CHAPTER 3

23.2K 835 70
                                    

"Anong klase ng mukha 'yan?" tanong sa akin ni Noella sa video call.

Magkausap kami ngayon dahil ipinapakita niya sa akin ang magiging lokasyon nang pupuntahan naming misyon bukas.

I shook my head and sighed. "Wala may naalala lang," I answered.

"Gan'yan na gan'yan ang mga mukha nang nanakawan ng halik," she stated on the line then chuckled.

Awtomatiko naman akong namula. Muli ko na namang naalala ang paghalik sa akin ni Dela Merced sa shoot.

I didn't expect that move. Naiiling kong sabi sa aking isip.

"Gag*, sige na ibaba mo na ang linya para mapuntahan ko na ang lugar at makabitan ng mga bomba," ani ko.

Nag-okay sign lang naman siya bilang tugon at saka naputol ang tawag. Prinint ko muna ang blueprint na sinend sa akin ni Noella bago tumayo mula sa aking computer table. I tied my hair up and went into my walk-in closet then pressed the hidden button for my built-in vault. Unti-unting gumalaw ang malaking painting na nasa gitna n'yon at tumambad ang sikreto kong lagayan. I scanned my finger print and opened the vault as it verified.

Marahan kong hinaplos ang aking maliliit na mga bomba. Ngumiti ako at maingat na kumuha ng apat na piraso, kasing sukat lamang iyon ng pisong barya ngunit kakayanin na nitong magpabagsak ng bawat poste ng gusali. Inilagay ko 'yon sa isang case saka ko muling isinara ang taguan. Kumuha na rin ako ng pamalit na damit at nagtungo sa banyo para maligo.

It took me 15minutes to finished my routine. Simpleng racer black sando lang ang sinuot ko at tinernuhan ito ng itim na pantalon. Inihanda ko ang aking mga gamit at saka lumabas ng unit ko. Nahigit ko ang aking hininga nang bumukas din ang kaharap kong unit at nagtama ang paningin namin ng tao roon.

"Dela Merced," mahinang sambit ko habang bahagyang nakaawang ang aking bibig.

Mukhang hindi niya rin inaasahan na makita ako. He scanned me from head to toe, then his left eyebrow raised a little. "Going somewhere, Miss?" he asked and leaned on his door.

Napatikhim ako at isinara ng tuluyan ang aking pinto. I composed myself before looking back at him.

"Hmm," tipid kong himno bilang tugon na sinamahan ko ng kaunting pagtango.

He licked his lower lip then glanced on the case that I am holding. Napaghigpit naman ang hawak ko roon.

"What's that?" kuryoso niyang tanong.

"Paper files," mabilis kong sagot.

Tumango siya at lumabas sa kanyang unit. Sa itsura niya ay mukhang paalis din siya. Nakasuot siya ng simpleng vneck na itim na tinernuhan ng maong short.

"Mind if I join you going down?" he asked.

I smirked and flashed a slutty smile. "Akala ko ba ay hindi ako magtatagumpay sa gusto ko, Mr. Dela Merced?" I mocked.

Umismid din siya pabalik at nagsimulang maglakad. "Sasabayan lang kita maglakad, Miss, hindi ko sinabing papatol ako sa 'yo."

I rolled my eyes and followed him. "Wala na tayo sa trabaho. Can you call me by my name now?" I asked.

Nilingon niya ako at ngumisi nang nakakaloko. "Ano nga ulit ang pangalan mo, Miss?" painosenteng usisa niya.

Agad na nag-init ang ulo ko dahil doon. Tiningnan ko siya nang masama at pinangunahan siya sa paglalakad.

How dare him forget my fvcking precious name?! Argh!

Naabutan n'ya ako nang nasa tapat na ako ng elevator dahil inaantay ko 'yong bumaba. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang palihim niyang pangisi habang nasa bulsa ng kanyang suot na short ang isa niyang kamay.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now