CHAPTER 18

19.8K 701 38
                                    

It's been two days. Dalawang araw ko nang iniiwasan na magpanagpo ang landas naming dalawa ni Jairon. Palagi akong nakikiramdam sa condo unit niya sa tuwing lalabas ako para hindi kami magkita.

"Napa'no ka? You look stressed," puna sa 'kin ni Noella.

Nandito siya sa opisina ko dahil pinagpaplanuhan namin nang maayos ang pag-atake na magaganap sa susunod na mga araw.

I took a deep breath and leaned on my seat. Hinilot ko ang aking sintido at marahan na napailing.

"Works," tipid kong tugon.

Work? Trabaho bang problemahin si Jai?

"You should take a rest. Hindi na maganda itsura mo. Daig mo pa ang hindi nakatulog ng ilang araw," nakangiwing saad niya.

Hindi naman talaga ako nakatulog.

"Yeah, kailangan ko muna nga siguro magpahinga." Pagsang-ayon ko sa kanya.

"Alis na 'ko. Iiwanan ko itong kopya ng blueprint sa 'yo para mapag-aralan mo kung saan mo ipupwesto ang mga bomba," aniya.

Tipid naman akong tumango bilang tugon at hindi na umimik pa. Kinuha ko ang cellphone ko nang nakalabas si Noella at tinawagan ang kapatid kong si Gerald.

"Hello, Ate, napatawag ka?" salubong niyang sambit.

"Come here. Manage this damn company, Gerald," tamad kong wika.

Hindi siya nakaimik saglit. "But Dad want you to be there," pabulong na anas niya.

I rolled my eyes and fixed my things. "Just come here. Hindi niya naman agad malalaman 'tsaka ito na rin ang oras para patunayan mo ang sarili mo. Hindi nila makikita ang kakayahan mo kung hindi ka lalabas sa lungga mo, Gerald," pangangaral ko rito.

"But Daddy—"

"Ibabagsak ko 'tong kumpanya gusto mo? I can do that in a snapped brother so don't test me. Naiirita na akong pumasok lagi nang maaga," singhal ko.

I heard him gave out a deep breath. "Okay, I'm coming," he said.

Napangiwi ako dahil ibang bagay ang pumasok sa 'king isip nang narinig ko 'yon.

Kailangan ko na 'atang palinisan ang utak ko. Masyado nang nilulumot.

"Good," tipid kong usal at pinatay ang linya.

Agad kong tinawagan ang sekretarya pagkatapos at ibinilin sa kanya ang mga dapat gawain bago ako tuluyang umalis sa gusali.

NAKASAKAY na ako sa elevator paitaas sa kinalulugaran ng aking unit nang naramdaman ko ang matinding antok. This past days, I'd been keeping myself awake at night. Thinking of him and everything.

Sumandal ako sa dingding at pumikit saglit. Hanggang sa namalayan ko nalang na bumukas ang elevator sa palapag kung saan ko ito pinindot. Tamad kong binuksan ang talukap ng aking mata at gano'n nalang ang panunuwid ko sa pagkakatayo nang nakita si Jairon sa labas.

He stared at me. Wala akong mabakas na emosyon sa kanyang mata ngunit nasisisigurado kong sinusuri niya ako ngayon.

I cleared my throat and composed myself. Naglakad ako palabas sa elevator at mabagal na lumampas sa kanya. Hindi pa man ako nakakalayo ay bigla akong naliyo kaya naman gaunti na akong bumagsak sa sahig, mabuti na lamang at mabilis akong nasalo ng kung sinuman.

"Jai..." Mahinang untag ko nang magsalubong ang mga mata namin.

"What are you doing to yourself, Quennie?" mahihimigan ang pagtataka, pag-aalala at munting galit sa kanyang tono habang pinagmamasdan ako.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now