CHAPTER 28

18K 640 34
                                    

"How did this happen?" nanghihina kong tanong sa mga kasama ko.

"Planado na nila ang lahat buhat palang no'ng umalis ang tatay mo papuntang Singapore," panimula ni Aycxe sabay abot sa 'kin ng kanyang cellphone.

Nagngitngit ang ngipin ko nang nakita ang litrato. May nakalagay na malaking K, senyales ng kanilang grupo, sa kalsada kung sa'n sumabog ang sinasakyan ni Daddy. May kasama rin na mensahe ang litrato na s'yang nakapagpamuhi sa 'kin ng todo.

You messed up with my business, now it's time to repay you. -Farro

"Bakit hindi mo ipinaalam sa 'kin ang pagkilos mo mag-isa?" malamig na usisa ni Aycxe.

Kinain ako ng pagsisisi dahil sa paglilihim ko noon. Hindi ako nakasagot sa tanong ni Aycxe bagkus ay nanghihina akong napaupo sa sahig. Mabilis na umalalay sa 'kin sina Noella, Shiela at Sophia—kung nasaan ang asawa niya ay iyon ang hindi ko alam.

Tahimik akong napaluha. "Kasalanan ko... kasalanan ko ang lahat."

"Walang may gumusto nito, Rose. Stop blaming yourself," Sophia said while tapping my shoulder.

Umiling ako. "Kung... kung sinabi ko agad ang naging pagkilos ko noon. Sana... sana naging alisto tayo sa galaw nila. Alam ko... alam kong naging pabaya ako nitong nakaraan. Masyado akong naging kampante, masyado akong natutok sa sarili kong kaligayahan..." Mariin akong lumunok at napaluha. "Pinabayaan ko ang pamilya ko."

I broke down. I cried hard as I could. Sa harapan ng mga kaibigan ko ay hinayaan kong ipakita ang pagkawasak ko.

Niyakap ako ng mga kasama ko bilang pang-alo. Paulit-ulit kong naririnig sa kanila na hindi ko kasalanan ang lahat pero alam ko sa loob ko ang mga naging kakulangan ko.

"Is this the reason why you're dumping him?" walang emosyong tanong ni Aycxe nang nakalma ako saglit.

Natigilan ako at marahan na iniangat ang paningin sa kanya. I smiled bitterly and nodded.

"Nakukonsensya ako sa tuwing nakikita ko s'ya. Naaalala ko kung paano ako nagpakasaya sa piling niya habang nasa bingit ng kamatayan ang ama ko. Naging pabaya ako sa lahat dahil sa nararamdaman kong kasiyahan sa kanya."

I heard her sighed, but she didn't speak anymore. She just stared at me then approached her hand.

"Get up. Your family needs you," Aycxe said.

Muling namuo ang luha sa 'king mga mata. "Hindi ko na alam kung paano sila haharaping lahat."

"Ikaw ba ang nagpasabog?" malamig niyang tanong.

"I am still the reason why my fathe—Shut up," agap ni Aycxe sa ano pa mang sasabihin ko. "I am giving you two weeks to mourn for your father. Pagkatapos n'yon ay magpaplano tayo kung paano natin aatakihin ang kampo ni Farro. Sana naman ay 'wag kang gumaya sa isang ito." Sabay turo kay Sophia na nasa tabi ko.

"Nagpadalos-dalos sa desisyon. Psh!" dugtong niya at umirap.

"Hindi ko 'ata magagawa 'yon. Masyadong magulo ang utak ko. Naghahalo ang galit, lungkot at pagsisisi sa sistema ko. Gustuhin ko mang sumugod agad ay alam ko na ako lang ang matatalo sa huli."

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now