CHAPTER 7

21.4K 793 113
                                    

"Shit!" bulaslas ko nang ihiga ako ni Dela Merced sa aking kama.

"Will you stop cursing?" inis na singhal niya sa 'kin habang nakapamewang na nakatayo sa gilid ng higaan.

Tiningnan ko siya nang masama. "Bakit mo ba kasi ako sinundan?"

Natigilan naman siya at tumayo ng tuwid. He cleared his throat and glanced at me.

"I just want to know where you are going," he answered.

"And why the fvck?" I fired back.

Umigting naman ang kaniyang panga at matalim akong tiningnan. "Try to curse again, Miss Rado," he warned.

I raised my left eyebrow at him. "And?" panghahamon ko.

Nahigit ko ang aking hininga nang umismid siya at basta na lamang umibabaw sa 'kin. "Isang mura, isang putok Miss," aniya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. "A-Ano'ng putok na pinagsasabi mo?" pinagpapawisan kong tanong.

I shut my eyes when his face crouched on my neck. "Kung ano ang naiisip mo," he whispered.

"Oo, papuputukin ko talaga 'yang nguso mo, Jairon, kapag hindi ka pa tumigil." Pagbabanta ko nang nakalma ang aking sarili.

He chuckled sexily then moved away. Umupo siya sa aking tabi 'tsaka tiningnan ang kanang paa ko.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na bali lamang ang natamo mo sa pagtalon mula sa itaas. Sa anong palapag ka nga galing?" usisa niya.

I rolled my eyes at him, "third fvcking floor."

Sinamaan niya ako ng tingin at dinilaan ang ibabang bahagi ng kaniyang labi. "Gusto mo talagang maputukan?"

Tinarayan ko naman siya ng kilay bilang panghahamon. "Gusto mong pasabugin kita ora mismo, Dela Merced?"

Tila nawalan ng kulay ang mukha niya dahil sa aking banta kaya hindi ko maiwasan na palihim na tumawa. Napangiwi lang ako muli nang kumirot ang aking paa.

"Can you get me a cold compress?" I asked.

"Hindi ba sasabog ang ref mo kapag hinawakan ko?" balik na tanong niya.

Napabuga ako ng hininga at sinubukang bumangon. Mabilis naman s'yang umalalay sa 'kin. Sumandal ako sa headboard ng kama ko 'tsaka kinalikot ang aking customized tablet.

"Give me your hands," wika ko.

Bakas man ang kalituhan sa kanyang mukha ay ginawa niya na lamang ang sinabi ko. I hold his wrist and put his left hand on my tablet, letting it scanned all his finger prints. Pagkatapos n'yon ay ang kanang kamay naman niya ang aking isinunod.

"Done, you can now freely touch my things," ani ko nang natapos kong ipasok sa system ang mga finger prints niya.

"Okay, magpahinga kana muna. Mukhang masama talaga ang bagsak mo," puna niya at tumayo bilang paghahanda sa pag-alalay sa akin.

Hindi naman ako umimik pa at humiga nalang muli. Pakiramdam ko ay nabugbog ang katawan ko sandaling bumagsak ako kanina sa semento.

Asta s'yang lalakad palayo nang pigilan ko s'ya sa braso.

"May kailangan ka pa ba?" maamo niyang tanong sa 'kin.

"Can you get my phone?" mahina kong pakiusap.

Mabilis naman siyang bumaling sa 'king bedside table at ibinigay sa 'kin ang telepono ko.

"Sige na, ikuha mo na ako nang pinakukuha ko," tipid ngiti kong sambit sa kanya.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon