CHAPTER 23

19.1K 831 117
                                    

"Don't force yourself to move, Quennie," mariing wika ni Jairon nang asta kong huhugasan ang pinagkainan namin.

Tatlong araw na ang nakakalipas buhat nang natahi ang sugat ko. Sa isang katulad ko na sanay sa iba't ibang uri ng sakit ay wala ng epekto ang tama ko.

"How can I not? I am fvcking here in your house, in your family's house to be specific," mahinang singhal ko at pasimpleng tumingin sa itaas ng hagdanan para siguraduhin na hindi kami nakikita ng mga magulang niya.

Puros pagmumura ang lumabas sa bibig ko sandaling nagising ako sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa biglaang pagdala sa akin ni Jai rito o matatakot sa pupwede nilang isipin sa 'kin dahil may tama ako ng baril no'ng naparito ako.

Hindi ako kailanman nagkaroon ng pakialam sa tingin ng mga nasa paligid ko, ito ang unang pagkakataon na nabahala ako ng ganito, na tila ba gagawain ko ang lahat bumango lang ang imahe ko sa kanila.

Jairon smiled and stood up from his seat. Lumapit s'ya sa 'kin at inagaw ang hawak kong pinggan.

"Masyado ka 'atang conscious nitong mga nagdaang araw," tudyo niya sa 'kin.

I rolled my eyes and glared at him. "Hindi na ako natutuwa, Jairon. Uuwi na rin ako mamaya."

Mabilis na nabura ang mapaglarong ngiti sa labi niya at matalim na tumingin sa 'kin. "You are not going anywhere," mariin niyang sambit.

Nilabanan ko naman ang kanyang titig. "I.AM.LEAVING," I said back.

"Ayaw mo ba rito, hija?"

Natigilan ako nang narinig ko ang maamong boses ni Mrs. Dela Merced. Napalunok ako saka marahan na bumaling sa aking likuran kung saan siya naroon.

Nakatayo siya habang nasa tabi niya si Sazzy, ang nakabababatang kapatid ni Jairon. Pareho sila na malumbay na nakatingin sa akin.

Muli akong napalunok at tumikhim. "H-hindi po sa gano'n, Tita. Nahihiya lang po ako sa abalang dulot ko rito," mahinahong saad ko, takot na maging masama ang dating niyon.

"Hindi ka kailanman naging abala sa amin. Kami pa nga ang dapat mahiya sa 'yo sapagkat napahamak ka ng dahil sa pagliligtas sa anak ko."

Mabilis akong umiling kasabay nang pagkumpas ng kamay ko. "Nako, 'wag niyo pong isipin 'yon. Masaya po ako na nakatulong ako sa paraang kaya ko."

Gusto kong ngumiwi sa sobrang hinahon ng aking tono. Sa isang iglap ay para akong sinapian ng isang anghel.

Nabigla ako nang tumakbo papunta sa akin si Sazzy at yakapin ako ng kanyang munting braso.

"Huwag ka muna pong umalis, ate."

Nilukob ng init ang dibdib ko sa sandaling 'yon. Tipid akong napangiti saka marahan na hinaplos ang kanyang buhok. I let out a deep sigh and bent down to face her.

"Just for today, okay? I really need to go home after this day," malambing na pagkausap ko.

Agad na sumigla ang kanyang mukha. She clung into my neck and gave me a kiss on my cheek.

Natigilan naman ako kasabay nang pag-iinit ng sulok ng aking mata. Naalala ko bigla si Quenevere dahil sa ginawa ni Sazzy, pareho silang maglambing ng kapatid ko.

"Baka masaktan si ate mo, anak," pagpapa-alala ng ina ni Jairon.

Humiwalay sa akin ang bata at inosenteng tumingin sa bandang tiyan ko. "Does it still hurt?" she asked.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now