CHAPTER 11

22K 805 158
                                    

(WARNING: LOWER YOUR BRIGHTNESS, CHECK YOUR SURROUNDINGS, SUPPRESSED YOUR SMILE. 🔞 MATURE CONTENT)

"Ayaw ko nga. Scam 'yan, e," ani ko kasabay nang matinding pag-iling.

His forehead knotted at my statement. "Scam?" pag-uulit n'ya.

"Oo, napanuod ko na 'yan sa KDrama. Let's talk tapos nagiging mukbang," wala sa sariling anas ko.

"Mukbang?"

I rolled my eyes and walked to my bedside table to put down my things. "Wala. Sabi ko umalis ka na, hindi ba may pupuntahan ka pa?" iniwasan kong magtunog sarkastiko ngunit talagang kumakawala 'to bibig ko.

He scoffed. "The photoshoot is already done, guess what? I lost millions this time," saad niya.

Palihim kong nakagat ang ibaba kong labi.

Photoshoot? With her? Is she a model too?

"Kasalanan mo kung bakit," mahina kong bulong.

"Sit here." Tinapik niya ang espasyo sa kanyang tabi.

Marahan akong umiling. "Ayaw ko, hindi tayo mag-uusap," giit ko.

He sighed and looked at me with disbelief. "We are already talking, Quennie."

"Bakit ba kasi kailangan ko pang lumapit sa 'yo? Pwede naman tayong mag-usap nang magkalayo."

"Pwede rin naman tayong mag-usap ng magkalapit, ah?"

"Oo nga, kaso may pa "let's talk" ka kaya hindi pwedeng magkalapit," diretyo kong untag.

Bakas ang pagkalito sa kanyang mukha habang nakatingin sa 'kin. "Pinauupo kita rito hindi lang dahil mag-uusap tayo. I am telling you to sit here so I could also check your foot," aniya.

Natigilam ako at pasimpleng tumingin sa paa ko na may kapulahan na ngayon.

Kung bakit ba kasi nagsunud-sunod ang emergency ngayon.

"Sit here, Quennie," may halong pagbabanta niyang wika.

Wala na akong nagawa pa kun'di ang sumunod sa gusto niya. Tulad nang sinabi niya ay sinuri niya ang paa ko, nagpakawala pa s'ya nang malalim na hininga nang nakita ang labis na pamumula n'yon.

"Stay still, kukuha lang ako ng compress," utos niya saka tumayo para lumabas, hindi na ako hinintay pang umangal.

Napatitig nalang ako sa pintuan na nilabasan niya. Somehow, I felt something warmth in my heart seeing how Jairon took care of me.

Mapait akong napangiti nang maalala na may babae na s'yang nagugustuhan. Hindi ko maiwasan na manghinayang sa hindi malamang dahilan.

Hindi naman siguro ako nahuhulog sa kanya, hindi ba?

Wala pang ilang minuto ay bumalik na rin siya ng sa silid habang dala ang kailangan. Lumuhod siya sa 'king harapan at maingat na idinampi sa paa ko ang cold compress hanggang sa unti-unti na 'kong nakakaramdam ng ginhawa mula roon.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now