Kabanata 50

107 6 0
                                    

“Oh my gosh anak! Thank god! your finally awake!” rinig kong naluluhang sambit ni Mommy.

Takang iminulat ko ang mga mata  ko. Bakit niya sinasabi na sa wakas ay nagising na ako? Bakit? Ano ba ang nangyari sakin?. Inilibot ko ang mga mata ko at dun bumungad sakin ang putting kisame, ang glass window, aircon at nakabukas na TV. Pagbaling ko sa gilid ko ay nakita ko ang tangke ng oxygen at ang monitor.

Takang inilipat ko kay momy ang mga tingin ko na ngayon ay nakahawak sa kabilang kamay ko.

“A-anong nangyari mom? Bakit nasa ospital ako? At..” tinignan ko ang mga kung ano anong nakakabit sa katawan ko. At ang tubo na natangal na mukhang inilagay sa bibig ko. “At ano tong mga nakakabit sakin?” takang tanong ko.

Hinigpitan ni mom ang hawak sa kamay ko at hinimas ang ulo ko na may benda. Hinalikan niya ang kamay ko at ngumiti ng tipid.

“Wala ka bang maalala anak?”

“Wala ho, bakit? Ano ho ba ang nangyari sakin? At ilang araw na baa ko dito?” walang ka alam alam na tanong ko sa kanya.

“Wala ka nga talagang ma alaala.” Malungkot na ani niya.

“Huh? What do you mean by ‘wala akong naalala?’ I mean ano ba talaga? Ang hindi ko maalala. Naaalala naman kita mom ah, pati sila ni Dad at Marielle so… alin don ang hindi ko maalaala?” naguguluhang tanong ko.

“Almost two years ka na dito sa hospital anak.” Kaswal na ani niya.
Agad na nanlaki ang mata ko nalaman ko.

“What!? T-two years!?, two years na akong ganito? But how? I dont remember any incidents wala akong maalala kahit na--- ahhhhhh!” agad akong napahawak sa ulo ko dahil sa biglaang pagsakit nito. Sa sobrang sakit ay parang mabibiak na ang ulo ko.

“Anak! Tell me! Gaano ka sakit?” tarantang tanong ni Mom.

Halos hindi na ako makasagot dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

“Mom! Please im begging you tu-tumawag ka ng doctor mom! Hindi ko kaya ang sakit---ahhhhhhh” pakiusap ko sa kanya.

“Okay wait here tatawag ako ng doctor, just hold on nak. Hindi ko kakayanin na tuluyan ka ng mawala.” Huling sinabi niya at dali daling lumabas ng kwarto.

Humiga naman ako at tudo sapo sa ulo ko dahil parang mabibiak nato ng ano mang oras. Sa hindi malamang dahilan ay biglang dumoble ang kirot ng ulo ko kasabay non ang mga boses na lumalaro sa utak ko.

Mahal kita binibini ko’

Nicolai huwag mo akong iwan!’

‘Gusto pa kitang makasama ng matagal’

‘Hinding hindi kita kakalimutan

“Arghhhhh!! Stop this pain please!” naiiyak na pakiusap ko sa sarili ko.

Siguro… ako’y titigil lang sa pagmamahal sa iyo kung may makakabilang na sa mga tala, ngunit hindi ako papaya na may makakabilang nito…dahil ayokong mawala ang nararamdaman ko sa iyo.’

‘Sana sa susunod nating buhay ay ikaw at ikaw ang unang taong makikilala ko. At kapag dumating ang tamang oras at tamang panahon na iyon… ipinapangako ko sa iyo na hindi na kita papakawalan pa.’

“Just please stop!” sigaw ko at sinabunutan ang sarili ko.

Mababaliw na siguro ako, why am I hearing voices inside my mind? Parang pamilyar sakin ang boses niya pero hindi ko alam kung kilala ko siya.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala ang mga doctor at sunod na pinakalma ako. Pagkatapos non ay nakatulog na ako.

****

“Awww!” napaigik ako sa sakit ng  iminulat ko ang mata ko.

“Anak! Ano may masakit pa ba sayo? tatawag na baa ko ng doctor?” agada gad na bungad sakin ni mom.

“No mom… im just fine. Walang masakit sakin.” Pigil ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ng kama ko at hinimas ang buhok ko.

“Akala ko hindi ka na magigising mula sa pagkaka coma mo anak.” Kwento niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

“What!? Na comatose  ako? How?”

