Kabanata 32

88 8 0
                                    

Isang linggo na ang makalipas ng tuluyan nan gang nag ka-ayos kami ni Gloria. Ang sabi niya ay hindi daw niya sinasadya na masaktan ang aking damdamin.

Humingi din ako ng tawad sa kanya dahil sa mga hindi ka aya-ayang pinag sasabi ko. Ang sabi niya ay wala lang daw iyon , ang sabi niya , siya naman daw ang may kasalanan kaya naiintindihan niya , kung nagalit ako.

Mag iisang linggo na din kaming hindi nagkikita ni Leonardo , araw araw niya akong pinapadalhan ng liham , kinukwento niya sa akin ang nangyayari sa buong maghapon niya. Kagabi lang ako nagtaka dahil hindi siya nakapagpadala ng liham. Hanggang ngayong umaga ay wala siyang liham na ipinadala.

Maaga akong nagising ngayon, at ako ang mag luluto dahil ginanahan ako, kumekembot-kembot pa ako habangn nag luluto at bahagyang kumakanta.

Nag sangag ako ng kanin , nagluto din ako ng adobo , sinigang at tuyo.
Mukhang maganda ang gising ng iba diyan.!” Pagpaparinig pa ni Gloria na mukhang kakagising pa lang.

Ngumiti naman ako at binati siya.
“Magandang umaga ate Gloria , umupo ka na riyan at nadyaan na ang iyong kape.” Masayang sabi ko sa kanya.

Napa iling-iling na lang siya tsaka prenteng umupo sa silya.
Ilang sandali pa ay dumating si Josefa , binati ko siya at binati niya rin ako pabalik.

Eneechos – echos nila akong dalawa , kung ano bad aw ang nakain ko at panay daw ang pagsasaya ko.Sinabi ko lang sa kanila na maganda lang gising ko , pero hindi pa rin nila ako tinantanan.

Hanggang sa dumating sina ama at ina at sabay sabay kaming kumain . Nag kwekwentohan kami ng kung ano – anong bagay. Tinanong nila si Josefa kung ilang anak bad aw ang gusto nil ani Leon . Sabi ni Josefa ay maayos na daw kung dalawa , pero umngal si Ina , ang sabi niya ay gusto niya daw mag ka apo ng anim , agad din namang umepal si ama , ang sabi niya ay gusto daw niya ng sampung apo.

Natawa na lang si Josefa sa mga suhestisyon nil ani ama at ina.Tinignan ko naman si Gloria na bahagyang natulala , hinawakan ko ang kamay niya para mapagaan ang kalooban niya. Alam ko naman kasi na iniisip niya na , kung sakaling buhay pa si Leo ay baka ganito din ang napag uusapan nila.

Ilang sandal pa ay nabaling sa akin ang usapan , lahat sila ay nakatingin sa akin , bahagya pa akong humigop ng kapeng barako .

Ikaw Nicola..ilan ba ang  plano niyong anak ni Ginoong Leonardo?” nakangiting tanong ni Ina.

Hihigop na sana ako ng kape , ng biglang marinig ko ang itinanong ni Ina. Kaya wala sa oras na naibuga ko ang kapeng ininom ko , agad naman akong nabulunan dahil pumasok sa ilong ko ang kape.

Papatayin niyo naman ako sa gulat.’

Binigyan ako ni Gloria ng tubig kaya agad ko itong ininom.Bahagya pa akong umubo -ubo dahil sa sakit ng ilong ko.

Ayos ka lang ba anak?” alalang tanong ni Ina.

Bahagya namang napangisi si Josefa at Gloria , tawa – twang umiling – iling naman si ama habang kumakain.

Tumango lang ako at bahagyang hinagod pa ang dibdib ko.

Tinanong ko lamang kung ilang supling ba ang ibig niyo ni Ginoong Leonardo ay nagkaganyan kana.”  Mapanuksong ani ni Ina.

Nagtawanan naman sila , wala na akong nagawa kundi ngumoso na lang ako sa kanila , at tsaka nag patuloy sa pag kain , ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin.

At si ama na ang bumasag sa katahimikan, bahagya niya pang pnahid ang bibig niya tsaka nag salita.

Sampung apo ang ibig kong maging apo Nicola … maari mob a iyong ibigay?” nang aasar na sabi ni ama.

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now