CHAPTER 27

18K 673 44
                                    

"What happened to my father?" namamawis kong tanong sa kabila nang panlalamig ng katawan ko.

Hindi ako agad sinagot ni Aycxe kaya mabilis ko s'yang nilapitan at hinawakan sa balikat.

"Tell me... what happened to my father?" nakikiusap kong tanong.

Malungkot niya akong tiningnan. "Sumabog ang sinasakyan ng Daddy mo," namamaos niyang usal.

Para akong naupos na kandila nang narinig ko iyon. Ilang beses kong pinaulit-ulit sa 'king utak ang sinabi niya.

Nananaginip lang ako, hindi ba?

"H-He's safe right?" I barely managed to ask with my shattered voice.

Marahan s'yang tumungo para iwasan ang paningin ko. "I am sorry to tell you. He's... dead on the spot."

Tuluyan na akong nabuwal sa 'king tayo. Napasalampak ako sa buhanginan, mabilis na umalalay sa 'kin ang mga kasamahan ko pati na rin si Jairon pero hindi ko sila pinagtuunan ng atensyon.

Pagak akong tumawa habang nagtutuluan ang mga luha ko. Ilang beses akong umiling at mariin na napapikit.

"You're joking right?" pumipiyok kong sambit.

"The helicopter will be here in five mins," she informed.

Napatulala na lamang ako. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang bagay na 'to.

"I'm here, bae," Jairon whispered on my side as he caressed my back.

Hindi ako umimik. Nakalutang ang utak ko sa pag-iisip. Inalala ang huli naming pag-uusap ni Daddy at napaiyak nalang lalo.

"Come on, Dad. Tuturuan mo pa si Gerald, hindi ba?" I cried silently.






ILANG minuto ang lumipas ay tuluyan na kaming lumapag sa helipad ng isang hospital. Mabibigat na yapak akong sumunod sa mga kasama ko habang naglalakad patungo sa aming destinasyon. Walang nagsasalita sa 'min o nag-iingay man lang. Ramdam ko ang pare-parehong bigat sa aming loob sa bawat hakbang na ginagawa namin.

This is just a dream. A nightmare.

Please, wake me up.

"Ate..." Sambit ni Gerald habang nakasandal sa pader ng isang k'warto.

Namumula ang kanyang mga mata at namumugto na rin ang paligid niyon.

Napalunok ako at pilit pinatibay ang aking tindig. "S-si Daddy?"

Malungkot niya akong tinitigan saka bumaling ng tingin sa loob. "He's inside," nanghihina niyang sagot.

I forced to cleared my throat and smiled. "H-he's fine right?" umaasa kong tanong.

Mabilis na pumatak ang kanyang mga luha. Kinagat ni Gerald ang ibabang bahagi ng labi niya at umiwas ng tingin.

"He's... at peace."

I shut my eyes tight. Ayaw ko... ayaw kong pumasok sa loob... ayaw kong kumpirmahin ang lahat.

"Please, stop kidding me."

Mabagal na lumapit sa 'kin si Gerald at niyakap ako. Na para bang sa gano'ng paraan niya lang ako masusuportahan.

"I am sure Dad wants to see you."

Umiling ako sa kanyang dibdib. "Hindi... wala s'ya riyan. Tuturuan ka pa niya sa kumpanya, sinabi niya 'yon sa 'kin."

"Tama na, ate..."

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now