CHAPTER 21

18.9K 695 22
                                    

"How is it?" pasimple kong bulong sa aking earpiece habang nilalakad ang isang hagdanan.

Wearing a black side shoulder bodycon velvet dress, I swiftly walked into the 2nd floor area.

"I already put Sophia's sleeping pills on everyone's drink. We have two minutes before it effect to the first group of victims," Shiela said on the line.

"Okay. Patapos na rin ako rito," simpleng usal ko at inaayos ang suot kong itim na maskara.

"Hey, pretty lady, want some drink?" pag-iimbita sa akin ng isang Americano.

I just flashed a seductive smile and slowly shook my head. "I'm already tipsy," pagpapalusot ko saka siya tuluyang nilampasan.

"Pakipot naman, ghorl," panunukso ni Shiela sa linya.

"Shut the fvck up, Shiela. Baka nakakalimutan mong mainit pa ang dugo ko sa 'yo." Pasimple akong tumungo para hindi mahalata ng iba ang pag-imik ko.

We are now in a masquerade ball; pagtitipon na binuo ng mga taong trumaydor sa grupo namin.

Shiela chuckled on the line. "It's your fault, Rose," she reminded.

Inirapan ko siya bagamat wala siya sa aking harapan.

"Miss!" pagtawag ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Palihim akong bumuntonghininga at hinarap ang Amerikanong pilit nagpapapansin sa akin.

Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis. "Yes?"

Ngumiti siya pabalik na animo'y nanalo sa isang patimpalak. "Can I get your name?" he asked.

I smirked and walked forward to him aggressively.

"Whoah!" he exclaimed with a smile on his lips as he moved backward 'til he leaned against the wall.

Marahan kong pinalandas ang aking daliri sa suot niyang coat pababa sa kanyang dibdib. I even heard Shiela's whistle on the line.

Nakamasid ang gaga.

"Feisty. I like that," the guy said then licked his lower lip.

Awtomatiko kong naalala si Jairon dahil doon. Napangiwi ako sapagkat kahit nasa gitna ako ng isang misyon ay nagawa kong ipagkumpara kung gaano kalakas ang dating ng kilos ni Jairon kumpara sa lalaking nasa harapan ko.

Inilapit ko ang aking katawan sa kanya, ipinulupot sa kanyang leeg ang kamay ko habang hawak ang aking purse.

"Want do you want?" I said flirtatiously.

Hinawakan niya ako sa aking bewang kasabay nang pagmasahe niya roon.

Hintay ka lang, babayagan kita mamayang letche ka.

"Your name and body," direkta niyang tugon.

Tumango naman ako at saka pinalandas ang isa kong kamay papunta sa kurbata niya. "Do you really wanna know?" I asked.

Mabilis siyang tumango bilang sagot. I chuckled and crouched to his ear. Mabilis at walang kahirap-hirap kong binuksan ang pouch ko at idinikit sa pader ang natitira kong bomba.

"Wait until I introduced myself to everyone," I whispered and moved away.

Nangunot ang kanyang noo. "Are you a VIP here?" he asked.

Mahina akong tumawa at dinilaan ang ibabang bahagi ng labi ko para mas palakasin ang aking dating. "Too much," I answered then turned my back against his.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now