Kabanata 26

111 6 0
                                    

A Chance To Love Again
Written by Nicollyte.

Kinagabihan, tahimik lang kaming naghahaponan ,tanging tunog lamang ng mga kubyertos ang maririnig sa hapag kainan .Kahit na isa ay walang may nag lakas loob na mag salita.

Simula ng umuwi kami galing sa sementeryo ay halos wala na kaming kibuan.Yinakap lang ako ni Josefa para gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi sumabay sa paghahapunan si Gloria , sabi ng mga tagapagsilbi na kaninang umuwi daw si Gloria ay sobrang dumi raw ng kanyang kasuotan.Hindi din daw sila pinansin ni Gloria , sa halip ay dumiretso agad ito sa kanyang kwarto at padabog na isinara ang pintuan nito , hanggang ngayon daw ay hindi ito lumalabas.

Sabi naman ni Ina na hayaan lang daw muna , ng sa ganon ay makapag isip isip daw ito.

******

Matapos naming maghaponan ay agad na akong umakyat sa kwarto ko at naligo.Maya maya pa ay tinawag ako ng kasambahay na pinapatawag daw ako ni Ama sa kanyang opisina.Binilisan ko naman ang pagligo at tsaka pumunta sa opisina nya.

Pag dating ko sa tapat ng pintuan nya ay agad akong kumatok.

“Pasok” ani ni ama.

Pagpasok ko ay nadatnan ko syang may sinusulat sa papel gamit ang pluma.

Pinapatawag nyo ho daw ako ama?” magalang na tanong ko.

Huminto naman sya sa pagsusulat at tumingin sa akin.

Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa….nais mo pa rin bang maituloy ang kasundoang ipakasal ka kay Ginoong Leonardo Agustin?” seryosong saad nya.

Bahagya naman akong nagulat dahil sa tanong nya.

“Ba-bakit ho ama?” takang tanong ko sa kanya.

Nanatili lang akong nakatayo habang kaharap sya ,bumuntong hininga muna sya bago mag salita na animo’y nahihirapan sa pag didisisyon.

“May….. ibang dalaga na nais na ipakasal ni Leonel kay Leonardo” malumanay na ani nya.

Para naman akong inatake sa puso ng marinig ang sinabi ni Ama.

“Sino ho ito ama?” agarang tanong ko.

Si Binibining Cassandra” saad nya.

Para namang huminto ang oras dahil sa salitang binitawan ni ama.Ilang beses pa itong nagpabalik balik sa aking isipan parang isang document na ayaw promoseso sa aking isipan.

*Si Binibining Cassandra*

*Si Binibining Cassandra*

*Si Binibining  Cassandra*

“Pa- pa ano pong?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Yun ang hindi ko alam , basta basta na lamang syang nag padala ng liham tungol sa pagpuputol sa kasunduang pag papakasal sa iyo kay Ginoong Leonardo.Hindi ko mawari kung ano ang kanyang dahilan upang gawin ito , ngunit isa itong malakaing sampal sa ating pamilya.”

Para naman akong nanlumo dahil sa sinabi nya.

Ano ang dahilan nila para putulin ang pagpapakasal ko kay Leonardo?’

Nag paalam na ako kay ama na matutulog na , pumayag naman sya at sabi nya na matutulog na din daw sya.

****

Alas tres na ng madaling araw pero gising pa din ako, kasalukuyan akong nakadungaw ngayon sa bintana habang pinag mamasdan ang liwanag ng buwan, na nag mistulang salamin sa tubig ng ilog  na makikita lang mula dito.Nag timpla ako ng tabliya para may mainom man lang ako ,mayamaya pa ay biglang umihip ang malamig na hangin, kaya medyo gininaw ako , tumalikod muna ako sa bintana para kumuha ng kumot , pero ganon na lang ang gulat ko ng makita ang isang babae na nakatayo sa may bintana.

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now