CHAPTER 15

19.8K 718 24
                                    

"That's the reason why you're chasing them."

Bumalik ako sa reyalidad nang nagsalita si Jairon sa aking tabi. Mapait akong ngumiti at itinigil ang paggalaw ng swing.

"Napag-alaman ko na isang sindikato ang dumukot at nagpahirap kay Quenevere. Mula no'ng araw na 'yon ay nagsimula akong mag-aral ng iba't ibang armas hanggang sa maging eksperto ako sa paggagawa ng mga bomba. Bumukod ako sa pamilya ko dahil alam kong hindi nila ikatutuwa ang aking ginagawa, bukod pa ro'n ay hindi ko kayang tumagal sa lugar na palaging nagpapaalala sa 'kin sa kapatid ko," mahabang saad ko.

Hindi naman siya umimik. Nanatili ang katahimikan sa 'ming dalawa habang pinanunuod ang payapang kalangitan.

"You need to see a psychologist," aniya at maingat na tumingin sa 'kin na animo'y natatakot na ma-offend ako bigla.

Tipid akong ngumiti saka pinagmasdan ang kumikislap na bituin. "I want to stay here... kahit masakit... kahit mahirap. Gusto kong manatili sa bangungot na ito dahil ito ang pinagkukunan ko ng lakas para lumaban," bulong ko sa kawalan. "Hindi patas ang tao. Kailangan kong gamitin ang galit para makasabay sa agos ng hustisya na gusto ko para kay Quenevere."

"Can I help? Marami akong koneksyon sa mga nakakataas na awtoridad," sambit ni Jairon.

Hindi ko maiwasan na mapatawa sa kanyang tinuran. "Tingin mo ba ay gugugulin ko ang aking panahon sa pag-eensayo at pag-aaral ng mga armas kung rehas ang gusto kong iparanas sa kanila?" tanong ko habang malamig na nakatingin sa kanya. "Kahit ang kamatayan ay kulang sa kahayupan na ginawa nila sa kapatid ko," nagngingitngit kong patuloy.

He looked at me softly. "Hindi mo kailangang ilagay sa kamay mo ang kaparusahan sa kanila, Quennie."

Umangat ang kabilang gilid ng aking labi kasabay nang pagkawala ng lahat ng emosyon ko. "Wala rin silang karapatan na ilagay sa kanilang kamay ang buhay ng kapatid ko, Dela Merced," pagbabalik ko.

Nagtitigan kaming dalawa hanggang siya ang unang nagbawi ng tingin. He took a deep breath and stood up from the swing. Naglakad siya patungo sa 'king likuran saka marahan na itinulak ang inuupuan ko. Hindi naman ako nagsalita o gumawa ng anuman na pagtutol dahil kahit papaano ay gusto ko rin na kasama ang presensya niya sa oras na ito.

"The company, you're always rejecting to handle it because of your brother, right?" hindi iyon tunog tanong kung hindi nangungumpirma.

Natigilan ako saglit at mabilis ding nakabawi. "Yeah," simple kong tugon at dinama ang pagsalubong sa hangin.

I closed my eyes to enjoy the cold breeze more. "I knew, he wanted to manage it so bad. Si Daddy lang talaga itong mapilit na palagi akong itinutulak sa kumpanya gay'ong may sarili naman akong negosyo na akin," singhal ko.

I heard him chuckled at my back, causing me to bit my lower lip.

Damn. I miss those.

Itinigil niya bigla ang swing at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

He hugged me from behind.

"You did well, bae. You did well," he murmured softly.

I bit my lower lip as my eyes watered because of the sudden emotion that I am feeling. "Did I?" basag kong tanong.

He nodded his head on my shoulder. "Always remember that you are doing well, Quennie."



LATER that day, I went to our company because Dad wanted me to manage it for a week. Wala na akong nagawa kun'di ang sundin siya. I felt sorry to my brother, but I think I should boost himself first. Kailangan ay siya mismo ang lumabas sa kanyang lungga para gawain ang lahat ng ito, kailangan niyang lakasan ang kanyang loob para mabago ang sistema na nangyayari.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora