CHAPTER 22

18.5K 719 21
                                    

"He's alive..." Napailing nalang ako habang nakasakay sa aking sasakyan.

It's been a month since the incident and we are all shocked to know that Matthew—Sophia's lover is alive.

Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang mga daliri ko at sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan. I was about to run it when my tab suddenly vibrated for a notification. Napasilip ako at agad ding pinatakbo ang sasakyan nang makita iyon.

He's leaving.

Nanatili pa ring nakakabit ang mga camera ko na ikinabit noon. Hindi ko na ito tinanggal bagamat hindi ko na siya binabantayan pa. Nagkataon lang na nakuha ng notipikasyon ang atensyon ko.

Hilaw akong ngumiti habang mas binilisan ang patakbo ng sasakyan. Magmula nang nakita ko ang eksena sa parking lot ay hindi na ako nakipag-usap pa kay Dela Merced. Madalas niya akong abangan sa labas ng unit ko para piliting makipag-usap sa kanya—na paulit-ulit ko namang tinatanggihan.

Para saan pa ang pag-uusapan namin?

Plano ko sanang dumiretyo pauwi ngunit napagdesisyunan ko munang magliwaliw sa mall. Pakiramdam ko ay sobrang stress ako nitong mga nakaraang araw, alam ko man ang dahilan n'yon ay pilit kong itinatangi sa loob ko.

I parked my car and walked inside the building. Doon ko lang napagtanto na mag-iisang buwan na rin pala akong hindi nagwawaldas ng pera kaya naman pumasok sa isip ko na bumili ng mga bagong koleksyon.

Una akong nagtungo sa mga Kpop Merch department. Mabilis kong kinuha ang albums ng mga paborito kong grupo at nagtungo sa counter. Bakas ang gulat sa mga staff nang nakita ako, they bowed their head as a sign of respect and took care of me.

Sunod naman akong pumasok sa isa sa mga kilalang brands pagdating sa bags, Louis Vuitton. Tulad ng mga staff sa una kong pinasukan ay nagulat din sila sa presensya ko. Normally kasi ay inuutos ko sa mga personal shoppers ko ang pamimili ng mga gusto kong gamit. Mabibilang lang talaga sa daliri ang mga ganitong pagkakataon na personal akong namimili.

I automatically asked for the latest design. Mabilis at puno nang pag-iingat nila akong inasikaso. I am busy scanning the bag when I heard a familiar voice.

"Give me the same bag." Maarteng pag-uutos niya sa staff.

"I am sorry, Ma'am. But that's the last one we've got," mahinahon na paumanhin ng magtitinda.

"What?!" eksahiradang sigaw ni Ashley. "Ano'ng klaseng store ba 'to at isa lang stock niyo," dugtong niya.

I rolled my eyes and glanced at her direction. She look shocked when she recognized me then quickly smirked after composing herself.

"Oh you're here," she said.

Picture ko lang 'to.

"Modelo ka pa naman pero napakahina ng comprehension mo," ani ko at ipinatong ang bag sa estante.

"What?!" She exclaimed, offended.

I smirked and looked at the staff. "Pagpasensyahan mo na siya. Mukhang pag-arte lang sa camera ang alam niya at hindi ang maayos na pagkilos," I said mockingly.

Nakita ko ang matinding pagpipigil ng tauhan na mangiti sa sinabi ko.

"How dare you speak to me that way?!" nanunurong asik niya.

"Why would I not? Gano'n mo rin naman sila kausapin..." Pagtukoy ko sa tauhan na nag-aasikaso sa amin. "Bastos," dagdag na saad ko.

"Because apparently, I am a customer," taas kilay na sabi niya.

I scoffed and looked at her with disgust. "That's still doesn't give you any rights to talk with them rudely," I pointed out.

"Ano ba'ng pakialam mo kung pa'no ko sila pakitunguhan? Sino ka ba at nagsasalita ka para sa kaniya, siya nga mismo ay hindi nagrereklamo. Ang sabihin mo bitter ka lang," pang-iinsulto niya.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now