EPILOGUE

33K 1.2K 389
                                    

Minahal ko ang isang babae na hindi ko aakalaing mamahalin ko. It all started when she seduced me by her game. Para akong isang nilalang na nagayuma sa kanyang mga haplos at paninitig.

Pilit kong nilabahan ang atraksyon na nararamdaman ko dahil alam kong laro lang para sa kanya ang lahat, bukod doon ay may babae na akong balak ligawan. Ngunit siguro nga ay talagang mapaglaro ang tadhana, bumigay ako sa kanya nang nakulong kami sa isang elevator. Sa isang madilim at makitid na lugar ay nakuha ko ang pagkababae niya na lubos kong ikinagulat.

Is she still playing with me?

Alam ko kung gaano kahalaga para sa mga babae ang kanilang puri kaya sobra ang pagkalito ko no'ng panahon na 'yon. Imposible na ibigay niya ang kanyang sarili sa akin para lang sa larong gusto niya. Is she attracted to me somehow?

Hindi ko alam kung bakit natuwa ako sa isiping 'yon na dapat ay iniignora ko dahil inilaan ko na ang aking sarili sa isang babae.
- - -

I am seriously driving my car with Ashley on the passenger seat. Gusto kong sapakin ang sarili ko sapagkat sa halip na pagtuunan ng atensyon ang kasama ko ay lumilipad ang isip ko sa babaeng iniwan ko sa condo unit niya.

What the hell is happening to me? I already commited myself to the girl I am with, why the fvck I felt detached?

Hindi pa man kami gaanong nakakalayo ay nakita ko ang pag-ilaw ang telepono ko sa ibabaw ng dashboard. Busy si Ashley sa pagtingin sa kanyang compact mirror kaya naman hindi niya ito napansin. I lowered my speed then checked my phone. Ganoon nalang ang pag-igting ng aking panga nang nabasa ang mensahe mula kay Quennie.

I'm horny...

Mahigpit kong nahawakan ang manubela at saka iyon iminaneho papunta sa gilid ng kalsada.

"What happened? Flat tire?" nagtatakang usisa ni Ashley.

"I have an emergency. Pwede ba na sa sunod na tayo lumabas?"

Her forehead creased. "Was that really important?"

Mabilis pa sa alas-kwatro akong tumango.

Fvck! I really don't get myself.

Malungkot naman siyang ngumiti at tumango. "Okay, I'll take a cab from here," aniya.

"I'm sorry," sinsero kong usal.

Tipid siyang umiling at saka lumabas ng sasakyan. I shut my eyes tight and gave out a deep breath before typing a reply to her.

I'm on my way back there.

I sent then manuevered my car in U-Turn.
- - -

Lumipas pa nga ang mga panahon at hindi ko na napigilan ang aking sarili na mahulog ng husto sa kanya. Unti-unti kong nakita ang mga kahinaan at kalakasan niya, nakilala ko ang totoong siya. Isang napakabuting kaibigan at kapatid.

I should be scared of her, I should be turned off after everything, but my feelings went deeper instead.

Assurance. Iyon lang kailangan ko galing sa kanya kaya naman pinagselos ko siya no'ng nagkataon na may shoot kami ni Ashley para sa kumpanya nila. But, damn, that girl made me taste my own medicine. I am lividly mad and jealous when a man touch her.

"One more tricks, Quennie, and I am telling you. You won't be able to walk for days," I warned sharply.

Akala ko ay titigil na siya pagkatapos n'yon. Napanatag ako nang lumabas na siya ng studio dahil sa wakas ay maaalis na rin ang atensyon sa kanya ng mga lalaking kasama namin sa silid.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now