CHAPTER 13

20.4K 737 18
                                    

"Fvck!" I cursed silently as I fisted my hands with anger when Matthew Laqueza showed the picture of the man I hated the most.

Isang linggo na rin ang lumipas pagkatapos naming magkaharap lahat. Kasalukuyan naming tinatalakay ang impormasyon tungkol sa kalaban para mas mapaghandaan ang aming pagkilos.

"Farro Roque, ang namamahala naman sa mga armas at mga babaeng ibinebenta nila sa blackmarket," aniya habang seryoso na nakamasid sa 'kin. "He's living here in Manila," he added.

My forehead knotted on what he just said. Hindi ko naiwasan na tingnan s'ya nang masama dahil sa nag-uumapaw kong emosyon.

"Sa ilan taon kong pagmamatyag sa kanya ay wala ako ni isang nakita na tinutuluyan niya rito sa Manila," seryosong usal ko.

He smirked and played his finger on the table. "Dahil sa taas ka tumitingin at hindi sa ilalim," nakangising sambit niya.

Could that be?

"Yes, he is living under ground," he clarified then pressed the next slide.

Nagpatuloy s'ya sa pagpapakilala sa kabilang grupo ngunit nanatiling lipad ang utak ko sa lalaking ipinakita n'ya kanina; Farro Roque—ang taong nagdala ng bangungot sa buhay ko.

"Buhay ang kinuha at winasak nila sa 'tin kaya nararapat na iyon din ang isukli natin," malamig na wika ko pagkatapos nang pagpapakilala sa bawat myembro ng Ktinódis Syndicate.

We all spoke our anger towards them. Nagsimulang maglatag ng pangunahing plano si Aycxe at tinapos ang aming pag-uusap. Isa-isa kaming sumunod sa kanyang paglabas, hinayaan ang sirang projector sa loob ng silid dahil sa kagagawan nang maikling pasensya niya.

Pagod akong sumakay sa kotse ko at napapikit, pilit kinakalma ang sarili ko sa bumubugsong emosyon sa sistema ko. I took a deep breath then started my engine. Halos tatlong araw na rin buhat nang tuluyan na gumaling ang aking paa. Si Jairon ay balik na rin sa kanyang mga photoshoot kaya hindi ko na rin siya madalas makita sa loob nang nagdaan na araw na 'yon.

Nasa kalagitnaan ako nang pagmamaneho pabalik sa condo nang tumunog ang telepono ko. I glanced on my dashboard and found mom's name on the screen.

Nagpakawala ako nang malalim na hininga saka sinagot ang tawag, inilagay ko 'to sa loudspeak para hindi ko na hawakan pa.

"Yes?" tamad kong bungad.

"It's your brother's day, Quennie Rose," she reminded with my first and secondary name.

"I know. Ipade-deliver ko ang regalo ko sa kanya r'yan sa bahay."

I heard her sigh on the line, sign that she's disappointed at my action. "Can't you give this day for him? He's expecting you, anak," mahinahon na saad niya.

"Mom."

"It's been five years, anak. May pamilya ka rin naman na naghihintay rito sa bahay," may halong pagtatampo n'yang saad.

"Nagkikita naman tayo sa labas o kaya kumpanya Mommy," pagrarason ko.

"Iba pa rin kapag nasa bahay, Quennie Rose."

Napangiwi nalang ako sa palagi n'yang pagbanggit sa kumpleto kong pangalan.

"Kahit ngayon lang, anak. Kahit isang oras lang, pumunta ka naman dito. Hindi na para sa akin, para nalang sa kapatid mo," bakas ang lungkot sa kanyang tono nang sabihin n'ya iyon.

Wala na akong nagawa pa kun'di ang mapahilot nalang sa sintido ko. "Fine, I'll be there," pagsuko ko kasabay nang pagpihit ko sa manubela patungo sa ibang direksyon.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon