Kabanata 20

133 5 7
                                    

A Chance to Love Again written By
NicoLLYTE.

Nicola!!!! …… tapos ka na bang mag ayos riyan” sigaw ni Gloria mula sa labas ng kwarto ko.

“Mag hintay ka lang!!!!!...Malapit na akong matapos rito!!!” pabalik na sigaw ko sa kanya.

“Andeng… paki tali nitong buhok ko hindi ko maayos” utos ko kay Andeng habang inaayos ang pagkakapusod nito.

Kasalukuyan akong nag aayos ngayon , dahil magsisimba daw kami, dahil may ispesyal na okasyon na nakagawiang idaos ditto taon taon sa San Agustin, at yun ang hindi ko alam kung anong klase ng pagdaraos at anong klase ng okasyon.

Ang sabi ni Ina ay imbitado daw ang aming pamilya sa isang pagdiriwang mamayang gabi na idadaos sa bahay ng nakakataas na opisyal.

Kaya naloka ang beauty ko at nataranta dahil late na akong na informed,pero may pinatahi naman dawn a barot saya si Ina na isusuot ko mamayang gabi sa pagdiriwang , kaya ito muna ang kulay putting barot saya ang isusuot ko pang simba at may belo pa.

Napansin ko lang na kalaunan ay nagging malalim na ang pag tatagalog ko at unti unti na rin akong nasanay sa Gawain ng mga tao dito. Nasanay na rin ang katawan ko at maaga na din akong nagigising.

Isusuot ko palang sana ang bakya o Sandals na regalo daw ni Ina ng biglang may kumatok sa pintoan kaya nataranta akong isuot ito.

“Nicola!!! Bilisan mo ang pagbibihis upang makaabot pa tayo sa misa” sigaw ulit ni Gloria.

“Mag antay ka!!!” inis na ani ko at bahagyang binato pa sya ng suklay , pero pintuan ang natamaan dahil nakasarado naman ito.

Bahagya pang natawa si Andeng dahil sa kakulitan naming mag kapatid.

Biglang umiba ang ihip ng hangin , kaya wala sa sariling napatingin ako sa may kabilang bahagi ng dingding at nakita ko ang Self portrait ng original na Nicolasa na ngayon ay unti unti nang ngumingiti at black and white parin ito.

Naayos na ni Andeng ang pag kakapusod ng buhok ko , kaya dahan dahan akong tumayo at unti unting lumapit sa larawan .Tiningnan ko ito ng maigi at may napansin akong kakaiba , napansin ko ang kulay asul sa kanang bahagi ng litrato , bagama’t maliit pa lamang ito.

Nalala ko naman ang sinabi ni madam Roswela noon.

Sa oras na tumingkad ang kulay ng larawang iyan, at tumingkad ang bulaklak na iyan, ay iisa lang ang ibig sabihin nito… na napag tagumpayan mo ang iyong misyon.

Dahil sa nakita kong kulay asul ay unti unti akong nabuhayan ng loob , nabuhayan ako ng pag asa na may chansang mapagtagumpayan ko ang misyon na to .

Ayos ka lang ba ho binibini?” tanong ni Andeng , agad naman akong lumingon sa kanya at tumango.

“Salamat Andeng sa pag aayos sa akin” bukal sa loob na pasasalamat ko sa kanya, papalabas na sana ako ng pintuan ng may maalala ako . “Andeng!” tawag pansin ko sa kanya.

Agad naman siyang napatingin sa akin at ngumiti. “Ano ho iyon binibini?”

Pupunta kami mamaya sa isang pagdiriwang , ipagbabalot kita ng pagkain.” Nakangiting ani ko habang tinaas taas ko pa ang kilay ko at tuluyan ang lumabas sa pintoan.

********

Ang diyos ay ang makapangyarihan sa lahat , sya ang katotohanan ang daan at ang buhay.”

Kanina pa kami nakaupo dito sa loob ng simbahan at tahimik lang kami habang nakikinig sa misa.

Nasa may ikalawang linya kami ng upuan at nasa may unahan naman sa kabilang banda ang pamilya Agustin. Nag kita kita nanaman ang landas naming tatlo , lahat ng tao kanina ay napapatingin sa tatlong mag kakapatid na agustin.Hindi na ako mag tataka kung agaw atensyon ang mga ka gwapohan at kasuotan nila.

Napatigil na ako sap ag iisip at itunoun na lang ang pansin sa Pari na nag mimisa.

Ang mga anghel ay alagad ng diyos na kanyang nilikha upang tayo ay gabayan at protektahan laban sa kampon ng mga DEMONYO”

Bahagya akong nagulat dahil sa pagbanggit nya sa katagang Demonyo ay sa akin sya nakatingin. Pero sa halip na pansinin ito ay hinayan ko na lang.

Siguro panahon na rin to para matabasan tong mga kasalanan ko , medyo matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakapagsimba , kaya ganon na lang makatingin ang pari sa akin kanina.

Naramdaman ko na parang merong nakatingin sa akin kaya pasimple kong inilibot ang tingin ko sa paligid , at ng mapadapo ang tingin ko sa pamilya agustin ay, nakatingin ang magkakapatid sa akin , at sabay din kung mag iwas ng tingin.

Anong trip ng tatlong to nakasinghot ba to ng katol?”

At pag tingin ko sa tabi ko ay agad akong sinalubong ng mapanuksong tingin nila Gloria at Josefa pinandilatan ko sila ng mata at inirapan. Medyo naiilang na talaga ako sa mga tingin nila kaya nag paalam muna ako kay ina na mag babanyo lang.

Ina.. pupunta lang po ako sa Cr ay este! Kubeta ay palikuran pala” natarantang ani ko.

“May gas gasgas cr kubeta shunga lang shunga’

Bumalik ka agad at malapit nang mag tapos ang misa”

Tumango na lang ako at dali daling pumunta sa kaliwang pintuan sa papunta sa likod ng simbahan.

Papunta na sana ako ng biglang may humila sa akin sa madilim na parte ng simbahan.

Sisigaw n asana ako ng bigla syang nag salita.

Huwag kang sumigaw.. gusto lamang kitang makausap” napansin kong medyo matamlay ang boses ng babaeng may hawak sa akin.

Dinala nya ako sa likod ng simbahan kung saan mayroong maliit na hardin , naupo kami sa  may sementong upuan dito na kasya lang sa dalawa. Agad akong napatingin kung sino ang babaeng humila sa akin , at ganon na lamang ang gulat na aking naramdaman kung sino ito.

“Si Cassandra”

Ibang iba ang awra nya ngayon , hindi tulad kahapon na ibang iba ang katarayan na dala nya sa  katawan ,pero ngayon ay napansin kong namamaga ang mata nya na halatang umiyak sya, hindi rin maayos ang pag kakatali sa buhok nya at lumalim ang mata nya ng dahil siguro sa puyat , at gusot gusot pa ang barot saya na sout nya.

Kung pag mamasdan mo sya ngayon ay para syang isang adik na bagong reqruit lol.

“Anong kailangan mo sa akin?” seryosong tanong ko sa kanya .

Akala nya siguro nakalimutan ko na ang pagtataray nya sa akin kahapon, at ang pagpapamukha nya na siya ang mahal ni Leonardo.

May ibig sana akong hilingin sa iyo” tugon nya at nag simula nanamang mangilid ang luha nya.

Anyare sa gagang to! Bat nag eemo to ngayon at may gana pang manghingi ng favor”

Kung ano man iyan… paumanhin ngunit hindi kita matutulungan ukol dyan.” Tatayo n asana ako ng agad nya akong hinawakan sa braso.

Huwag ka munang umalis”pigil nya sa akin , kaya napaupo naman ulit ako.

Ano ba talaga ang kailangan mo?” medyo inis na tanong ko sa kanya.

“Nakikiusap ako Nicolasa , na kung maari sana ay layuan mo si Leonardo”

Taka naman akong napatingin sa kanya.

“Ano? ,dahil lang dyan talagang inistorbo mo pa ako.”

Nag katampuhan kami ng dahil sa iyo” seryosong ani nya , kaya nagging seryoso din ako.

Kung ano man ang pinag awayan nyo ay labas ako diyan, kaya kung iyong mararapatin ako ay aalis na.” Tumayo na ako at nagsimulang mag marcha palayo.

Pero agad din akong napatigil ng mag salita sya.

No dejare que me lo quites…!”(Hindi ako papayag na maagaw mo sya sa akin).

Di ko na inintindi ang sinabi nya dahil di naman ako masyadong nakaka intindi ng espanyol , kaya deds na lang ako.

Siguro nag aadik tong si Cassandra kaya kung ano ano ang pinag sasabi’

Weeeeeeeehello 2 chaps sinipag ang Bwisitin nyong Author hahahaahaa

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now