“Hapon non nung  tumawag sakin ang daddy mo. I was on the middle of a meeting then my phone suddenly rang. Nung una ay hinayaan ko lang kasi akala ko alarm lang. Then nagpaulit ulit ang ring non na para bang emergency. Kaya nag excuse muna ako na sasagotin ko lang ang tawag ko , baka kasi emergency. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. And then I was shocked na tumawag ang daddy mo. Hindi siya kasi tatawag ng ilang beses kung hindi emergency, kaya kinabahan na ako that time. Sinagot ko ang tawag at ang dad mo ang sumagot. Napaluha na lang ako ng sabihin niya na something really bad happened to you. Nabitawan ko nga ang cellphone ko non sa sobrang pagkabigla.”

“Ano daw yung nangyari sakin?”

“Isinugod ka sa ospital. Nag drive ako non papuntang ospital ng walang preno preno. Dahil sa sobrang pag aalala ko sayo. Kaming mga ina hindi kami mapakali kung may hindi magandang nangyayari sa anak namin. Syempre nagpakahirap kami na iluwal kayo sa mundo tapos mawawala lang kayo samin. Pag dating ko sa ospital ay agad akong niyakap ng dad mo. Dun niya sinabi sakin ang lahat. Sinabi niya sakin na may nakakita daw sayo sa dulo ng bangin sa likod ng hacienda ng lola at lolo mo sa San Agustin. Umiiyak ka daw non at parang wala sa sarili. Dahil kinakausap mod aw sarili mo. Then hindi daw in expect ng mga nakakita na mahuhulog ka. Kaya na agad na nag kagulo. Nakita ang katawan mon a naka yakap sa bato. At napurohan yung ulo mo. Nag karoon ka ng major head injury kaya ka na coma. Ang sabi ng mga doctor ay wala daw kasiguraduhan kung kalian ka gigising kaya nag antay kami.”

“Hanggang two years?”

“Yes! Nung mga nakaraang buwan ay  nangangamba na kami sa kondisyon mo, dahil mag two two years na hindi ka parin nag kakamalay. Then kanina ay napag usapan na naming ng mga doctor na kunin na ang machine na nag dudugtong sa buhay mo. Nung mag decide kami non ay agad akong lumuhod sa harap ng diyos at humingi ng tawad at nag dasal na huwag ka munang kunin sa amin. Dahil napakabata mo pa Nicolai. Ang dami mo pang pangarap na hindi na tutupad. Ang dami mo pang gusto na hindi pa na tutupad” naluluhang ani ni mom napatitignaman ako sa kanya.

Kahit di man niya sabihin na mahal niya ako ay nadadama ko naman na mahal niya talaga ako.

“At salamat sa diyos at dininig niya ang dasal ko. Isang himala ang nangyari ngayong araw.” Masayang ani niya at masuyong niyakap ako.

“Nga pala mom, I have to tell you something.” Putol ko sa eksena.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako.

“What is it?” tanong niya.

“Bago pa man ako tuluyang magising ay may napanaginipan ako. I don’t know kung anong klaseng panaginip yon. Kung aalalahanin ko ay blur siya at hind na malinaw kung ano. Wala talaga akong maalala sa panaginip na yon. Ang strange lang ng panaginip nay un para sakin. Kasi parang may naiwan ako sa panaginip nay un. Parang kalahati ng pagkatao ko ay naiwan don na hindi ko ma explain kung ano. Kasi sat wing  pinipilit ko na alalahinin ay sumasakit lang ang ulo ko at nasasaktan ako.” Kwento ko sa kanya at bahagyang itinuro ang parte kung nasaan ang puso ko.

“Maliban sa panaginip nay un ano pa?” interisadong tanong ni mom.

“Well… kanina nung sumakit ng todo yung ulo ko. I heard some unown voices that keeps playing on may mind. Parang pamilyar siya sa pakiramdam. At sat wing umuulit ulit yun sa isip ko ay parang namimiss ko yung taong yun na may halong lungkot. Hindi ko lang talaga maalala kung sino yun. Then he call me as his BINIBINI?” kwento ko.

“Could it be Clark?”

“Impossible mom… ang layo layo ng boses niya kay Clark. At isa pa kung naririnig ko man ang boses ni Clark ay naiirita lang ako. Pero pagdating sa boses nay un at sumasaya ako at parang mas komportable ako sa may ari ng boses nay un. Pero may halong lungkot na namamayani sa puso ko.”

“You must be inlove. Kung sino man siya sana magkatuluyan kayong dalawa.”  Malungkot na ani ni mom.

“Sana nga” tugon ko.

Sana nga makita pa kita. Kung sino ka man… mahahanap at mahahanap kita dahil itinitibok ka ng puso ko. At hindi ka na papakawalan pa nito

A Chance To Love Again    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon