Kabanata 28

123 8 0
                                    

A Chance To Love Again written by Nicollyte

“Nicola! Anak!” tawag ni Ina sa akin mula sa labas ng kwarto.

Maaga akong na gising ngayon dahil mamamasyal kami ni Leonardo.Isang lingo na ang nakalipas simula ng payagan ko syang man ligaw , dahil gusto daw nya na patunayan sa akin kung gaano sya ka seryoso sa nararamdaman nya.

Sandali lang ho!....pababa na rin ako” tugon ko.

Natapos na ako sa pag kakapusod ng buhok ko , sinigurado ko pa talaga na mahigpit ang pag kakatali dito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Gloria, grabe siya no , ako talaga sinisi sa pagkamatay ni Leo.Kung yun din lang naman ang dahilan nya sa hindi pag panasin sa akin ,pwes gusto ko sa bihin sa kanya na ang BABAW nya.Pero napaisip din ako kung yun lang ang dahilan nya bakit kailangan pang umabot sa ganito?

Pag labas ko sa kwarto ay agad bumungad sa akin si Leonardo habang nakangiti.Inilahad nya ang hawak nyang santan.

Magandang umaga para sa aking mahal na binibini” masayang bati nya.

Agad naman akong namula sa sinabi nya , at magalang na tinanggap ang bulak lak na binigay nya.Napakamot nama  sya sa ulo nya ng mapansin na tiningnan ko pa ito.

Pasensya ka na at yan lang ang aking naibigay….hindi kasi ako nakabili ng rosas kaninang umaga kaya pumitas lang ako dyan sa inyong hardin.” Nahihiyang paliwanag nya.

Ngumiti naman ako sa kanya bago mag salita.

Hindi ayos lang….hindi din naman  ako mapili sa bulaklak , kung anong ibibigay mo ay tatanggapin ko.”
Nakita ko naman na pasimple siyang ngumiti at bahagyang namula pa ang pisngi nya.

Uyyyyy kinikilig sya!!!” panunukso ko pa sa kanya.

Tara na nga… baka saan pa mapunta to.” Ani nya at tsaka inalok ang braso nya sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay , tsaka dahan dahang napangiti.

Ngumiti naman sya ng tinanggap ko ang  alok nya.

Pag baba naming dalawa sa hagdan ay dun ko Nakita si Amat Ina . habang nag kakape sa sala.Napatingin silang dalawa sa amin ni Leonardo at tsaka ngumiti.

Nakita ko naman si Josefa na mukhang kagagaling lang sa kusina at may dala itong tinapay.
Napatingin sya sa aming dalawa ni Leonardo , tsaka nag salita.

Saan kayo mag tutungo?” tanong ni Josefa.

Mamamasyal kami sa buong Hacienda ngayon, at pinayagan na rin kami ni ama at ina hindi ba ho ina?” tanong ni Leonardo kay Ina na bahagyang naibuga ang iniinom na kape.

Umubo ubo pa siyang napatingin sa amin ni Leonardo.

Aba’y kay bilis mo hijo..hindi pa nga kayo kasal ay tinawag mo na akong Ina , napakabilis mo naman ata.” Gulat na naiusal ni Ina.
Natawa naman kami nil ani Josefa , pero agad din kaming natahimik ng biglang mag salita si Ama.

“Iuwi mo ang aking anak bago mag tanghalian , nag kakaintindihan ba tayo Leonardo?”mautiridad nitong sabi.

Napalunok naman si Leonardo dahil sa sinabi ni Ama.At wala sa sariling napatango.

Bueno!.. maari na kayong umalis.” Pagbibigay nya ng permiso sa aming dalawa.

Lumapit ako sa kanila ni Ina para humalik sa pisngi , ganon din ang kay Josefa.Hinatid pa kaming dalawa ni Josefa palabas ng pintuan tsaka patulak kaming pinalabas.

A Chance To Love Again    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon