Kabanata 42

86 9 0
                                    

“Mahal na mahal kita, hanggang sa may makabilang sa mga tala.”

Lumuluhang sambit ni Leonardo.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, at dito ko lang napagtanto na, nasa tagpuan naming kaming dalawa.

“M-mahal din kita Leonardo, pero lahat ay may katapusan, hindi ko man nais na bumalik, ngunit kinakailangan…paalam…” sambit ko at kasunod non ang tunog ng pagputok ng baril.

*Bang*

Habol habol ko ang hininga ko na napabalikwas mula sa pagkakatulog. Masaganang tumutulo ang mga pawis ko sa noo, at ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko, dahilan para mahirapan akong makahinga.

“Pa-panaginp lang yun…hindi yon totoo Nicolai, isang uri ng masamang panaginip na hindi na dapat alalahanin.” Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Nanginginig na tumayo ako sa kama at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Bahagya pa akong lumunok para pakalmahin ang sarili ko.

Kahapon ay ipinagkalat na nila ang balita sa nalalapit nap ag iisang dibdib ni Cassandra at Leonardo.

Naglunsad ng pag pupulong kahapon ang mga magsasaka ng hacienda upang mapag planohan kung paano hindi maituloy ang kasal.

****

Hindi ako lumabas sa kwarto, buong umaga akong nag kulong sa loob ng aking silid. Prenteng naka upo ako sa Humba-humba habang pabalik – balik na binabasa ang imbetasyon nila mamayang gabi. Isa itong imbetasyon para sa mga nalalapit na kamag- anak at mga kalapit na kaibigan ng ikakasal.

Habang nag babasa ako ay may biglang kumatok sa pinto.

“Pasok!” pag papahintulot ko. Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si ama.

Tumayo ako mula sap ag kakaupo, seninyasan niya akong maupo na lang ulit kaya umupo ako ulit.

“Ano ho ang sadya mo ama?” magalang na tanong ko sa kanya.

Naglakad siya papunta sa gawi kung nasaan naka pwesto ang kama ko, umpo siya doon at nakapang dekwatrong panlalaki at itinuon ang tingin sakin.

“Nais lamang kitang makausap.” Sambit niya “Mahigit isang linggo ko ng hindi nasisilayan ang iyong mukha, ako’y nangangamba sa iyong kalagayan. Ang sabi ng mga tagapagsilbi ay mahigit isang linggo ka na rind aw na hindi lumalabas sa iyong silid, anak…kung ika’y naghihinagpis mula sa iyong pagkasawi ay hiling ko lamang sa iyo , na pangalagaan mo ang iyong kalusugan pagka’t andito pa kami, naiintindihan ko na labis kang nasaktan sa nangyari sa inyo ni Leonardo , ngunit kailangan mong tanggapin, na pinagtagpo lang kayo ngunit hindi kayo para sa isa’t isa.” Mahabang sabi niya na may halong pag aalala.

Bumuntong hininga ako, habang pinipigilan nanamang umiyak, sa mga nakaraang araw twing maririnig ko ang pangalan niya, pakiramdam ko pinapatayako ng paulit-ulit. Hindi man personalan pero sa loob looban.

“Naiintindihan ko po ang iyong pag aalala ama, hindi ko lang ho talaga mapigilang hindi masaktan, dahil sa tuwing ma- alala ko ang pangyayaring iyon, ay parang pinapatay ako ng paulit -ulit. Hirap na hirap na akong pigilin ang nararamdaman ko ama…” paliwanag ko at nagsimula ng humikbi. Agad naman siyang tumayo at lumapit sakin. Yinakap niya ako at itinaas baba ang kamay niya sa braso ko.

“Tahan na..andito na si Itay”

“Masyadong masakit, kahit anong gawin ko ay hindi parin nawawala ang nararamdaman ko, pinilit kong kalimutan siya pero mukhang nakaukit na siya sa puso ko.”
Kumawala na ako mula sa pagkakayakap niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinignan ng direkta sa mata.

“Anak… alam kong lubos kang nasaktan, ngunit kailangan mong bumangon muli para sa iyong sarili, dahil kung ipagpapatuloy mo pa ang iyong ginagawa…ikaw lang ang uuwing luhaan.”

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now