Kabanata 53

108 7 0
                                    

“Lai? Ayos ka lang?” tanong sakin ni Gab.

Napakurap kurap pa ako ng mata ko at tsaka tumango at ngumiti ng peke.

“A-ayos lang ako, so ano? tara na?” pilit na pinapa excite ko ang boses ko.

Pero ang totoo niyan ay kinakabahan na ako. Andito na kami ngayon sa mismong harap ng gate ng mansion. At mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang malaki, madilim at napakalumang bahay.

Puno ng kalawang ang gate at nababalutan na ng mga damo ang pader ng bahay. Hindi naman ganon ka taas ang pader ng bahay mga nasa balikat lang  taas nito , kaya kayang kaya lang akyatin.

“Ano ready na kayo?” tanong ni Jude. At binuksan ang gate ng mansion.

Tumunog pa ang gate na parang nasa isang horror movie. Tahimik lang ang paligid na nababalutan ng dilim. Binuksan ni Matteo ang dala niyang flashlight ganon din si Harvey at Gab.Dahilan para makita naming ang paligid.

Puno na ito ng malalabong na damo at mga tuyong dahoon. May patay na hardin at nga poste na basag basag ang sisidlan ng ilaw.

“Grabe ang creepy ng house na to.” Biglang salita ni Harvey at bahagyang yinakap ang sarili niya at umaktong natatakot siya.

“You said it right bro. Actually andami ko ngang naririnig na nakakatakot na story tungkol sa bahay na to.” Kwento ni Jude.

“Ano naman yun?” curious na tanong ko.

Patuloy lang kami sap ag kwekwentohan habang naglalakad papuntang pinto ng mansion.

“Ayon sa sabi sabi. May lalaking multo daw rito na hindi matahimik ang kaluluwa. Sabi ng iba ay may hinihintay lang daw ang multong yun. Broken daw siya sap ag ibig. Tapo parang nag hohold on parin siya sa ipinangako ng mahal niya na magkikita at makikita sila mula. Hindi ko talaga alam kung ano ang buong istorya basta yun ang narinig ko.” Kwento ni Jude. At humakbang sa hagdan.

“Ang sabihin mo chismoso ka lang talaga.” Singit ni Matteo.

“Whatever, by the way andito na tayo sa harap ng pinto. So ano ready na kayo?” nae excite na ani ni Jude.

“Yes!” sabay naming sabi nil ani Harvey.

At binuksan niya na ang pinto. Hindi nagging mahirap ang pagbukas naming ng pinto dahil sira naman ang door knob nito. Pag bukas at pag bukas ng bahay ay isang malakas na hangin ang sumalobong samin. Isang hagdan paakyat ang kaharap ng pinto, at magkabilang hallway na ang isa ay papuntang kusina at ang isa naman ay paputang sala.

Kulang kulang na ang baitan ng hagdan, at puno ng alikabok at mga lawa ang paligid ng bahay. Nag kalat ang basag na mga antique vases at mga sinaunang plato.

“Grabe parang di naman ata bahay to, parang dinaanan ng bagyo ah!” natatawang komento ko.

“This place went through a lot of renovation.” Wala sa sariling kwento ni Gab habang lumilinga linga sa itaas.

“Paanong renovate? Eh parang hind inga naayos to.” Singit ni Kian.

“Na renovate to, noong year 2006 hindi ipinabago ang desinyo ng bahay nato, dahil mahilig sa historical house ang bumili nito. Hanggang sa nagsimula ng mag paramdam ang dating may ari ng bahay na to. Nag pa blessing na daw sila sa bahay nato, pero hindi parin natatahimik ang kaluluwa. Kaya ang ginawa nila ay umalis sila at lumipat ng ibang bahay. Kumalat ang chismis nay un sa buong bayan , kaya wala ng nangahas na manirahan dito. Hanggang tuluyan nan gang napa bayan ang bahay na to.” Kwento ni gab at tinitignan ang mga litrato sa ding ding.

“Ano daw nangyari sa mga tunay na may ari ng bahay na to?” interisadong tanong ko.

“Actually, theres a big fire back in the day, and a lot of people die , kaya siguro may hindi matahitahimik na kaluluwa dito.” Dagdag niya.

