Kabanata 24

121 8 0
                                    

(Play Kabilang Buhay by bandang lapis while Reading this part.)

Narinig ko ang isang putok ng baril.Napapikit na lang ako at hinihintay na tumata ang bala ng baril sa katawan ko.

Pero sa hindi inaasahan ay may ibang sumalo.

Nicolasa!!!!”

Naramdaman ko na may isang tao na biglang yumakap sa akin para sa luhin ang bala na dapat sa akin.

Dahan dahan kong inimulat ang mata ko, para akong napako sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ang sumalo ng bala para sa akin , dahan -dahang lumuwag ang pag kakayap niya sa akin , at dahan- dahang dumausdos pa upo sa lupa.

Pag tingin ko sa likuran ,ay may nakita akong isang lalaki na may hawak ng baril ,at matalim akong tiningnan ,at tsaka ito tumakbo papalayo.

Leo!!!!!!” sigaw ni Gloria at dali daling tumakbo papunta sa gawi ko.

Napaupo ako at kinandong si Leo na ngayon ay umuubo na ng dugo.

Le-leo…Leo huwag kang pipikit pakiusap!” nagmamakaawang sigaw ko sa kanya.

“Leo mahal….huwag mo akong iiwan!” nagmamakaawang ani ni Gloria habang hawak hawak ang kaliwang kamay ni Leo.

Dahan dahang inilapit ni Leo ang kamay ni Gloria sa kanya at tsaka ito hinalikan.

Hindi ko na talaga mapigilan ang hindi mapahagolgol , parang nung kalian lang nang magkakilala kami. Naalala ko pa nung unang beses na inaya nya akong mamasyal , at ipinigtapat na liligawan nya pa ako.Ang pag aagawan nilang tatlo kung sino ang maghahatid sa akin pauwi.

Bigla akong napatingin kay Leo ng magsalita sya.

Binibining Nicolas…” tawag nya sa akin habang hinahabol ang hininga.
Napailing iling ako habang kandong kandong ko parin siya.

Huwag kang magsalita pakiusap” naluluhang pakiusap ko sa kanya.

Tumawag kayo ng kalesa! Bilis!!!!! Kung hindi ako ang papatay sa inyo.” Galit na utos ni Don Leonel sa mga tauhan nya.

Binibining Nicola…masaya ako at nakilala kita” napaubo pa si Leo habang sinasabi nya ito.

Umiling iling akong tumingin sa kanya habang umiiyak .

Kuya….lumaban ka!” agad na ani ni Leonardo nakita ko namang inilalayan ni Leon si Donya Pabliya na ngayon ay nahimatay.

Nakita kong umiiyak na rin si Leonardo.Hindi sya pinansin ni Leo.

Binibining Nicola….masaya ako at nakilala kita kahit sa maikling panahon man lang , bi-binigyan ako ng pag kakataon ng di-diyos na ma-makilala ang isang kakaibang bi-binibining katulad mo.” Habol hiningan ani nya at tsaka ulit nag salita. “Kung mamatay man ako ngayon… ay mayroon akong ibig na hilingin sa iyo.” Ani ni Leo habang umubo ubo pa.

Tumango at tsaka nag salita “Kahit ano…. sisikapin kong tuparin…basta…basta lumaban ka , pakiusap”.

Tumingin siya sa akin at tsaka ngumiti , hinaplos nya pa ang aking mukha.

Ipangako mo sa akin na kahit kalian ay , hindi kana muling luluha…at sana ibigin mo ng lubos si Leonardo para sa akin.”huling sinabi nya at tsaka pumikit at dahan dahang bumagsak ang kamay nya.Nakita ko pang may tumulong luha sa mga mata ni Leo.

“Leo!! Woii! Ano ba! Gumising ka! Hindi ka nakakatuwa!” sigaw ko sa kanya habang yinuyog yug pa sya.
Agad syang yinakap ni Gloria habang nakikiusap na gumising ito.

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now