Kabanata 27

125 5 0
                                    

A Chance To Love Again written by Nicollyte

Kinabukasan , tanghali na ng magising ako.Pag gising ko ay agad akong pumasok sa banyo at naligo.

Pagkatapos ko ay agad na ako nag ayos para bumaba na.Balak ko ngayong pumunta sa may gilid ng ilog , para makapag isip isip man lang ako kung paano ko malalaman ang tunay na misyon ko.Dadalaw sana ako sa puntod ni Leo ngayon , pero sabi daw nila ay hindi pwedeng dalawin ang taong kakalibing palang.

Kaya wala na akong nagawa , kundi ang mag isip .
Pag baba ko sa hagdan ay na gulat ako sa  nakita kong mga bisita sa bahay.

Anong ginagawa ng pamilya Agustin dito?’

Nakatayo parin ako sa may hagdan ng biglang mapansin nila ako.

Andyan na pala sya’’ ani ni Don Leonel.

Lahat sila ay napatingin sa akin , wala si Gloria dahil umalis ito.
Pero agad na hagip ng mata ko ang isang lalaki na dahilan ng pag bilis ng tibok ng puso ko.Ang mga mata niya na ang daming gustong sabihin , pero hindi nya ito magawa.

“Magandang tanghali ho sa inyong lahat” magalang na ani ko.
Agad naman na hinubad ni Don Leonel at Leonardo ang kanilang mga suot na sombrero bilang paggalang.

Napansin ko din na wala si Leon , marahil magkasama siguro sila ni Josefa dahil nabanggit ni ama na tuloy daw ang pagiisang dibdib ni Leon at Josefa , at ang mas maganda pa raw ay mukhang nag kakamabutihinan na daw ang dalawa.

Kinausap ko kasi si Leon , ang sabi ko sa kanya na kung maari ay subukan nya namang buksan ang puso nya para kay Josefa, ng sag anon ay hindi na sya mahirapan pa .Naging malinaw naman ang paguusap naming dalawa.At Mabuti naman na sinunod nya ang sinabi ko sa kanya.At medyo nahalata ko nga na unti unti na syang nakakalimot sa feelings nya para sa akin.At si Josefa naman ay halatang gusto din si Leon kaya walang magiging problema.

“Umupo ka hija” ay ani don Leonel.
Di ko napansin na ako na lang pala ang nakatayo sa harap nila , kaya bago pa ako mapahiya ay umupo na agad ako.

“Hija..nag kausap na kami ng iyong ama”panimula nya.
Tumingin naman ako sa kanya ng may pagtataka.

Agad naman siguro napansin ni Don Leonel na nagugulohan ako sa sinabi nya.Agad syang umayos ng pag kakaupo at sumandal sa upuan habang naka pangdekwatrong pang babae.

Tumikhim muna sya bago nag salita.

Marahil nagtataka siguro kung bakit na pinutol ko ang nakatakdang pagpapakasal nyo ni Leonardo… ngunit andito lamang ako upang humingi ng paumanhin sa iyo binibining Nicolasa—”  hindi nanatapos ng Don ang sasabihin nya ng mag salita si Leonardo.

Ama! , itutuloy ko ang pagpapakasal kay Binibining Nicolasa kahit ano pa ang mangyari ay ipaglalaban ko siya!” matigas na tugon ni Leonardo sa ama nya.

Bahagya kaming nag katinginan ni Ama dahil sa hindi naming inaasahan ang pag sagot ni Leonardo sa ama.

Inaamin ko na medyo kinilig ako sa sinabi ni Leonardo pero hindi ako umasa, ayoko ng mag assume.

N-ngunit papaano ang kasunduang kasal nyo ni Binibining Cassandra?!”Seryosong ani din ng don kay Leonardo.

Agad namang nag salubong ang kilay ni Leonardo dahil sa sinabi ng ama.

Ama.. ako ay nasa tamang edad na at may sarili na akong kaisipan at disesyon sa mga bagay bagay.Buong buhay ko ay wala akong kahit ni isang utos mo na sinuway , ngunit sa isang ito ama ay kayang kaya kitang suwayin,hindi dahil ay nawalan na ako ng galang sa iyo. Kundi panahon na siguro upang ako naman ang mag disesyon para sa sarili ko.Kailan man ay hindi ko ibig na maitali sa isang pag sasama na hindi ko mahal ang babaeng papakasalan ko,wala akong pakialam kung ano pa ang mangyari kung hindi man kami maikassl ni Cassandra , ngunit ang mas importante ay naipaglaban ko ang taong itinitibok ng aking puso.”

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now