CHAPTER 5

22.4K 793 57
                                    

Napaigik nalang ako sandaling pumasok at umupo ako sa loob ng aking sasakyan.

"Damn, I lost the pearl of the orient sea in a freakin' elevator," I murmured and shook my head with disbelief.

I rested deeply and started my engine. Marahan ko itong iminani-obra palayo ng gusali at tinahak ang daan patungo sa lokasyon na pupuntahan ko.

Mahigit bente minutos ang lumipas bago ko ipinarke ang aking sasakyan sa lugar. Ilang saglit pa akong nagmasid para masiguro na walang kalaban na nagtatago sa paligid. Nang nakuntento na walang sinuman ang makakakita sa akin ay roon palang ako lumabas bitbit ang case ko na naglalaman ng aking mga bomba.

Mabagal akong kumilos kumpara sa normal kong bilis dahil sa paminsan-minsang pagkirot ng aking pagkababae. Pakiramdam ko ay may nabutas sa loob ko at hindi ko iyon maaaring pagdigkitin.

Ikinabit ko ang mga bomba sa poste na dapat nilang kalagyan, hindi ito mahahalata sapagkat sapat lamang ang liit niyon para hindi mapansin. I connected the bombs on my device and secured it. Nang natapos na ako sa aking ginagawa ay muli kong inikot ang lugar para siguraduhin na walang hahadlang o bubulilyaso sa 'ming plano.

I head back to my car after surveiling the place. Napahinga ako nang malalim kasabay nang pagsandal ko sa upuan ng sasakyan. Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan si Aycxe bago iyon inilagay sa aking dashboard nang naka-loudspeak.

"Done with your part?" bungad na tanong niya nang sagutin ang linya.

"Hmm, everything's ready for tomorrow. I also did a surveillance check, so far wala naman akong napansin na mali o kakaiba," I stated.

"Okay, magkita-kita nalang tayo bukas sa bar ni Sophia, may misyon din ako para sa kanila ni Shiela," she informed and ended the call.

Sa wakas, pupwede na akong magpahinga para bukas.

Sa kagustuhan kong makahiga agad ay pinaharurot ko ang aking sasakyan sandaling pinaandar ko ito. Sinilip ko pa ang katapat kong unit kung saan lumabas si Dela Merced nang nakauwi ako. Bahagya akong nakaramdam ng kahihiyan para sa aking sarili dahil sa ginawa ko.

Damn! What did I do?

Pilit ko nalang 'yon inalis sa aking isip at pumasok na sa bahay. Mabilis kong hinubo ang aking pantalon nang nakapasok ako sa silid 'tsaka pabagsak na humiga sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata, hindi ko alam kung saan galing ang pagod na nananalaytay sa sistema ko—kung sa ginawa ko bang misyon o sa ginawa namin ni Dela Merced sa elavator.

"Kung bakit ba kasi napakalaki ng sandata niya," I murmured before I drifted to sleep.

Nagising ako sa pag-iingay ng aking door bell. Umungot ako kasabay ng aking pagbangon at pikit mata akong lumabas patungo sa pintuan.

Tngna, Shiela, kung kailan natutulog ako 'tsaka mo ako naisipang puntahan.

"Do you know that you're disturbing me in my fvcking sleep?" iritado kong sabi pagkabukas ko ng pinto habang pikit-matang nakasandal sa gilid.

"FVCK!" mahinang sigaw ng isang baritonong boses kasabay nang mabilis na paglapit ng katawan niya sa akin.

I even heard my unit's door closed harshly. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at tila bigla nalang nagising ang sistema ko.

"Why are you not wearing anything woman?!" galit na asik ng pamilyar na lalaki.

Napakurap ako at tinitigan ang kaniyang galit na mukha. "A-anong ginagawa mo rito?" utal kong tanong.

He clenched his jaw and held my on my arms. "Where's your room?" he asked.

Nangunot ang aking noo sa kaniyang tanong. "Why would I tell you?" mataray kong pagbabalik.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now