CHAPTER 25

19.1K 714 20
                                    

Hindi katulad noon ay masaya kaming naghapunan ng pamilya ko. Mayroon man sa aking loob na nalulungkot sapagkat malimit kong maalala si Quenevere ay ipinagsawalang bahala ko muna 'yon.

Sa unang pagkakataon ay napagdesisyunan kong magpalipas ng gabi sa bahay namin. Nagpunta ako sa kwarto ko at marahang pinasadahan ng tingin ang paligid.

Walang nagbago.

Iyon ang una kong napansin. Ang mga m'webles, kama at iba pang bagay ay hindi man lang naibo sa kanilang mga lugar. I sighed and laid down on my bed. Tulala kong tiningnan ang kisame habang inaalala ang mga masasayang kulitan namin ni Quenevere noon.

Ilang saglit pa ay narinig ko ng tatlong katok mula sa pintuan. Mabagal itong bumukas hanggang sa nakita ko ang imahe ni Daddy. He stared at me then roamed his eyes around my room. Tipid s'yang ngumiti bago naglakad papasok, palapit sa 'kin.

Bumangon ako at saka pinagmasdan ang kanyang kilos. He sat on my side as silence envelop the two of us.

"Ilang taon na rin pala ang nakararaan..." Pagbasag niya sa katahimikan.

Hindi naman ako nagsalita at hinayaan s'yang magpatuloy.

"That day... I blamed myself for what happened. Pakiramdam ko napaka-walang kwenta kong ama dahil hindi ko napagtuunan ng pansin ang mga anak ko," aniya.

Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko.

"No'ng nakita ko ang pagsisisi at panlulumo sa 'yo. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan para maghinagpis ng husto. Gustung-gusto kong bumawi sa 'yo, gusto kitang pasayahin, gusto kong ibagay lahat ng pupwedeng makapagpagaan sa loob mo. Kaya naman gano'n nalang ang pagbibigay ko ng atensyon sa 'yo," he continued.

"Hindi ko napansin na mali na naman ang daan na tinatahak ko. Masyado akong nabulag sa konsensya ko kaya pati ibang kapatid mo ay hindi ko na napansin pa."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya naman napabaling ako ng tingin.

Malamlam na nakatingin sa 'kin si Daddy. Bakas ang pagsisisi at kalungkutan sa kanyang mga mga mata, bagay na lalong nakapagpatindi ng emosyon ko.

"Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ako kung lalo kang nahirapan dahil sa 'kin," puno ng emosyong paumanhin niya.

Marahan akong umiling saka pinunasan ang luha kong tumulo. "It's okay, dad. Wala namang perpekto na tao."

Tipid s'yang ngumiti at maingat na hinaplos ang mukha ko. "Magkamukha talaga kayo ni Quenevere," namamaos na saad niya.

Napangiti nalang din ako sapagkat totoong magkahawig kami ng bunso kong kapatid.

"Salamat sa lahat, Quennie. Paulit-ulit akong magpapasalamat sa Diyos na binigyan niya ako ng isang anak na katulad mo, tulad n'yo ng mga kapatid mo."

"Nagpapasalamat din ako na kayo ang naging magulang ko."

Ngumiti si Daddy sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko at tumayo mula sa pagkakaupo.

"I already put Gerald as the CEO of the company. Pinasimulan ko na rin siyang turuan sa iba't ibang bagay," pag-imporma niya sa 'kin.

Natuwa ako ro'n kaya awtomatiko akong napangiti. "He deserves it," I said.

Tumango naman si Daddy bilang pagsang-ayon. "I'll be going to Singapore tomorrow for an overseas meeting. Pagbalik ko ay ako mismo ang magtuturo sa kapatid mo ng ibang bagay tungkol sa kumpanya."

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon