan," nanghihina at pumipiyok kong wika.

"Quennie, don't speak like that, anak. Hindi mo naman ginusto ang nangyari," mahinahon at masuyong sabi ni Mommy habang hinahaplos ang braso ko.

I shook my head. "No. This time, it's really my fault. I-I... killed my own baby." Napahagulhol ako nang malakas habang kinakain ng pagsisisi ang buong sistema ko.

Bumalik sa 'king isip ang gabi-gabi kong paglulunod sa alak. Ang hindi ko pag-alaga sa sariling kong katawan at iba pang bagay na ginawa ko.

"AHHH! BAKIT BA HINDI NA LANG AKO ANG MAMATAY?!"

Niyakap ako ni Mommy kasabay nang paghaplos sa 'king buhok. "Sssh. Alam kong masakit ang pinagdadaanan mo,
anak, pero 'wag ka namang magsalita ng gan'yan," humihikbing sabi ng aking ina.

"I can help it, mom. Sobra-sobra na ang hirap na pinagdaraanan ko. Lahat na lang kinukuha sa 'kin. Si Quenevere, si Daddy and now... my baby," pumipiyok kong pagtatapos.

"Napakawalang kwenta ko. Wala akong silbing kapatid, anak at ina. Sana ako na lang ang namatay, sana ako na lang." Hinampas ko ang aking dibdib nang paulit-ulit habang umaagos ang luha sa 'king mga mata.

"Anak, pakiusap, huminahon ka. Makakasama sa 'yo 'yan. Hindi ka pa nakakabawi ng lakas," ani Mommy at pinigilan ang kamay ko.

Nanghihina akong nagpadala sa kanyang hawak. I kept sobbing and crying as the pain overtook my system.

"I am sorry. I am really sorry, baby..." Pabulong na wika ko sa pagitan ng aking paghikbi.

"Magiging maayos din ang lahat, anak," pagpapalubag-loob ng ina ko at hinalikan ang aking noo.

Marahan akong umiling.

Hindi na 'ata ako kailanman makakabangon pang muli.


DALAWANG araw akong nanatili sa ospital. Tulala lang ako sa mga nagdaang araw at basta nalang napapaiyak sa tuwing sasagi sa isip ko ang nawala kong anak. Alam kong gustong magtanong ni Mommy tungkol sa bata ngunit hindi niya ginagawa dahil ramdam niya ang bigat sa 'king kalooban.

Ganito pala ang pakiramdam na mamamatayan ng sariling dugo't laman. Napakasakit. Parang nawala ang kalahati ng pagkatao ko bagamat wala naman akong nabuong ala-ala sa kanya.

"Sigurado ka ba na hindi mo ipapaalam sa kanya?" seryosong usisa ni Aycxe.

Sila ang nakabantay sa 'kin ngayon. Pinauwi muna nila ang nanay ko para makapahinga.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now