Kabanata 43

83 10 0
                                    

Lakad takbo ang ginawa ko para lang mahabol si Leonardo. Nag lakad siya papunta sa labasan ng bahay at kaagad na pumara ng kalesa.

Mabilis na umandar ang kalesang sinakyan niya patungo sa kung saan. Inis naman akong luminga-linga sa paligid at nagbabakasakaling may kalesang dadaan. Ngunit sa kasamaang palad ay kahit ni isa ay walang dumaan.

Naghanap ako ng pwedeng masakyan, hanggang sa mapadapo  ang paningin ko sa isang bisekleta.Wala na akong ibang pag pipilian, ano aarte pa baa ko?  Pinunit ko ang dulo ng saya ko para wang sagabal habang na pepedal.

Dali dali akong sumakay sa bike at nag pedal ng kay bilis, kahit pinagpapawisan na ako ay pilit kong binibilisan ang pag pedal , hanggang sa huminto ang kalesang sinasakyan niya sa aming tagpuan.

Huminto ako sa pag pepedal, at bumaba sa bisekleta at hinayaan iyon sa isang tabi. Maingat akong nag lakad upang sundan si Leonardo, kaya naman todo tago ang ginawa ko.

May mga pagkakataong , lumilingon siya , dahil wais ako , agad akong nag tatago sa puno, o di kaya dumapa sa lupa at nag tatago sa mga mahahabang damo.
Hangggang sa nakarating na siya sa dulo, at sa kasamaang palad ay wala na rin akong mataguan dahil patag na ang bahaging ito,puro na lamang damo ang makikita mo at malayo sa pwesto ko ang mga puno.

Luminga-linga ako sa paligid para mag hanap ng maayos na pwesto malapit sa kay Leonardo, at napadapo ang mga mata ko sa tambak na damo, tinignan ko ang paligid. Mabuti naman ay wala si Leonardo .

Lilipat n asana ako ng may biglaang nag salita galling sa likod ko.

“Bakit mo ako sinusundan? Maari bang malaman ko ang iyong dahilan?”  mahinahong tanong ni Leonardo, boses pa lang kilalang kilala ko na.

Dahan dahan akong humarap sa kanya, ng nakataas ang dalawang kilay, agad ko namang nasalubong ang seryoso niyang mukha, agad akong ngumiti ng di sa oras.

“A-ah ano nga ulit yung tanong mo?” kamot ulong tanong ko.

“Ang sinabi ko ay kung bakit mo a ko sinusundan, at kung maari ay isiwalat mo ang iyong dahilan.” Seryosong tanong niya.

“Ah ganon ba, kanina pa ako dito, nauna pa nga siguro akong dumating kesa sa iyo, umihi lang ako saglit.” Kabadong sambit ko.

San mon a pag pupulot yang rason mong yan Nicolai? Baka nakakalimutan mo abogado kaharap mo, alam niyan kung nag sisinungaling ka o hindi’

“Kung tapos ka na sa iyong ginagawa ay maari ka ng umalis sa lugar na ito.”

“B-bakit? Hindi mo naman pag aari ang lugar na ito ah!”

“Simula bata pa ako ay libangan ko na ang lugar na ito, kaya’t may karapatan akong mapagisa.”

“Ngunit ito’y sakop ng aming hacienda!” pag dedepensa ko.

“Pakiusap, nais ko munang mapag isa binibining Nicolasa” walang emosyong sabi niya.

Parang nanibago ang pandinig ko sa pagtawag niya sa akin, hindi ako sana’y na tinatawag niya akong Nicolasa.

Malamang inalis ka na niya sa buhay niya, palagi mong tandaan ang sinabi niya, hinding hindi ka niya kalang mahalin Nicolai , kaya wag kanang umasa nag anon parin ang itatawag niya sayo kahit wala ng kayo.’

Hindi ko namalayan na may isang butil na ng luhang kumawala mula sa aking mata.

Peke akong napatawa bago nag salita.

“Nicolasa? hahaha! Asan na ang pangalang NICOLAI!?” pekeng tawa ko.

Pero sa halip na sagutin ako ay tinalikuran niya lang ako at nag lakad papunta sa puno, na walang mga alitap-tap . Nag si alisan na ata ang mga alitap-tap.

A Chance To Love Again    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon