Kabanata 54

146 7 0
                                    

Play: A Chance to Love Again by: Caleb Santos:)

Pagmulat ko ng mata ko ay agad akong napatayo at gulat na gulat na tumingin sa lalaking nakatayo sa gilid ko.

“Sino ka!?” gulat na tanong ko.

“Hindi mo nga talaga ako maalala aking mahal” may halong pait ang boses ng lalaking naka barong.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay agad na tumibok ng kay bilis ang puso ko. Parang siya ang taong isinisigaw nito. Pero imposible, hindi ko siya  kilala.

“A-anong mahal? Wala akong matandaan na nakilala kita.”

“Kung gayon, hayaan mo akong ipa alala ko sayo.” malumanay na sabi niya at tsaka pumitik.

‘A-ano to!? Humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko!’

“Ano to! Bakit nakahiwalay ang katawan ko sa kaluluwa ko?” inis na tanong ko.

Sa halip na sagutin ako ay  tinignan niya lang ako ng walang emosyon.

Pumitik nanaman siya at napahugot ako ng hininga ng maramdaman muli ang aking kaluluwa sa aking katawang lupa. Pero kapalit naman non ay ang pagsakit ng ulo ko.

At hindi ko inaasahan ang pagbalik ng mga alaala sa utak ko.

“Arghhhh!!!!!!!!!!!!” sigaw ko dahil sa sobrang sakit nito.

Ipinakita sa mga memoryang iyon ay ang masasayang alala alala. Kasama ko ang isang lalaki. Ang pag kahulog ko sa bangin, kung saan  ay bigla akong napunta sa sinaunang panahon. Andon din ang alaala na namalaengke ako kasama ang dalawang makikisig na binate. Ang pagkamatay ni Leo. Ang pagyakap sa akin ni Leon. Ang sampalan naming ni Cassandra. Ang pagkamatay ni Ama. Ang pagkamatay ni Andeng at Gloria. At ang panghuli… ang pagbitaw ko mula sap ag kakapit sa taong mahal ko na si…..

“Leonardo!” wala sa sariling nai bulaslas ko.

Hindi ko namalayan na hindi na pala natigil sap ag agos ang aking mga luha.

“Leonardo, m-mahal ko?” naiiyak na ani ko habang nakatingin sa mga mata niya.

“Salamat at naalala moa ko Nicolai…napakatagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Napakatagal kong hinintay na dumating ang araw na ito. Ang araw na muli kitang makikita. At muli mo akong maalala. Simula ng bumitaw ka sa pagkakahawak ko ay parang binitawan ko na rin ang mundo. Simula ng bumalik ka sa panahon mo at ako ay nakakulong sa panahon ko ay parang nawalan na ng silbi ang buhay ko.”

Panimula niya, at nagsimula narin siyang umiyak.

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon, hindi ko mapigilan ang tibok ng aking puso habang nakatingin sa kanya.

“Sinabi ko noon sa sarili ko na bakit? Bakit ka pa kinuha sakin? Bakit pa kasi isinilang ka sa ibang panahon. Gulong gulo ako non, para akong ma sisiraan ng bait sa bawat araw na dumadaan na hindi kita makapiling. Kaya’t  nag hintay ako, pinanghawakan ko ang pangako natin sa isa’t isa, mag sa pahanggang ngayon ay hindi ko iyon kinalimutan. Nicolai… mahal kita, mahal na mahal kita. At nakahanda akong maghintay ng ilang taon para lang makapiling ka ulit. Walang araw na hindi kita inisip, at para bang walang kasing sakit mga alaala mo’y hindi ko malimutan at tanging oras lang ang may alam. Ang sabi ko pa noon sa sarili ko na…sana madaliin na lang ang panahon, at kung hindi man ngayon aasa na lang ako n asana, n asana maibabalik pa ang kahapon.” May halong hinanakit ang pag kwekwento niya.

Hindi ko maiwasang hindi maiyak sa mga pinag daanan niya. Naninikip ang dibdib ko dahil sa labis na sakit.

“Sinubukan kong kalimutan ka, pero sat wing ma aalala ko ang mga araw na kasama kita, at ang mga pangako natin sa isa’t isa, doon ko na pagtanto na hindi ko kaya kung wala ka. Masakit sakin na tanggapin at tiisin ang lahat.Noong sinabi mon a hindi ako makakalimutan ng puso mo kahit makalimutan ako ng utak mo ay inuulit-ulit ko lang yun sa utak ko. Kung pwede lang sana balikan ang oras noh? Naalala mo ang panahong nakatakda ka ng bumalik sa panahon mo?, dun ako sobrang nasaktan at nag sisi. Dahil hindi man lang kita nakasama ng mas matagal. Kaya bago ka pa man bumalik sa panahon mo ay sinabi ko na sayo ang lahat ng nais kong sabihin sayo. Kaya… napag isipan ko na bago ka pa man tuluyang mawala ay sana’y maging tayo man lang sa huling pag kakataon. Na alam kong hindi na para sa atin, at sa bawat minutong natitira ipinangako ko sa puso ko na ikaw lang at walang iba. Ako’y maghihintay sayo, kahit gaano man ito ka tagal.”

A Chance To Love Again    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon