CHAPTER 14

19.6K 651 14
                                    

Agad kong binuhay ang kotse nang pumasok ako rito. Pumikit ako nang mariin at nagpakawala nang malalim na hininga saka ko ito mabilis na pinatakbo.

Ilang saglit pa ay unti-unti ko ring binagalan ang pagmamaneho nang nadaanan ko ang isang pamilyar na lugar. I brought my car to the side lane and turned off my engine.

Tulala kong iginala ang aking mata sa kabuuan ng parke ng sabdibisyon kung saan nakatirik ang bahay namin. Mapait akong ngumiti at bumaba ng sasakyan.

The cold breeze automatically hugged my body, but I chose to ignored it and continued walking into the children's swing. Mabagal akong naupo at muling pinasadahan ng tingin ang lugar.

"What's up, sis?" I murmured weakly then slowly moved the swing with my body.

Tahimik kong ginawa iyon sa lumipas na mga minuto hanggang sa naramdaman ko ang paglapit ng pamilyar na presensya sa 'kin. Walang ingay siyang umupo sa katabi kong swing saka ko naramdaman ang paninitig niya sa 'kin. Hindi ko siya nilingon, imbes ay tumingala ako sa kalangitan na puno ng bituin ng oras na 'to.

"It was already five years ago..." Bulong ko sa kawalan.
"Limang taon buhat nang namatay si Quenevere dahil sa kapabayaan ko," paos kong dugtong at mapait na napangiti.

"Why are you blaming yourself?" he asked.

Pagak akong tumawa saka siya nilingon. "Dahil kasalanan ko naman talaga," tugon ko.

He stared at me then let out a deep sigh. "Your parents told me what happened. She's been kidnapped, Quennie. Wala kang kasalanan sa nangyari," mahinahon na saad niya.

Marahan akong umiling at tumingin sa paligid. "Hindi siya makukuha ng kung sinuman kung hindi ko inalis ang mata ko sa kanya nang sandaling 'yon. Hindi siya mapapasakamay ng sindikato kung naging responsable akong kapatid," kagat-labing wika ko.

"Bantayan mo man siya o hindi, kung talagang target siya ng sindikato ay gagawa at gagawa pa rin sila ng paraan para makuha siya," pagpapalubag-loob niya sa 'kin.

Hindi naman ako sumagot at hinayaan nalang ang utak ko na maglakbay sa kawalan.

"Ate," my eight y/old sister, Quenevere, called my attention.

"Yes?" malambing kong tugon sa kanya at bahagyang yumuko para magpantay ang paningin namin.

We are now here at the children's park. I brought Quenevere here because she wanted to play with the other kids.

"Can you buy me an icecream, please?" pumipikit-pikit niyang ani habang magkadaop ang kanyang palad.

I let out a chuckle seeing how cute she was. Ginulo ko ang kanyang buhok at tumingin sa palagid, naghahanap ng tindero ng icecream na pwedeng bil'han.

"Okay. Just stay here until I get back, understand?" pagbibilin ko nang buhatin ko siya at paupuin sa isang swing.

Mabilis pa sa alas k'watro siyang tumango habang may abot taingang ngiti. I pinched her nose and disheveled her hair again.

"Wait for me," I said before turning my back against her.

"Manong, dalawa nga pong cookies and cream," nakangiting sambit ko sa magtitinda at sinilip ang kapatid ko sa kanyang p'westo.

She waved her little hands at me and gave me a flying kiss. Hindi ko naiwasang tumawa nang mahina at napailing sa kakulitan niya.

"Heto, hija," pag-agaw ni Manong sa atensyon ko habang inaabot ang dalawang naka-apang icecream.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon