CHAPTER 32

19.6K 652 59
                                    

Farro laughed and clapped his hands joyfully as he watched me begged. "Hindi ko inaasahan na kusa kang luluhod sa harapan ko. Napakadali mo naman 'atang sumuko, bomber?" pangungutya niya.

Hindi ako nagsalita pa. Hinayaan ko siyang umimik nang umimik.

"What are you doing, Rose?" asar na tanong ni Aycxe  sa linya.

"Please... ako na lang. Huwag niyo siyang idamay rito," muli kong pakiusap.

Nilaro ni Farro ang kanyang panga gamit ang kanyang daliri at sinenyasan ang kanyang tauhan na ilapit si Jairon sa puwesto niya.

Nanatili akong nakaluhod at bagsak balikat na nanunuod sa nangyayari. Nagkatinginan kami ni Jairon, kita ko sa kanyang mukha ang pagtutol sa ginagawa ko.

"Alam mo ba na pinagawa ko pa sa eksperto ang bomba na ito?" pagtukoy ni Farro sa nakakabit na bomba kay Jairon.

Naglakad siya patungo sa 'kin at yumukod para hawakan nang mahigpit ang panga ko. "Para lang sa 'yo," dagdag niya at padaskol na pinakawalan ang mukha ko.

"Itali niyo 'yan!" gigil na utos niya sa kanyang tauhan.

Mabilis naman silang nagsikilusan palapit sa 'kin.

"Bae!" nag-aalalang pagtawag ni Jairon.

Hinila ako ng dalawang tauhan at kinaladkad patungo sa isang upuan. Isinalampak nila ako roon at kinuha ang hawak kong baril saka ako tinalian nang mahigpit gamit ang mga naglalakihang kadena.

Nakita ko ang pag-aalpas ni Jairon sa kanyang pagkakatayo dahilan para suntukin siya sa tiyan ng lalaking katabi niya.

"Bae!" nangngingitngit na pagsigaw ko kasabay nang pagtulo ng mga luha ko sa galit at frustrasyon.

"Napakagandang eksena naman nito," tumatawang sambit ni Farro.

"Pakiusap, ako na lang ang saktan niyo. Ako na lang ang patayin niyo. Nagmamakaawa ako. Nakuha niyo na ang lahat sa 'kin. Buhay ko na lang ang kuhanin niyo kung hindi pa rin 'yon sapat," umiiyak kong saad habang nakagapos sa upuan.

"Ahh, napakaganda namang pakinggan nang pag-iyak mo," nakangising wika niya saka lumapit kay Jairon.

"Hindi naman ako sobrang sama tulad nang iniisip mo." Hinawakan niya ang mukha ni Jairon at sinuri. "Pagbibigyan ko ba ang hiling ng 'yong kabiyak?" tanong niya kay Jairon.

"No, keep this thing on my body," matigas na pagtutol niya.

"Jairon!" agad na sigaw ko bilang pagtanggi sa sinabi niya.

He looked at me then smiled. "Ako na," maamong sambit niya.

Mabilis akong umiling. "Hindi. Hindi ko na kakayanin, Jairon."

"Hindi ko rin kakayanin na mapahamak ka para sa 'kin," aniya.

"Ako ang puno't dulo nito kaya dapat lang na ako ang magdusa. 'Wag mong akuin ang bagay na dapat sa akin!" umiiyak kong sigaw.

"Tama na, sobra na ang drama." Tinapik ni Farro sa balikat si Jairon. "Alam ko na gusto mo ring mamatay pero uunahin ko muna ang girlfriend mo, hijo. Tulad nang sinabi niya, siya ang nakagawa ng atraso sa 'kin."

Tumutol man si Jairon ay wala na siyang nagawa pa nang utusan ni Farro ang kanyang tauhan na tanggalin mula sa katawan niya ang nakakabit na bomba. Pilit siyang nagpupumiglas dahilan para muli siyang suntukin sa sikmura. Napahiyaw na lang ako at napaluha habang pinapanuod siyang mamilipit sa sahig.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now