CHAPTER 8

22.1K 792 21
                                    

Nagising ako sa pag-iingay ng telepono ko. Tamad akong umungot at kinapa ang kama kung saang banda 'to tumutunog.

"Hello?" I answered with my bedroom voice without glancing on the screen.

"You slept?" Mom spoke on the line.

Doon ko palang marahan na iminulat ang mga mata ko. "Yeah," tipid kong sagot.

Obviously.

"Himala," aniya.

I rolled my eyes and forced myself to get up, then leaned on my headboard. Napansin kong nakabenda na ang aking paa, nasisigurado kong nakapunta na rito si Dra. Cuasay dahil propesyonal ang pagkakabenda niyon.

"What now, Mom?" I asked, a little bit irritated.

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya sa kabilang linya na tila nag-iipon ng lakas loob bago sabihin sa akin ang kanyang pakay.

"Spill it," ani ko at hinilot ang aking sintido.

"Jervien's birthday is coming..." She started. "And we'll be celebrating his birthday here at our house. Ahmm... Can you come?" she added.

I breathe deeply. Hinayaan kong marinig ni Mommy ang pagbuntonghininga ko para ipaalam ang aking desisyon.

"Alam mo ang sagot d'yan, Mom," I answered.

"It's been five years since you live separately from us, anak. Hindi ka man lang dumadalaw rito sa bahay. If it is because of Queneve—Mom, stop," agad kong pigil sa kung ano pa man na sasabihin niya.

Natahimik siya sa kabilang linya. "Jervien expecting you on his day. Please, kahit ngayon lang ulit. Dumalaw ka naman dito sa bahay, anak," mahinahong pakiusap ni Mommy kapagkuwan.

I shut my eyes and combed my hair using my fingers. "Fine. I'll think of it, but I can't promise," I surrendered and ended the call.

Napahilot akong muli sa 'king sintido at binitawan ang cellphone sa gilid. "Kung bakit ba kasi sa bahay pa nila piniling mag-celebrate," bulong ko na puno ng frustrasyon.

Nasa gano'n akong sitwasyon nang bumukas ang pinto kasabay nang pag-alingasaw ng amoy ng isang putahe.

"You're awake. Sakto kumain ka na," Dela Merced suggested while walking towards me.

May dala siyang tray kung saan naroon ang pagkain 'tsaka ipinatong sa tabi ng higaan ko. Hindi ko naman alam kung paano siya pakikitunguhan pagkatapos kong maalala ang nangyari kanina. Pakiramdam ko ay nahubad bigla ang buo kong pagkatao sa ilang saglit.

"Something's wrong? Ayaw mo ba sa pagkain?" usisa niya nang hindi ako kumikibo.

Mabilis akong umiling at tipid na ngumiti. "Wala, salamat," ani ko saka kinuha ang tray para ipatong sa 'king hita.

Hindi uso ang bed table sa 'kin dahil madalang naman ako magkasakit. He helped me with my food. Nang masigurado na maayos ang lahat ay saka siya dumistansya para panuorin akong kumain.

I cleared my throat and started scooping some foods. "Did you cook this?" tanong ko at isinubo ang adobo kong sinandok.

"Yeah," tipid na sagot niya.

I nodded and make a 'hmmm' sound when the taste spread in my mouth.

"Ikaw kumain ka na?" I asked after swallowing the food.

Tipid siyang tumango habang nanatili ang tingin sa 'kin. Unti-unti naman akong nakaramdam ng ilang kaya iniiwas ko ang tingin ko at itinuon ang atensyon sa pagkain.

"Your doctor friend came here earlier. Nag-iwan siya ng reseta ng mga gamot at bilin," imporma niya.

"Yeah, napansin ko nga," nakangiwi kong sambit at sinulyapan ang paa ko na nakarolyo sa benda.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now