Kabanata 48

86 8 0
                                    

“Ako!” sagot ng kung sino mula sa madilim na parte ng pintuan.

Parang pamilyar ang boses niya, ang boses na mahinhin ay naging maldita ang dating. At nung tumapak na siya sa liwanag ay halos huminto ang paligid ko ng ms kumpirma ko kung sino ito.

“B-bakit? I-ikaw!?” hindi makapaniwalang sambit ko.

“Ako nga… ate Nicola” halata ang sarkasimo sat ono ng boses niya.

“Josefa!? Anong ibig sabihin nito?” kinakabahang tanong ko sa kanya sabi ko sa kanya.

Pero sa halip na sagutin ako ay tinawanan niya lang ako at tumingin sa mga lalaking nag buhos sakin ng tubig. Humalakhak siya na para bang nagtagumpay siya sa madilim niyang balak.

“Hindi ka naman siguro ganoon ka tanga…upang hindi maunawaan ang nangyayari sa paligid mo Nicola.” Maliditang tugon niya.

Halos mapanganga ako sa mga ikinikilos niya, hindi ako makapaniwala na ang mahinhin at mabait na Josefa ay parang demonyita kung umasta ngayon sa harap ko. Nawala ang ka inosentehan nito sa mukha. Kung gaano ka bait ang mukha nito ay sya namang ikina demonyita ng panloob nito. Parang bulkan, nasa loob ang kulo.

“Bakit mo to ginagawa?” takang tanong ko sa kanya.

Napatigil sila sa kakatawa at itinuon niya ang paningin niya sa akin. Bahagya siyang yumuko upang mag pantay ang aming mga mukha, pagyuko niya ay agad niya akong hinawakan ng madiin sa panga tsaka tumalim ang mga tingin niya.

Agad akong napahiyaw sa sakit, dahil sa klase ng pagkakadiin niya.

“Aray! Masakit!” hiyaw ko.

“KU.LANG. pa ang sakit na nararamdaman mo! kesa sa dinanas ko.” Madiing sambit niya at iniisa isa ang mga salita. Kung gaano ka diin ang mga salitang binitawan niya ay sya ring diin niya sa panga ko.

Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang galit niya sa kataohan ni Nicolasa, kung ano man yun ay malalalaman ko rin iyon.

Pilit kung iwinawaksi ang mukha ko para mapabitaw siya sa pagkakahawak sa panga ko.

“Ano ba ang problema mo!?” hindi ko mapigilang magtaas ng boses sa kanya.

“Ikaw! Ikaw ang aking problema!, sa simula’t sapul ikaw lang!” sigaw niya na nakapagpatahimik samin. Halos umugong ang boses niya sa loob ng kweba nakinaroroonan namin.

Ilang sandal pa’y biglang may sumulpot sa eksena.

“Masyadong malakas ang boses ninyo, maririnig tayo sa labas pag nagkataon.” Iritadong singit ni Gloria.

Tumingin ako sa kay Gloria ng may matatalim na tingin. Pero sumenyas siya na manahimik ako, at nandyaan na ang mga tauhan ng hacienda upang iligtas ako.
Kaya sa halip na sisihin siya ay itinuon ko sa taong nasa harapan ko ang atensyon ko.

Kung dati ay anghel na anghel ang mukha ni Josefa sa paningin ko, ngayon ay para ng halimaw na nakakubli sa maskarang anghel na iyon.

Bumuntong hininga ako saka tumingin sa mga mata niya.

“Josefa… kung may problema ka sa akin , maari mo namang sabihin. Hindi yung idadaan mo sa ganito.” Mahinahong ani ko sa kanya.

Ngumisi siya at iminuwestra ang abaniko niya ta ipinaypay iyon sa sarili niya, at umiling -iling sa kawalan. Tumigil siya sa pagiling -iling at biglang tumingin sakin at ngumiti, na halatang peke.

“Hindi moa ko mauuto, kay tagal ng panahon na hinintay ko ang pagkakataong ito, ang pagkakataong mabura ka sa buhay namin!. Galit ako sayo Nicola simula nung mga paslit pa lamang tayo.” May hinanakit ang boses nya.

A Chance To Love Again    Место, где живут истории. Откройте их для себя