Kabanata 44

90 7 1
                                    

Kinaumagahan….

Nagising ako dahil sa tilaok ng manok, marahan kong inimulat ang aking mga mata. Nagising ako’ng walang kahit naanong naramdaman.

Parang lantang gulay ang aking katawan habang nag lalakad. Apat na araw na lang at ikakasal na si Leonardo at Cassandra. At sa pahanggang ngayon ay wala parin akong alam kung sino ang tumatraidor kay Nicolasa.

May alam na ako na si Cassandra ang ibig na magpapaslang sa kanya, ngunit anong dahilan?. Dahil lang bas a sagabal siya sa plano ng mag ama? O hindi lang talaga si Cassandra ang may ibig na ipapatay siya?.

Iwinaksi ko lahat ng aking isipin ng panandalian, at lumapit ako sa larawan ni Nicolasa.

Nangangahalati na ang kulay nito, ngunit mas malaki parin ang bahaging walang kulay.

Naglakad na ako papunta sa pinto at lumabas. Paglabas ko ay agad kong nakita si Gloria na may bitbit na lalagyan ng pagkain.

“Magandang umaga aking kapatid!” masiglang bati niya.

“Magandang umaga din sa iyo ate Gloria.” Pilit na ngiting bati ko din sa kanya.

“Maari bang ikaw na lang ang mag hatid ng mga pagkain ni Ama sa kanyang opisina?, ikukuha ko lamang siya ng tubig sa kusina at pag katapos ay aakyat din ako pabalik rito.” Pakiusap niya.

Bahagya pa akong napatingin sa likuran niya at nakita ko si Andeng na parang may gustong sabihin.

Sumenyas senyas pa siya pero hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon. Sa halip na problamahin iyon ay isang matamis na ngiti na lamang ang aking ipinakita sa kanya.

Bumaling ulit ako kay Gloria na nakikiusap ang mga mata. Malugod kong tinanggap ang mga dala niyang pagkain at nag lakad patungong opisina ni Ama.
Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses.

“Pasok!” pagbibigay niya ng pahintulot.

Kaya agad kong pinihit ang pintoan at pumasok. Iniwan kung bukas ang pintuan

Nadatnan kong nag babasa ng dyaryo si Ama.

“Magandang umaga ho ama.” Magalang na bati ko sa kanya.
Saglit siyang tumingin sa akin bago ibinaba ang binabasa niya.

“Ikaw pala anak, ano iyang mga dala mo?” nakangiting tanong niya.

“Agahan niyo ho ama, ipinadala lamang ito sa akin ni ate Gloria.” Paliwanag ko.

Tumayo siya mula sa pagkakasandal niya sa kanyang upuan. Naglakad siya papalapit sa akin at ngumiti.

“Hindi pa naman ako nagugutom anak, dalhan mon a lang ako ng iyong niluto, na miss ko iyon.” Nakangiting ani niya.

Agad na man akong nag taka sa sinabi niya.

“Ngunit papaano itong mga pagkaing iniluto ni Ate Gloria para sa iyo ama? Mainit pa naman ito.” Rason ko.

Bahagyang lumanlam ang ngiti niya, at inabot ang kaliwang balikat ko. Bumuntong hininga siya tsaka nag salita.

“Dalhin mon a lang iyan sa kusina at doon ako kakain” mahinang sambit niya at ginulo bahagya ang buhok ko.

Marahang itinulak niya pa ako papunta sa pintuan, nasa labasan na kami at huminto siya. Tsaka ako nag salita.

“Ako’y mag tatampo sa iyo kung hindi mo ito titikma, sayang lang ang pagod ni Ate Gloria upang ipaghain ka ng masarap na agahan, kaya sige na ama!, kahit isang kutsara lang ng kanyang linuto ay tikman mo.” Pagpupumiglit ko.

Wala siyang nagawa kundi tikman ang inihanda ni Gloria. Kinuha niya ang kutsara saka sumandok sa mangkok ng sopas at isinubo iyon.

Todo ngiti ako dahil tinikman niya ang linuto ni Gloria.

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now