CHAPTER 19

19K 699 50
                                    

"Okay na ba ang lahat?" usisa ni Aycxe sa earpiece.

We are now going to start our attack. Nandito kami ngayon sa isang gusali kung saan naroon ang mga kalaban  namin.

There's a pros and cons in this attack. Maganda kasi sama-sama silang lahat, mas madali naming mapapasok kumpara sa teritoryo ng kalaban. Ang mahirap lang, delikado ang buhay ng kapatid ni Sophia.

"Move," walang emosyong utos ni Aycxe saka kami kumilos sa mga nakatoka naming gawain.

Mabilis at maingat akong lumibot sa gusali para ikabit ang mga bomba. Si Noella naman ay nakabantay sa amin at iniimporma kami mula sa earpiece sakaling may nakita siyang kalaban gano'n na rin ang mga lugar na dapat naming puntahan. Shiela and Aycxe in the other hand fight the enemy's underlings as we made our way in. Hindi ko makita si Matthew, malamang ay sinusuri niya kung saan naroon ang kaibigan namin.

Bawat palapag na madadaanan namin ay nilalagyan ko ng bomba. There's no way that I will let this fvcking building standing.

"Yuko." Pag-uutos ko sa nasa unahan kong si Shiela na agad niyang ginawa.

Mabilis kong pinaputok ang aking baril sa likurang direksyon na siyang kumitil sa isang tauhan ng kalaban. Puros naka-silencer ang mga baril namin para hindi matugunan ng kabilang partido ang aming pagdating.

Ilang minuto pa ang lumipas ay inimporma na kami ni Matthew sa kalagayan ni Sophia kaya lalo kaming nagmadali sa pagkilos. Kinakabahan man para sa kalagayan ng kaibigan namin ay pinanatili namin ang atensyon sa laban.

Nagpalitan kami ng putok nang pumasok kami sa silid kung saan naroon silang lahat. Nagsimulang magkagulo—suntok dito, suntok doon, baril dito, baril doon. Iyan ang eksenang bumuo sa silid hanggang sa madatnan nalang namin si Sophia na walang malay. Ang taong kinamunuhian niya ay dilat na nakahiga sa sahig habang dumudugo ang gitnang noo dahil sa bala.

Gusto ko mang matuwa ngunit mas nangibabaw ang pag-aalala sa 'kin, hindi lang ako dahil nasisiguro kong lahat kami ay nag-aalala sa panahon na ito habang nakikita ang nangingitim na mukha ni Sophia.

Damn it! We're losing time!

"She's losing her pulse!" sigaw ni Dra. Cuasay kasabay nang pag-iingay ng makina na tumitingin sa pulso ni Sophia.

"Fvck! Do everything you can," I hissed, full of frustration.

Potaphetti, Sophia, pasasabugin kita kapag hindi ka lumaban.

Nagsimula kaming magkagulo nang ipaalam ni Noella na hindi pa lumalabas si Matthew at Cjay. Sampong segundo nalang ang nalalabi at tuluyan nang guguho ang gusali kaya pare-pareho kaming napamura.

"I saw Cjay coming!" Noella shouted as she stared on her monitor.

Agad namin siyang sinalubong ng mga kasama ko. Tinanong siya ni Aycxe tungkol kay Matthew at napatulala nalang kami nang sabihin ni Cjay ang kalagayan niya.

We are rooted in our place when a loud explosion echoed as the building started to crash.

"Sophia's pulse stop!" Dra. Vheyda shouted.

Napahilamos ako sa 'king mukha dahil hindi ko alam kung ano ang uunahin, malamang ay ganoon din ang nararamdaman ng mga kasama ko.

"Take care of Sophia and Cjay. I'll handle everything here. Go!" utos ni Aycxe na agad naming sinunod.

The two doctors were currently reviving her pulse. Nakagat ko nalang labi ko at tahimik na napadasal sa kalagayan niya.

"Damn, Sophia. Come on! Get your ass back here. Hindi ka tatanggapin sa langit punyeta," Shiela murmured.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now