Napatango tango na lang ako, at nag hiwa-hiwalay kami.

Magkasama si Harvey, Matteo at Jude. Habang ako naman ay kasama ko si Kian at Gab. Umakyat kaming tatlo sa itaas kung nasaan ang bedroom. Si Kian ang taga video, habang si Gab naman ang taga flashlight, ako naman ay sumusunod lang sa kanila. Pag akyat naming sa may hagdan ay namangha ako sa mga naipintang litrato ng isang pamilya. Nakaupo sa gitna ang isang ginang at isang don, habang nakatayo sa likod nila ang tatlong makikisig na binata.

Sa hindi malamang dahilan ay kumirot ng bahagya ang ulo ko. Parang padalas na ng padalas ang pag kirot ng ulo ko. Wala sa sariling napa tingin ako sa frame ng larawan. May naka brush don na mga letra.

‘Familia Agustin’

Unti-unti kong inilapat ang mga daliri ko sa mga letra na nakasulat.At inisa isa iyon. Sa hindi malamang dahilan ay biglang nanubig ang mga mata ko.

Ano bang nagyayari sakin?’

Pinahid ko ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko at luminga linga sa paligid. At don ko lang na realize na wala na akong kasama. Nag palinga linga ako sa paligid pero wala talaga.

Oh my gosh! What now!?’

Halos mangapa ako sa dilim dahil wala akong makita ni isa. Nag lakad ako sa pasilyo kung nasaan ang mga tulugan. Dahil parang may nahagip ang paningin ko.

“Kian! Gab! Matteo! Jude! Harvey! Kayo bayan!?. Kung kayo man yan please lang hindi nakakatuwa!” kinakabahang sambit ko.

“Nicolai”

Agad akong napalingon dahil narinig kong may tumawag sa pangalan ko, pero paglingon ko ay walang tao. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at binuksan ang flashlight.

“Kian ikaw bay an!?” pasigaw na tanong ko.

“Nicolai”

Napalingon nanaman ako sa likod ko dahil narinig ko nanaman ang boses.

“Gab kung ikaw yan di na nakakatuwa ang biro niyo!” kinakabahang sigaw ko. Dahil bigla na lang nalag lag ang isang vase na nakapatong sa altar.

Naninidig na lahat ng balahibo ko sa katawa. Yinakap ko ang sarili ko dahil sa hindi maipaliwanag na lamig na bumalot sa katawan ko.

“Matt! Jude! mag pakita naman kayo oh! Hindi na talaga ako na tutuwa sa trip niyo.”

Kahit anong pakiusap ko ay parang walang nakakrinig sakin.
Bumaba ako at pumunta sa kusina.

Pag dating ko sa kusina ay pumasok ako at nag flashlight sa paligid. Kaharap ko ang salamin kung saan kaharap niya din ang pintuan na kinatatayuan ko. Wala sa sariling napatingin ako sa salamin, at laking gulat ko ng makita ang isang rebulto ng lalaki nan aka barong tagalog. Dahi sa gulat ay agad kong nabitawan ang cellphone ko.

“Oh my gosh! Relax lang Nicolai multo lang yun, o di kaya namamalik mata ka lang.” pag papakalma ko sa sarili ko. Namasa na ang palad ko dahil sa kaba.

“Relax lang self, wala lang yun.”

Bumuntong hiniga ako at nag lakad papuntang sala para i check kung don nag tatago ang mga mokong kong pinsan. Pag nakita ko talaga sila ipaguuntog ko talaga ang mga ulo nilang mag kapatid. Pag dating ko sa sala ay parang sasabog sa kaba ang puso ko.

Gumalaw ang kurtina at nahagip ng mga mata ko ang pag galaw ng rocking chair. Unti unti akong lumapit sa pwesto kung nasaan ang rocking chair na tumigil na sap ag galaw. Abot abot ang kabang nararamdaman ko sa aking dibdib.

Pag hawi ko rocking chair ay tumambad sakin ang isang lalaking nakayakap sa dalawang tuhod niya.

Unti unti ko siyang inabot para malaman kung sino ito. Nangwalang ano ano’y, bigla na lamang itong lumingon sa akin.

Nawalan ako ng malay dahil sa labis na pagkagulat.

A Chance To Love Again    Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin