Kabanata 8

181 9 2
                                    


“Leonardo!!!." Halos mapantig ang tenga ko ng marinig ang pangalan ni Leonardo.

Nandito sya pano?. Anong nangyari?. Eh bat ako nag kakaganito?.

Ayokong magsinungaling sa sarili ko, alam kong crush ko si Leonardo hahaah. Syempre unang kita ko palang sa kanya para na akong na star struck .Grabe parang tumigil ang mundo ko ng mag tama ang paningin namin kanina sa kainan.

"Huminahon ka Pabliya! nawalan lamang ng malay ang ating anak! mag pasalamat na lang tayo at ligtas sya.” ani Don Leonel habang hinihimashimas ang likod ni Donya Pabliya para huminaon ito.

"Kapitan Inggo! Dakpin ang mga iyan!." Utos ni Don Lucio sa isang matabang lalaki na may balbas, infairness clan sila ng mga binugbog ko at parang may kamukha siya na girl version niya , parang nakita ko na siya somewhere.

At pag Lingon ko sa may gawi ng lalaking umepal sa action scene ko kanina ay halos huminto ang paligid , at halos manlaki ang mata ko sa nakita ko. 

S-Si Leonardo!! Sya ang lalaking argggghhhhh!!!

Imbes na kiligin ako ay napalitan ng inis ang naramdaman ko, dahil sa pinag sasabi nya kanina! boses palaka pala ah amp!!.

Agad Lumapit si Donya Pabliya sakin at nagulat ako ng yakapin nya ako.

“Ikaw hija ayos ka lang ba? Salamat sa diyos at ligtas ka bakit kayo magkasama ni Leonardo? Anong nangyari?." Bahagyang tanong niya habang hawak hawak ang magkabilang pisngi ko.

Nagulat ako sa tanong nya. What is she expecting? na magkasama kami ng epal nyang anak?! Wow hah! as in Wow lang talaga!.

“Ah! H-hindi ho kami magkasama. nauna ho ako rito’ng dumating at may lalaking umeksena sa bakbakan, kaya ayan tulog." ngising ngisi pang sagot ko, agad naman akong siniko ni Gloria. Sakit nun ah!.

“Maari mo bang i kwento sa amin ang nangyari?." Biglang sabat ni Don Lucio , napatingin naman samin ang Lahat nag aabang sa sasabihin ko. Umupo ako sa may malaking bato at nakapangdekwatrong pang babae.

“Ganito ho kasi yun.. una nung tumambay ho kami ni Gloria sa balkonahe ay nagpaalam sya sakin na pumunta sa  CR este!Palikuran, then ay tapos na bagot ako kakaupo at may nakita akong hardin sa likuran ng bahay nyo ho.” Pagkwekwento ko pa at  bahagyang tinuro si Don Leonel. "Ay pumunta na ho ako dito ,  at eksaktong may nakita akong kakahoyan. Kaya di na ho ako nag dalawang isip na pumunta dahil ang ganda ng liwanag ng buwan, at habang papalapit ako dito ay may narining akong humingi ng saklolo , kaya dali dali akong tumakbo, pero pinunit ko yung saya ko para masmadaling tumakbo.”

“At sino ang humingi ng tulong? maari ko bang malaman binibini?."  tanong ni Kapitan Inggo ba ba yon?.

“Sya ho!." parang batang tinuro ko ang babaeng walang malay , taka naman silang napatingin dun.

"Huwag ho kayong mag alala di nagalaw yang babaitang yan!... protektado eh hehehe..” nang nakita kong masama ang tingin ni Madam Roswela ay agad akong bumawi.

"Biro lang ho ipagumahin nyo ho ang aking inaasal , malamang ay napagod lamang ako." palusot ko pa.

Bwisit tong bruha na to !!!

“Kaya ng nakarating ho ako rito ay nakita kong pinag pipiyestahan ho nila ang dalaga, kaya ako naman itong isang nakakita ay sinuway ko sila--." Hindi ko nanataposag pag kwekwento ko ng sumabat si Don Pedro.

“Ngunit pano pag napahamak ka? Papatayin mo ba kami sa pag aalala  hah! Nicola!? Kaylan kapa na tutung pumasok sa gulo at makipagbasag ulo? Ha! kababae mong tao!." Halatang nag pipigil ng galit si Don Pedro.

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now