Kabanata 38

95 8 16
                                    

Pag bukas ko ng pinto ay agad bumungad sa aking harapan ang isang lalaking nakangiti habang kagat kagat ang tatlong pulang rosas.

“Magandang hapon aking Ginoo.” Bati ko sa kanya ng nakangiti.
Inilahad niya ang rosas gamit ang kaliwang kamay niya , at tinanggal ang kanyang sombrero at yumuko sa harap ko.

“Magandang hapon aking Binibini.” Pabalik na bati niya at napangiti naman ako. Tumuwid siya ng tayo at inilahad ang kabilang braso niya sa akin.

Napatingin naman ako sa likuran ko at kitang kita ko ang malawak na ngiti nina Josefa at Gloria.

Seninyasan ako ni Gloria na ayos lang na sumama ako. Kaya tumingin ako kay Leonardo at tinanggap ang alok niya.

Naglakad kami patungo sa may balkonahe ng barko. Paakyat ito sa mini tower nila, na kung saan kitang kita mo mula sa itaas ang mga nag gagandahang isla , at ang lawak ng karagatan.

Paakyat na kami ng hagdan, pinauna akong umakyat ni Leonardo para alalayan ako. Pagkarating ko sa itaas ay hindi ko maiwasang hindi mamangha.

(Play: Ikaw at ako by Moira_and_Jason)

“Maganda hindi ba?.” Agad na sabi ni Leonardo .

Napatango ako at humawak sa railings, dito umaakyat ang taga pamahala ng barko para malaman kung saang direksyon na ito patungo. Papalibot ito para makita kung saan ka nanggaling na isla.

Mula dito sa kinatatayuan namin ay kitang kita ko ang papalubog na araw.

“Sobra ka naman atang na bighani sa ganda ng karagatan, hindi mo n a ako tinitignan.” Animo’y nag tatampong ani ni Leonardo , at yumakap sa likod ko. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko, habang ang dalawang kamay niya ay naka puloput sa bewang ko.

Natawa ako dahil sa nagging asta niya. At dahil don ay mas lalo pang napabusangot ang mukha niya.

“Pinagtatawanan mo pa ako, magtatampo ako sa iyo.” Nakangusong sabi niya at maslalong hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Humarap ako sa kanya, habang yakap yakap niya parin ako , nakanguso parin siya na parang bata. Hiniwakan ko ang mukha niya at nag salita.

“Mukha kang bata… hindi ka naman ganyan ahh, dati ang sungit sungit mo, ngayon napaka-isip bata mo, hahaha.”  Sabi ko sa kanya at bahagyang kinurot kurot pa ang mga pisngi niya.

“Handa po akong maging isip bata para po sa iyo Binibini ko.” Malambing na sabi niya at hinawakan ang ilong ko at piningot ito.

“Bakit dati ang sungit sungit mo ha!?.” natatawang tanong ko sa kanya.

“Kasi po ang sungit mo din sakin.” Sagot niya na ikinatawa ko.

“Anong minahal mo sa akin?.” Nakangiting tanong ko at tinampal tampal pa ang mukha niya ng marahan.

“Lahat… lahat minahal ko sayo , ang pagiging masungit at ang pagiging mapanakit mo , lahat ng pagkatao mo minahal ko, kahit maraming hindi ka ibig-ibig sa mga kilos at pananalita mo ay tanggap ko.” Nakangiting sagot niya.

Nagdikit ang noo naming dalawa habang ang dalawang kamay ko ay nasa batok niya at ang dalawang kamay niya ay nasa bewang ko.

Ipinikit niya ang dalawang mata niya habang dinadama ang sitwasyon na to.

“Ikaw… ano ang minahal mo sakin?.” Nakangiting tanong niya habang nakapikit parin ang mga mata niya.

“Wala” agarang sagot ko.

Automatikong napamulat siya ng mata niya at bahagyang kumalas sa pagkakayakap sakin.

“Anong wala!?.” Salubong ang kilay na tanong niya.

A Chance To Love Again    Onde as histórias ganham vida. Descobre agora