CHAPTER 20

19.3K 737 202
                                    

The next days were like a roller coaster ride of emotions. Tulad nang plinano ni Aycxe ay agad naming nilusob at winasak ang teritoryo ni Leonardo pagkatapos naming mamahinga. Punung-puno kami ng awa sa kaibigan namin no'ng nalaman niya ang nangyari kay Matthew. Sumilay ang takot sa dibdib ko habang nakikita ang pagdadalamhati niya, aaminin ko na lalo akong natakot sa punto na 'yon para sa amin ni Jairon. Hindi ko man tanggapin ang nararamdaman ko para sa kanya ay alam kong mag-iinakto rin ako na tulad ni Sophia sakaling dumating ang panahon na may mangyaring masama kay Jai.

Hindi ko minamahina ang kakayahan niya na protektahan ang kanyang sarili. Alam ko lang talaga na hindi basta-basta ang mga kalaban namin. Si Matthew nga na bihasa sa pakikipaglaban ay inabot ang ganitong sitwasyon, paano pa ang mga normal na tao katulad ni Jairon. Traydor at brutal kung kumilos ang Ktinódis, isa iyong dahilan kung bakit pinili kong lumayo sa pamilya ko habang isinagawa ang pagpapalawak ng kakayahan ko sa paglaban. Ayaw ko na gamitin sila ng kalaban sa akin bilang pamain o panggipit.

"Tutok na tutok ka r'yan sa tablet mo. May ina-activate ka bang bomba?" usisa ni Shiela.

Narito siya sa aking condominium ngayon. Mayroon kasing misyon na ibinigay sa amin si Aycxe kahapon na kailangan naming isagawa mamayang gabi.

Mabilis kong pinatay ang hawak kong tab at itinabi. "Yeah," pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay tinitingnan ko ang iba't ibang articles tungkol kay Jairon.

Nakakatawang isipin na iniiwasan kong magpanagpo ang presensya namin sa personal ngunit palagi akong nakasubaybay sa mga nangyayari sa kanya. I even attached a hidden camera outside my door to watched his arrival. Ganoon na rin sa parking lot at iba pang bahagi ng gusali na maaari niyang daanan.

Yeah, I really got it bad.

"So, magkita nalang tayo mamaya." Tumayo si Shiela mula sa pagkakaupo sa couch at isinukbit ang kanyang bag.

Kumunot ang aking noo at nagtataka ko s'yang tiningnan. "Ano'ng kinain mo?" hindi ko napigilang itanong.

"What?" kibit balikat niyang usal.

"You normally stay here until noon. Ngayon, wala ka pang isang oras ay gusto mo na agad umalis," saad ko.

Natigilan naman siya at umiwas ng tingin. "I have some errands to do," pabulong na wika n'ya.

"Was that about your freaking boyfriend?" asar na pang-uusisa ko.

"No," mabilis na sagot niya na may kasama pang pag-iling.

Lalo naman akong nagtaka. She groaned and made her way to the door.

"Soon, you'll find out. Byeee!" mabilis s'yang lumabas ng bahay pagkatapos niyon. Leaving me confused as fvck about her sudden change.

"Awit. Nagluto pa naman ako nang marami." Napatampal nalang ako sa aking noo at hinilot ang sintido ko habang iniisip kung paano uubusin lahat ng pagkain na inihanda ko.

Biglang nag-notif ang aking tab kaya naman natuon ang atensyon ko roon.

He's home.

I opened my gadget and watched him standing outside his unit. Kasalukuyan niyang pinipindot ang passcode sa kanyang pintuan at tumigil saglit para lingunin ang unit ko. Ilang segundo siyang tumitig na para bang nakikiramdam kung narito ako sa loob.

I don't know why, but I automatically walked near my door and stamped my feet—hard-enough to make any tiny noise outside.

Nakagat ko ang ibaba kong labi nang bumaling na siya paharap at tuluyang pumasok sa kanyang bahay. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa sapagkat iniisip niya pa rin ako sa kabila nang pag-iwas at pagtanggi ko sa kanyang alok.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora