Kabanata 36

83 8 0
                                    

"Pagmasdan mo ang mga tala sa itaas." Nakangiting sabi sakin ni Leonardo , habang andito parin kami sa ilalim ng puno.

"Bakit? Ano nanaman ang naisip mo." Natatawang tanong ko sa kanya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya habang nakatingala sa kalangitan.

"Wala. Naisip ko lang , nabibilang ba ang mga tala sa langit?." Parang batang tanong niya , habang nakatingala parin sa mga bituin na nag niningning.

"Hindi , kalian may hindi pa na bilang ng kahit na sino ang mga bituin." Nakangiti ring sagot ko habang tumingala na din sa langit.

"Kaya pala..." pabitin na sabi niya.
Ramdam ko ang mga titig niya , habang ako ay nakatingala parin sa langit.

"Kaya pala ano?." agarang tanong ko sa kanya. Tsaka tumingin at nag tama ang paningin naming dalawa.

"Kaya pala hindi ko mabilang ang pag mamahal ko sa iyo." Agad na seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi agada ko nakasagot sa sinabi niya dahil sa labis na kasiyahan. Ibinalik ko ulit ang paningin ko sa langit at tumingala roon.

"Ang pagmamahal ko sa iyo ay parang bituin." Naiusal niya kaya wala sa sariling napatingin agad a ko sa kanya.

"Ha? bakit naman?" parang tangang tanong ko sa kanya.

"Parang mga bituin sa walang kataposan nap ag ningning" senserong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Siguro ... ako'y titigil lang sa pagmamahal sa iyo kung may makakabilang na sa mga tala , ngunit hindi ako papayag na may makakabilang nito... dahil ayoko'ng mawala ang nararamdaman ko para sa iyo." Sensirong sabi niya saka itinuon uli ang paningin sa langit.

Matagal bago kami muling magkaibuan. Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya.

"Sa tingin mo... maari bang mapunta ang isang tao sa nakaraan?" agarang tanong niya .

Isang klase ng tanong na nakapagpahinto ng mundo ko.

'May alam ka ba Leonardo?'

Pinakalma ko ang sarili ko bago sumagot , mahirap na ipinagmamayabang pa naman ng isang to na abogado siya.

"D-depende hehehe." Kinakabahang sagot ko. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa tanong niya nay un. "Pero kung possible na mayroon, at ang mas lala pa'y nakakasama mo siya kaya mob a siyang mahalin kahit nagmula siya sa kasalukuyan?." Umaasang tanong ko sa kanya.

Napasandal pa siya bahagya sa puno at napa hawak sa ibaba ng baba niya , na animo'y nag iisip.

"Kung kilala ko man siya at nakakasama... ayos lang sa akin , walang problema ikinagagalak ko nga at nakilala ko ang taong iyon. At kung sakasakaling nag mula siya sa ibang panahon ... ay masaya ako at sa tingin ko ay mas mamahalin ko siya ng lubos kahit isinilang kami sa magkaibang panahon ay siya at siya lang ang babalik balikan ng puso ko, siya at siya lang ang ititibok nito." Itinuro niya pa kung nasaan banda ang puso niya.

Para naman akong hinaplos sa puso dahil sa sinabi niya.

"P-paano kung iiwan ka niya at babalik na siya sa panahong pinangalingan niya ano ang gagawin mo?." Tanong ko sa kanya.

"Kung babalik man siya sa panahon niya... handa akong hintayin siya hanggang sa muli kaming magkita. Kung hindi man kami magpangabot sa panahon niya... siguro kahit sa susunod kong buhay ay gusto ko ako at ako ang unang makakakilala sa kanya." Mahabang sagot niya at umayos ng upo.

Agad namang pumasok saisip ko ang mga katagang binitawan niya.

'Willing ka bang maghintay ng ilang taon para lang magkita tayo ulit Leonardo?'

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa pagitan naming.

"Mahal mo ba ako?." Wala sa sariling naitanong ko.

Agad naman siyang napatingin sakin , tumingin na rin ako sa kanya.

"Mahal kita ng higit sa inaakala mo , at sa tingin ko ay hindi ko ng makaya'ng mabuhay sa mundo kung wala ang isang tulad mo."

"Bolero!" hinampas ko pa siya sa braso.

"Ano nga pala ang pangarap mo?." Tanong ko uli kay Leonardo.

"Bukod sa pagiging abogado ay ang maging katuwang ka habang buhay." Nakangiting sagot niya.

"Umayos ka!." Nangingiting suway ko sa kanya.

"Maayos naman ang aking pag kakasagot , iyon nga ang pangarap na inaasam asam ko." Natatawang sabi niya habang sinasangga ang mga kurot ko sa kanya.

"Ikaw ano ang iyong pangarap?."

"Makasama ka hanggang tumanda ay ayos na." nakangiting sagot ko.
Natigilan siya saglit at ngumiti ng dahan dahan.

"Nicolai" mahinahong tawag niya sakin , napatingin naman ako sa kanya ng nakataaas ang dalawang kilay.

"Ano iyon?'' tanong ko.

"Maari ba akong mangako sayo?. Gusto kong mangako sa iyo na hinding hindi kita iiwan, hindi kita papabayan na ika'y mag isa kasama mo lang ako sa hirap at ginhawa. Bawat pagsubok ay lalabanan nating dalawa ng magkasama , sabay tayong tatanda at kukulobot ang ating mga balat ng mahal parin natin ang isat isa." Senserong sabi niya.

Sa mga oras na to ay pinanghawakan ko ang pangako ni Leonardo, ang mga pangakong nakapagpahirap lalo sakin para matapos ko ang misyon ko. Hindi ko man siya gustong iwan pero kailangan.

"Ako naman Leonardo ay... ipinapangako ko sa iyo na mamahalin kita habang buhay , at pangako hinding hindi din kita iiwan, sabay tayong mangangarap at bubuo ng sarili nating pamilya ng magkasama , sasamahan din kita sa hirap at ginhawa." Nakangiting pangako ko sa kanya.

Nagbitiw ako ng salita ng hindi man lang sinisugorong matutupad ko , pero isa lang ang matutupad sa mga ipinangako ko... ang habang buhay na mahalin si Leonardo.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

"Simula sa araw na to ay sabay nating haharapin ang mundo , ipaglalaban kita kahit kanino , mahal kita binibini ko." Naluluhang sabi niya habag nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ko na rin mapigilan ang pagluha ko dahil sa labis na kasiyahan.

"Ipaglalaban din kita aking ginoo." Tugon ko.

"Tayo na ba aking binibini?."nakangiting tanong niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Pareho na kaming nasisinagan ng araw dahil mag bubukang liway way na at unti unti ng lumalabas ang haring araw.

"Ano pa ba ang magagawa ko? Mahal kita eh mag papakipot pa baa ko?" natatawang sagot ko at tumango.

"Maari ba?" pag hihingi niya ng permiso.

Ngumiti ako sa kanya at tumango . Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa mag dampi ang mga labi naming sa isat isa.

Isang halik na hinding hindi ko malilimutan, panibagong araw para sa panibagong yugto ng buhay ko.

Ngayon ang araw na nag bitiw kami ng pangako sa isat isa , mga pangakong panghahawakan naming sa isat isa. Pero hindi ko rin inakala na ang mga pangakong to ang mag bubuwag saming dalawa , ang mga pangakong nagging dahilan para sumuko ako.

You've just proved me that promises are meant to be broken. Pinatunayan mo sa akin na hindi lahat ng pangako ay natutupad.

Gora na sa next Chapter the! Comment ka ha para ganahan ako hahahaha

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now