Kabanata 33

86 7 0
                                    

‘’Anak… please wake up. Mag -iisang taon na oh! Hanggang ngayon ay natutulog ka parin? Hindi ka ba napapagod kakatulog?.Tuparin mo naman ang wish ko sa darating na pasko oh!”

Ewan ko pero parang naririnig ko ang boses ni Mommy ,pero ang nakakapagtaka lang ay bakit niya ako pinapagising? E andito lang naman ako sa sinaunang panahon , malay ko ba kung tumatakbo ang oras sa future , at tsaka ano yung sinasabi niyang mag-iisang taon na daw?.Pero totoo namang mag iisang taon nako dito sa panahon na to at hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang misyon ko.

At nangangamba na din ako , dahil kung 1897 ngayong taon , at 1898 na next year… kung ganon ay malapit na matapos ang pananakop ng espayol at amerikano nanaman hanggang maging Japanese hanggang sa makalaya na ang pinas.

Pag nagkataon na mag gyegyera sila laban sa mga amerikano at nandito parin ako sa panahong to , Malaki ang posibilidad na ma totodas ako.Kaya kailangan ko na talagang matapos to , pero paano na si Leonardo??? naiisip ko pa lang na aalis ako sa panahong to na wala si Leonardo ay parang unti unti rin na nawawasak ang mundo ko.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko , at agad ko naramdaman ang sakit ng ulo ko.

“A-aray!”  reklamo ko at bahagyang hinawakan ang noo ko. “ Ano bang nangyari at parang pinompyang to’ng ulo ko!?” inis na sermon ko sa sarili ko.

Napatigil lang ako sa pag  kausap sa sarili ko nang biglang may tumikhim.

Hindi ko man lang na pansin ang presensya nilang lahat!! Oo LAHAAAAAT!!!

Naka palibot silang lahat sa kama ko.Nasa kaliwang gilid ng kama si ama samantalang nasa  kanan naman si ina , katabi ni ama si Gloria , at katabi naman ni ina si Josefa. Lahat sila ay nakatingin sa akin ng seryoso , na animo’y may Malaki akong kasalanan na nagawa.

“A-ah hehehe magandang hapon po??” naiilang na bati ko.

Tumikhim naman si ama na sobrang sama ng tingin sa akin.

Ano ba ang ginawa ko??? Para naman akong suspek nito.’

“Gabi na at hindi na hapon Nicola”  nag salita si ama , nagulat naman ako dahil sat ono ng pananalita niya , malumanay pero parang ang laki laki ng boses niya.

Napatingin naman ako sa kanya ng may pagkapahiya.

Sandaling katahimikan nanaman ang namutawi bago ulit mag salita si ama.

Kailan pa?” malumanay na ani ni ama pero mababakas ang kapangyarihan sa boses niya , ang bagsik.

Nagulat naman ako sa tanong niya.Taka akong tumingin sa kanya.

A-ang alin?” takang tanong ko , pero kinakabahan na ako dahil sa klase ng mga tingin na ibinibigay nila sa akin.

Talaga bang wala kang ma alala o sadyang nag mamaang maangan ka lang?” seryosong tanong parin niya

.
Hindi na ako nakasagot sa tanong niya dahil biglang naduduwal ako.

Gloria kumuha ka ng batya!” ma awtoridad nitong utos kay Gloria.
Taranta namang kumuha si Gloria ng balde at inilahad sa akin.

Hindi ko na talaga mapigilan ang hindi mapasuka.Habol habol ko ang hininga ko matapos kong dumuwal , pinahid ko naman ang bibig ko gamit ang kamay ko.Dali dali akong binigyan ni ina ng tubig , ininom ko naman agad to.

Iyan! Kalian pa nag simula iyan!” inis na tanong ni ama.

Pedro! Huminahon ka” suway sa kanya ni ina.

Ang alin ho?” takang tanong ko , wala talaga akong maalaalang ginawa ko.

Lumapit naman si Ina at bahagyang hinaplos ang buhok ko.

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now