CHAPTER 16

19.1K 783 116
                                    

Everyone was busy seting the shoot when I reached the area.

"What is that for?" taas kilay kong wika nang nakita ang isang pula na kama.

Wala pa man ay tila kumulo na agad ang dugo ko.

"Iyan po ang gagamitin na props for the shoot," saad ng sekretarya ni Dad.

Napatalon siya sa kanyang tayo nang titigan ko siya nang masama. "Come again?"

I saw her gulped and tried hard to speak. "P-Para po sa shoot, Ma'am. B-Bedscene po kasi ang theme ng pictorial ngayon." Naroon ang takot at pag-aalangan sa kanyang boses.

Lalo pang nag-init ang ulo ko sa kumpirmasyon niya. I shut my eyes tight and calmed myself.

Pakiramdam ko ay tulad ng mga bomba ay sasabog ako anumang oras. Mas lalo pa akong nahibang dahil hindi ko alam kung para saan ang mga galit at inis kong nararamdaman ngayon.

Hindi naman siguro.

Ilang beses akong nagpakawala ng hininga at umayos ng tayo, sakto namang lumabas si Jairon sa dressing room.

Nagsalubong ang mga mata namin hanggang sa marahan na bumaba ang paningin niya sa suot ko. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga kasabay nang pandidilim ng mga mata niya.

Iyon ang itsura niya na gustung-gusto ko, para siyang isang bomba na ilang pitik lang ay kusang sasabog.

"Jairon." Pukaw pansin ng babae na lumabas kasunod niya.

Awtomatikong napunta sa kanya ang paningin ko nang ikawit niya ang braso kay Dela Merced.

She's tall, sexy, got a hooded eyes, full lips, fair skin and many more to mention.

"You didn't wait for me."

Hindi naman sumagot si Jairon, sa halip ay nanatili ang matalim niyang titig sa 'kin dahilan para mapunta sa 'kin ang atensyon ng babae na nakapulupot sa kanya.

She raised her eyebrow at me, so do I.

"Who are you?" mataray na tanong niya.

Mas lalo pang tumaas ang kilay ko saka sarkastikong tumawa. "Sorry not sorry, Miss, but I don't give my name easily," I mocked.

Tila na-offend naman siya sa sinabi ko kaya bumitaw siya kay Jairon at tumayo nang nagmamalaki. "Excuse me? Don't you know who I am?" Sabay turo sa kanyang dibdib.

I laughed sarcastically and crossed my arms. "Should I kick you out now?" I flipped my hair and looked at my secretary who's dumbfounded at this moment.

"The nerve—Stop, Ashley, she's the boss," agap sa kanya ni Jairon nang asta pa s'yang magsasalita.

Nanlaki ng bahagya ang mata n'ya at naiilang na lumihis ng tingin. She cleared her throat and bowed her head for a second.

"Sorry," labas sa ilong na sambit niya.

Iniwasan kong mapairap dahil sa kaplastikan niyang taglay.

"What are you wearing?" Jairon spoke with his cold baritone voice.

Tinitigan ko s'ya at saglit na pinasadahan ng tingin ang aking sarili. "Dress," I stated in the matter of factly.

Siya naman ngayon ang nag-angat ng kilay. "You called that a dress?" He scoffed.

I smirked and flashed an evil grin. Umayos ako ng tayo at bahagyang kumilos para mas mapalitaw ang slit sa hita ko.

"Why, Mr. Dela Merced? Are you bothered?" I asked teasingly.

"Why would he?" Ashley butted in, annoyed.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن